Saturday , May 24 2025
Jomari Yllana Paeng Nodalo Memorial Rally

Jomari sasabak sa Paeng Nodalo Memorial Rally, aarangkadang muli sa acting

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING aarangkada ang veteran actor na si Jomari Yllana sa racing circuit. Si Jom ang nasa likod ng gaganaping Paeng Nodalo Memorial Rally sa November 5-6 sa Subic Bay Freeport.

Magsisilbi itong tribute kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports sa bansa, na nasa likod ng sikat na Mabuhay Rally.

Si Jom na nasa ikatlong term bilang konsehal ng Parañaque ang unang Filipino na naka-score sa podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014. Isa rin siya sa top three winners sa Super Race Round 8 Championship, Accent One category na binubuo ng mga top racer mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang kanyang racing team na Yllana GTR ay ang unang Filipino racing team na nanalo sa naturang event.

Nagsimula ang pagkahilig ng aktor sa car racing nang sumali siya sa Toyota Team Tom’s noong huling bahagi ng dekada ‘90. Ang stint niyang ‘yun ay humantong sa kasiyahan niya habang nagmamaniobra sa mga high-speed drive sa Batangas Racing Circuit at Clark International Speedway.

“It’s a very competitive sports. Kapag sinabing karera, iba e,” saad ni Jom na humarap sa media kasama ang GF niyang si Abby Viduya.

Aniya, “Iba itong rally event, totally different sa kung ano ang ginagawa ko in the past. Ito time trials, mountainous area… Subic Naval Magazine ‘yung location, tatlong daylight na stages and then pitong night stages naman. Mag-i-start kami ng hapon at matatapos madaling araw kinabukasan kaya it involves a lot of preparation.”

Ipinahayag ni Jomari, open sa lahat ang kanilang memorial rally. Ini-encourage niyang sumali sa sanctioned ng official racers ang mga mahihilig sa karera. “Huwag na tayong kumarera sa kalye, tigilan na natin ang mga dangerous stunt sa kalye na napakadelikado. I encourage lalo na ‘yung mahihilig na kabataan to go to a motorsports pero pasukin nila ‘yung level ng professional at governed and legal sanctioned na karera,” sambit ng aktor/public servant.

Bukod sa car racing, balik-acting din si Jom at mag-uumpisa na siya ng shooting sa December. Gaganap siyang politiko sa serye ni Erik Matti, na pang-international release.

Ilan sa memorable films ni Jom bilang isang magaling na actor ang The Healing, Ikaw ang Pag-ibig, Sigaw, Minsan Pa, Gatas… Sa Dibdib Ng Kaaway, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Sa Pusod ng Dagat, Diliryo, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Andre Yllana Jomari Yllana

Andre ‘di kailangang magpaalam kay Jom sakaling magpapa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales SINO ba naman ang makalilimot sa mga hubad na larawan noon …

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …