Wednesday , January 22 2025
farmer

Fertilizer discount voucher, ipamamahagi sa magsasaka

MAMAMAHAGI ng fertilizer discount voucher ang administrasyong Marcos Jr., sa mga magsasaka upang palakasin ang kanilang rice production.

Inihayag ng Malacañang ang updated guidelines para sa implementasyon ng fertilizer discount voucher project sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture (DA).

Alinsunod sa Memorandum Order 65, saklaw ng proyekto ang mga rehiyon sa buong bansa na nagtatanin ng inbred at hybrid rice seeds maliban sa National Capital Region (NCR) at ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pamamagitan ng proyekto ay magbibigay ang DA ng fertilizer vouchers sa eligible beneficiaries para gamitin sa pagbili ng urea fertilizer

“The use of fertilizer vouchers offers an alternative to farmers with lowered purchasing power to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area,” ayon sa MO 65.

“Discount vouchers are for one-time use only and may be claimed at any accredited fertilizer merchants in the preferred area of the farmer-beneficiaries,” sabi sa kalatas.

Ang discount voucher ay may halagang katumbas ng Php1,130 kada ektarta para sa inbred, at P2,262 bawat ektarya para sa hybrid. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Quezon City
HOLDAPER TIMBOG SA ILEGAL NA BOGA

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 33-anyos lalaking sangkot sa pagnanakaw at nahulihan ng baril …

Bombero sugatan, residente nahilo sa Mandaluyong fire

Bombero sugatan, residente nahilo sa Mandaluyong fire

SUGATAN ang dalawa katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa lungsod ng …

Knife Blood

Inatado ng sariling anak
ULO NG AMA PINUGOT PUSO ISINABIT SA PUNO

INARESTO ng pulisya ang isang 41-anyos lalaki dahil sa alegasyong pinugutan niya ng ulo at …

Gun poinnt

‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan

PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang …

Lemery Batangas

Dinukot sa Makati
KOREANO NASAGIP SA BATANGAS

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Korean national sa Brgy. Mayasang, bayan ng …