Thursday , June 4 2026
Kamara, Congress, money

Solons hinimok mag-ambag ng kontribusyong pinansiyal para sa mga naulila ni Percy

HINIMOK ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga, Jr., ang mga kasamahan sa Kamara na boluntaryong magbigay ng pinansiyal na tulong para sa mga naulila ng beteranong broadcast journalist na si Percival Mabasa, kilala bilang Percy lapid.

Sa House Resolution No. 508, sinabi ni Barzaga, nararapat magbigay  ng tulong ang mga kongresista kasunod ng paglikom ng P5 milyong reward para sa makapagtuturo kung sino ang nagpapatay sa batikang mamamahayag.

Anang kongresista ng Dasmariñas, ang kontribusyon ay ibibigay sa pangangalaga ni House Secretary General Reginald Velasco.

Pinangunahan ni Barzaga ang kontribusyon sa halagang P100,000 kahapon.

Ani Barzaga, kailangang maibigay sa pamilya ni Mabasa ang malilikom sa 30 Nobyembre 2022.

“While giving of the reward for the immediate apprehension of the perpetrators of the crime, it is also equally important that we provide aid to the heirs of the slain journalist whose relatives are now suffering from threats and intimidation…” diin sa resolusyon ni Barzaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …