Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Baril, shabu kompiskaso
HVT ARESTADO SA ZAMBALES

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang high value target (HVT) sa bayan ng Iba, lalawigan ng Zambales, nitong Linggo, 31 Oktubre. Ayon sa ulat na ipinadala ni P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kay P/BGen. Valeriano De Leon, PRO3 Regional Director, nagtungo ang mga operatiba ng 305th Maneuver Company RMFB3 at PIU ZPPO sa …

Read More »

Top 4 MWP ng Zambo del Norte nasakote sa Bulacan

NADAKIP ang itinuturing na pang-apat na most wanted person (MWP) ng Leon Postigo, Zamboanga Del Norte sa inilatag na manhunt operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si Jonathan Ambang Sangcom na …

Read More »

Unity talks kina Leni, Manny, at Ping, Isko kasado

Isko Moreno, Leni Robredo, Manny Pacquiao, Ping Lacson

NAKAHANDA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na makiisa sa kapwa presidential bets, Vice President Leni Robredo at senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao kung ang agenda ay matugunan ang mga problema ng bayan at hindi para lamang manalo sa halalan. Inihayag ito ni Isko, kasunod ng ulat na susuportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kandidatura ng …

Read More »

Presyo ng LPG muling sumirit

oil lpg money

MALAKING dagdag presyo ang ipatutupad ng ilang kompanya ng langis sa liquefied petroleum gas (LPG) nitong 1 Nobyembre. Sa anunsiyo ng Petron Corporation, epektibo dakong 4:00 pm nitong Lunes, itataas sa P3.10 (VAT-inclusive) ang presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P34.10 dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram LPG tank. Papatungan din ng Petron ng P1.73 ang …

Read More »

Casimiro binusalan si Defensor

BINUSALAN ng tagapagsalita ng Quezon City si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor sa pahayag na dapat ay bigyan ng pamahalaang lokal ang mga kawani nito ng  “year-end bonus” bilang dagdag na ayuda para makaahon sa paghihirap dala ng pandemyang dulot ng CoVid-19. Sinabi ni Atty. Orlando Casimiro, hepe ng legal department ng Quezon City at tagapagsalita nito, ang mga pahayag …

Read More »

Pichay ipinadidiskalipika sa Comelec bilang Surigao cong’l bet

Prospero Pichay, Jr

IPINAKAKANSELA sa Commission on Elections (Comelec) ang muling pagtakbo ni Surigao Del Sur 1st District Rep. Prospero Pichay, Jr., dahil sa kawalan umano ng kalipikasyon para humawak ng posisyon sa public office. Sa petisyon ni Construction Worker’s Solidarity (CWS) partylist Representative Romeo Momo, iginiit na dapat kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Pichay. Aniya, wala nang karapatan si Pichay …

Read More »

Rider, pedestrian dedbol sa motorsiklo

ISANG motorcycle rider at pedestrian ang binawian ng buhay, habang sugatan ang babaeng angkas sa motorsiklo sa nangyaring aksidente sa tulay kamakalawa sa Taguig City. Kinilala ang mga biktima na sina Richard Villan, 39 anyos, self-employed, residente sa Damayan, Taytay, Rizal, driver ng CBR 150 Motorcycle, may plakang ND 71958; at Novem Abelong, 31 anyos, binata, pedestrian, residente sa Plaridel, …

Read More »

Notoryus na holdaper at carnapper
KELOT TIKLO

HINDI nakapalag sa Taguig police ang itinurong miyembro na tinaguriang Sta. Ana carnapping group na sangkot sa panghoholdap sa isang Indian national, sa isang convenience store sa Taguig City. Kinilala ang suspek na si Marvin  Padilla, alyas Kalbo, 33 anyos. Sa report na natanggap ni Taguig  chief of police (COP) P/Col. Celso Rodriguez, si Padilla ay dinampot at pinosasan ng …

