Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

Sa ninakaw na pera ng teachers
HUGAS-KAMAY NG LANDBANK, HINDI UUBRA

Landbank Money

HINDI papayagan ang tila ‘paghuhugas-kamay’ ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa ninakaw na pera ng mga guro habang nakalagak sa banko. Iginiit ni labor lawyer at counsel ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) long-time counsel Luke Espiritu na obligado ang Landbank na maging metikuloso sa pag-iingat sa pera ng mga guro dahil kapag nawala ito habang nasa pangangalaga ng …

Read More »

Nakikialam sa DQ case ni Marcos,
‘SENADOR’ IBINUKING NI GUANZON KAY SOTTO

020122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario KILALA na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang sinasabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na nakikialam para maantala ang desisyon sa disqualification (DQ) case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand “Bongbong”Marcos, Jr. Ayon kay Sotto, isiniwalat sa kanya ni Guanzon ang pangalan ng senador …

Read More »

Pharmally officials haharap sa kasong syndicated estafa

expired face shields, CoVid-19 test kits, P28.72 face masks, Pharmally Money

INIREKOMENDA ng House committee on good government and public accountability sa pamahalaan na sampahan ng kasong syndidated estafa ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na nakakuha ng malaking kontrata sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Procurement Service-Department of Budget and management (PS-DBM). Sa rekomendasyon ng komite, kasama sila Mr. Huang Tzu Yen, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine …

Read More »

Saklolo ng gobyerno hiniling
200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

Saklolo ng gobyerno hiniling 200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

KALIWA’T KANANG panunutok ng baril, harassment, at pagdukot ang nararanasan ng may 200 residente at magsasaka mula sa mga opisyal at mga tauhan ng Masungi Georeserve sa Sitio San Roque, Brgy. Pinugay, sa bayan ng Baras, lalawigan ng Rizal.  Ayon kay Jay Sambilay, humihingi ng saklolo ang 200 miyembro ng Sitio San Roque Association at Farmers and Habitants Association kay …

Read More »

Nahulog sa puno ng Bignay lalaki patay sa San Juan

Dead body, feet

BINAWIAN ng buhay ang isang 57-anyos lalaki nang mahulog mula sa inakyat na puno ng Bignay nitong Linggo ng umaga, 30 Enero. Kinilala ang biktimang si Wilmore Cayao, 57 anyos, residente sa G. Road – 6, 1st West Crame, sa lungsod.  Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jarian Jay Encina, dakong 10:20 am kamakalawa nang akyatin ng biktima ang puno ng …

Read More »

Masangsang na amoy ng tone- toneladang medical waste ng QMC, inirireklamo kay Gov. Suarez

Masangsang na amoy ng tone- toneladang medical waste ng QMC, inirireklamo kay Gov Suarez

KASABAY ng paglobo ng bilang ng mga nai-infect at namamatay sa CoVid-19 virus sa lalawigan ng Quezon, nangangambang makakuha ng panibagong mga sakit ang mga residente malapit sa compound ng likurang bahagi ng Quezon Medical Center (QMC) dahil sa tone- toneladang medical wastes na matagal nang nakatambak sa nasabing lugar. Marami sa kanila ay nagpaabot na umano ng reklamo sa …

Read More »

Sa Romblon
INA, 2 ANAK MINASAKER SUSPEK ARESTADO

knife saksak

NASAKOTE ng mga awtoridad nitong Biyernes, 28 Enero, ang isa sa mga suspek sa pamamaslang sa isang ina at kaniyang dalawang anak sa kanilang bahay sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Romblon. Noong Miyerkoles, 26 Enero, natagpuan ang walang buhay at tadtad ng mga saksak na katawan ng mga biktimang kinilalang sina Wielyn Mendoza, 29 anyos, single mother, at …

Read More »

Naglaro ng mga heringgilyang ginamit na
7 BATA SA VIRAC, CATANDUANES POSITIBO SA COVID-19

Covid-19 positive

NAGPOSITIBO sa CoVid-19 nitong Sabado, 29 Enero, ang pitong bata sa bayan ng Virac, lalawigan ng Catanduanes, matapos maglaro ng ‘medical waste’ na kanilang natagpuan sa kanilang barangay. Isinailalim ng mga awtoridad sa antigen testing ang mga batang may edad 3-11 anyos, matapos makitang naglalaro ng mga heringgilya gamit na, sa dalampasigan ng Brgy. Concepcion, sa nabanggit na bayan. Bukod …

