Thursday , February 29 2024
Masculados Marikit

Masculados muling paiingayin ng Marikit

NAGBABALIK ang grupong nagpa-uso ng awiting Jumbo Hotdog, ang Masculados at tiyak madalas na rin silang mapapanood dahil nasa pangangalaga na sila ng bagong tatag na management, ang Marikit Artist Management na pinamumunuan ni Joseph “Jojo” Aleta.

Ang Masculados na ire-rebrand ng Marikit ay kinabibilangan ng mga dati at bagong miyembro. Sila ay sina Robin Robel, Enrico Mofar, Nico Cordova, Orlando Sol, David Karell, at Richard Yumul.

Sa launching ng Marikit Artist Management na ginanap sa Ilang-Ilang, Manila Hotel nagpa-sampol uli ang grupo ng sikat na sikat nilang kanta. At talaga namang naroon pa rin ang lakas ng dating ng grupo.

Ani Robin, pinoneer ng Masculados, “This coming February, mag-20 years na po ang grupo namin. Magkakaroon po kami ng mini-concert.

“Nagpapasalamat po kami sa Marikit, niyakap ang Masculados, kinuha po kami. Malaki pong karangalan sa amin ‘yun.”

Pito ang orihinal na miyembro ng Masculados pagkaraan ay naging siyam at ngayon ay anim na lamang. 

Noong una pito kami sa unang album. Tapos sa second album, naging siyam po kami. At habang tumatagal ‘yung iba nawawala.

“‘Yung iba gumradweyt na. So, ako na lang talaga ‘yung natitira sa first batch. Tapos si Enrico natira rin.

“Parang nag-join force kami, nag-usap na ‘P’re, huwag tayong bumitaw.’ Kasi siyempre ang Masculados, ang tagal na niyan, ‘di ba?

Kaya ang ginawa namin, naghanap kami ng iba pa naming puwedeng maging ka-grupo o ka-member. So, ‘yun nga, dumating si Orlando, dumating si Richard,” sabi pa ni Robin.

Naging aktibo ang Masculados noong nakaraang election dahil isa sila sa klik sa mga nangangampanya. Patok sa masa ang novelty songs nila na binago ang ilang lyrics para sa ineendosong kandidato.

Sinabi pa ni Robin na hindi rin niya inaasahang tatagal sila kahit sabihing nawala na ang iba sa mga kasamahan nila.

Malaking bagay po na ang Masculados …napakahirap isipin na aabot kami ng dalawang dekada. So, ‘yun nga, sa mga tumatangkilik ng aming mga awitin, maraming-maraming salamat po.

“Nakatataba po ng puso na hanggang ngayon po ay kinakanta at isinasayaw ang aming mga awitin. Marami pong salamat talaga! Thank you very much!”

Bukod sa rebranding magkalabas ng bagong kanta ang Masculados na lika ni Lito Camo plus ang concert nila sa Pebrero. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheryl Cruz Analyn Barro Jo Berry

Sheryl at Annalyn nag-sorry bago saktan si Jo Berry

I-FLEXni Jun Nardo BAGO pa man saktan ng Kapuso artist na si Annalyn Barro si little persona  Jo …

Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama …

Blind item gay male man

Young actor buking ni direk pagpapahada sa matandang showbiz gay

ni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN nila ang isang matandang showbiz gay na para raw halimaw basta may …

Bea Alonzo Dominic Roque

Dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic inilantad 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON unti-unting lumalabas na ang ibang detalye. Kasalukuyan daw palang gumagawa …

Coco Martin Ricky boy

Karga-kargang bata ni Coco na si Ricky Boy may potensiyal sumikat

HATAWANni Ed de Leon MAY nakita kaming picture ng isang poging batang lalaki na karga-karga …