Read More »

Most wanted rapist nasakote

ISANG 45-anyos akusado sa panghahalay sa isinagawang ang nasakote sa manhunt operation kontra most wanted persons (MWPs) sa Las Piñas City nitong 31 Oktubre. Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brog. General Jimili Macaraeg ang akusado na si Arnel Gabad, 45 anyos, residente sa Barangay Elias Aldana, Las Piñas City. Tinaguriang top 4 most wanted person ng Las Piñas …

Read More »

Sa Marikina
BEBOT, 3 KELOT ARESTADO, 149K DROGA KOMPISKADO

ARESTADO ang apat katao nang masamsaman ng 22 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Brgy. Concepcion Uno, sa lungsod ng Marikina, nitong Linggo, 31 Oktubre. Kinilala ang mga nadakip na sina Jonny Yap, 50 anyos; Nicodemus Eugenio; John Resoso, 22 anyos; at Rose Mary Ann Inamac, alyas Nene, 32 anyos, pawang residente sa Bantayog …

Read More »

Oplan sita sinibatan
3 RIDER NASAKOTE SA P1.5 M SHABU SA KANKALOO

SA HOYO bumagsak ang tatlong rider matapos makuhaan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangaking sumibat sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Feliciano, 43 anyos; Regie Rivera, 35 anyos, messenger, kapwa …

Read More »

Motorsiklo, nasagi ng truck
LOLONG RIDER, TODAS

HALOS madurog ang ulo at katawan ng isang 62-anyos mekaniko nang masagi ng isang truck ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktima na kinilalang si Felix Espinosa, residente  sa Interior Catmon, Malabon City, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Sa nakarating na ulat kay Caloocan …

Read More »

May go signal na
US TRIP NI NOBEL LAUREATE RESSA, APROBADO SA CA

110221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO INAPROBHAN ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Nobel Peace Prize winner Maria Ressa na makalabas ng bansa dahil kinakailangan ang kagyat at personal na pagdalo niya sa serye ng panayam sa Harvard Kennedy School sa Boston, Massachusetts. Ipinaliwanag ng appellate court na ang dating pagbasura sa “motion to travel abroad” ni Ressa ay bunsod ng …

Read More »

Nora Aunor, KWF Kampeon ng Wika 2021

Nora Aunor, KWF Kampeon ng Wika 2021

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino ng Kampeon ng Wika 2021 si Nora C. Villamayor aka Nora Aunor dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa larangan ng pelikulang Pilipino na sumalamin sa búhay ng mga mamamayang Pilipino.Siyá ay isang batikang artista, mang-aawit, prodyuser, at nakatanggap ng iba’t ibang parangal mula FAMAS Award, Gawad Urian Award, Metro Manila Film Festival, Luna …

Read More »

Lalaking walang face mask nakipagbugbugan sa simbahan

Lalaking walang face mask nakipagbugbugan sa simbahan

Kinalap ni Tracy Cabrera                                       LAKEWOOD, WASHINGTON — Isang video mula sa isang church service sa Washington state ang nag-viral makaraang humantong sa bugbugan  ang  sapilitang pagpapaalis sa isang lalaking walang suot na face mask na pumasok subalit hiniling ng pari na lumisan dahil sa paglabag sa polisiya ng pagsusuot ng proteksyon mula sa coronavirus. Makikita sa video si Father Paul …

Read More »

1 sa 4 pasyente ng CoVid-19 madaling ma-stroke at magkaroon ng brain damage

Dr Epifania Collantes, Dr Gerardo Legaspi, UP-PGH Stroke Services

MANILA — Ayon sa lokal na pag-aaral na isinagawa ng Philippine Neurological Association, isa sa bawat apat na Filipino na naospital sanhi ng CoVid-19 ay maaaring makaranas ng stroke at iba pang disorder na nakaaapekto sa utak. Nakita ito sa retrospective study ng mga researcher sa Philippine General Hospital (PGH) na sinuri ang may 10,881 Pinoys na diagnosed ng coronavirus …

Read More »

Bulacan 911, maaari nang tawagan para sa emergency cases

BULACAN 911

OPERASYONAL na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anomang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 nitong Linggo ng umaga, 31 Oktubre, sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos. Sinabi ni Gob. Daniel Fernando, matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag …

Read More »

Handog ni Mayor Boy Cruz tinanggap ni Konsehal Cris Castro
2 AMBULANSIYA SA 2 BARANGAY NG PANDI, BULACAN

ambulance Boy Cruz, Cris Castro, Micka Bautista

MASAYANG TINANG­GAP ni Pandi Councilor Cris Castro nitong nakaraang 24 Oktubre 2021 ang dalawang ambulansiya na ipinag­kaloob ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz para sa dalawang barangay ng naturang bayan, sa lalawigan ng Bulacan. Sa pagsuporta ni Mayor Boy Cruz, na tatakbong congressman sa ikalimang distrito ng Bulacan, isinabay na rin ang isang medical mission sa mga barangay ng Cacarong Bata …

Read More »

Taytay LGU wagi sa pandemic response

Taytay Rizal

DINAIG ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on CoVid-19 Pandemic Response” …

Read More »

Motornapper ng Bulacan tiklo sa Pampanga

BUMAGSAK sa kamay ng batas ang isang kawatan ng motorsiklo sa Bulacan na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ng Region 3 sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Niqui, bayan ng Masantol, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 30 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3 PNP,  kinilala ang suspek na si Roell Guintu, nakatala bilang pang-37 Regional …

Read More »

PNP applicants kinikilan Med rep timbog sa bitag

arrest, posas, fingerprints

NASAKOTE sa ikinasang entrapment operation malapit sa regional headquarters ng pulisya ang isang babaeng medical representative na inirekla­mong nangingikil ng pera mula sa mga aplikanteng magpupulis sa bayan ng Palo, lalawigan ng Leyte, nitong Biyernes, 29 Oktubre. Kinilala ang suspek na si Cherie Pulga, 36 anyos, isang medical representative, huli sa aktong tumanggap ng boodle money mula sa isang aplikanteng kanyang …

Read More »

Paninira sa panahon ng halalan, ‘wag patulan — Angat VM

Jowar Bautista

SA MENSAHE sa Facebook na inilahad ni Vice Mayor Jowar Bautista, tatakbong alkalde ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan, kanyang sinabing hindi niya pinapatulan ang mga paninira na walang kabuluhan lalo kung mga fictitious o dummy accounts ang nagbabato nito. Kasunod ito ng bintang na siya ang nasa likod ng mga paninira sa kanyang kalaban sa mayoralty race na …

Read More »

Navotas sasali sa pilot study ng face to face classes

NAVOTAS FACE TO FACE CLASSES

NAGPAHAYAG ng intensiyon ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pagsali sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa 15 Nobyembre 2021. Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes. Ayon kay Mayor Tiangco, 45 senior high students ang …

Read More »

Mag-ama dinakip sa pagpatay sa retiradong sundalo

Antonio Yarra

QUEZON CITY, METRO MANILA — Dalawang araw makalipas patayin ang isang retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang mag-amang sinbaing repsonsable sa pagbaril sa sundalo, sa Barangay Inarawan sa Antipolo City.  Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen. Antonio Yarra ang mga suspek na sina Deogenes …

Read More »

2 notoryus na miyembro ng criminal group timbog sa SACLEO

SA ISINAGAWANG Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Pasay City Police, nasakote ang dalawang hinihinalang kasapi ng noturyos na Romil Villamin Criminal Group sa lungsod nitong 30 Oktubre. Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nasakoteng suspek na sina Raymond Andrade, alyas Raymond, 27, at Yuri Acelar, alyas Yuri, 32, …

Read More »