Read More »

Tulay sa Majayjay bumigay
CARGO TRUCK NAHULOG, 4 SUGATAN

Majayjay Laguna Bridge Truck Accident

APAT ang nasugatan nang mahulog ang isang cargo truck sa ilog nang bumigay ang isang tulay sa bayan ng Majayjay, sa lalawigan ng Laguna, nitong Sabado ng umaga, 29 Enero. Dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktimang sina Jieron Benlot, 34 anyos, driver ng truck; Den Fernandez, 42 anyos; at mga pahinanteng sina Noel Clemente, 44 anyos, at Jeffry Pinino, …

Read More »

Sa Butuan
CYBERSEX DEN SINALAKAY 8 MENOR DE EDAD NASAGIP

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

NAILIGTAS ang walong biktimang may edad 14 hanggang 16 anyos nang salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang cybersex den sa Purok 7, Brgy. Limaha, lungsod ng Butuan, Agusan del Norte, nitong Sabado, 29 Enero. Magkatuwang na ikinasa ng National Bureau of Investigation – CARAGA office at Regional Police Women and Children Protection Center ang operasyon base sa impormasyon mula …

Read More »

Lista ng bakuna sa 5-11 anyos  binuksan na sa Las Piñas City

covid-19 vaccine for kids

BINUKSAN nitong Sabado, 29 Enero, ng Las Piñas City government ang rehistrasyon ng Bakunahan sa Kabataan para sa edad 5-11 anyos sa lungsod. Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga magulang at guardians na irehistro ang kanilang mga anak sa registration link na https://bit.ly/e-covid19reg para makatanggap ng libreng bakuna ang nasabing mga kabataan. Sa pamamagitan ng naturang registration link ay …

Read More »

4 drug suspects timbog sa shabu

arrest, posas, fingerprints

NASA P119,000 halaga ang nakompiskang hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa southern Metro Manila, nitong Biyernes at Sabado. Dakong 8:35 pm nitong ng Biyernes, 28 Enero, nang madakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Ben Reyes, alyas Dong, 29 anyos, ng Cavite City, at Marilou Español, 45 anyos, ng Pasay City sa isinagawang buy bust operation sa panulukan ng …

Read More »

Batilyo tinaniman ng bala sa ulo

gun dead

PATAY ang isang batilyo sa isang tama ng bala ng baril sa ulo nang matagpuan sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Navotas City. Patay agad ang biktimang kinilalang si Ron Dionisio, 38 anyos, residente sa Galicia St., Brgy. Bangkulasi ng nasabing lungsod. Nagsasagawa ng follow-up operation ang Navotas Police upang matukoy kung sino ang suspek. Batay sa ulat sa …

Read More »

6 tulak swak sa P.3-M shabu

shabu drug arrest

KALABOSO ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang magkapatid na bebot matapos makuhaan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Valenzuela at Malabon. Sa ulat ni P/Cpl. Christopher Quiao kay Valenzuela police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 11:00 pm nang magsagawa ang mga …

Read More »

Jaguar pinagbintangang nanita FACTORY WORKER KULONG SA SAKSAK

knife, blood, prison

SWAK sa kulungan ang isang factory worker matapos undayan ng saksak ang security guard na pinagbintangang sumita sa kanya sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Henry Marquez, 41 anyos, residente sa Inda Maria St., Brgy. Potrero sa nasabing lungsod. Nahaharap sa kasong frustrated homicide at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa nakompiskang patalim …

Read More »

P.4-M shabu kompiskado
5 DRUG SUSPECTS DINAKIP NG PDEA SA BULACAN DRUG DEN

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

DINAKIP ang limang drug suspects, ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa buy bust operation sa hinihinalang drug den sa San Jose del Monte, Bulacan, nitong Sabado ng hapon. Batay sa ulat ng PDEA operating team na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga suspek na sina Arturo Trinos, 49 anyos, Norilyn Mariano, 43, …

Read More »

Donny, proud kay Belle sa success ng concert

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PROUD na proud si Donny Pangilinan sa ka-love team niyang si Belle Mariano dahil sa big success ng first-ever solo concert nito na Daylight na napanood virtually via KTX.ph noong January 29. Si Donny ang special guest ni Belle sa concert. First time tumugtog ng keyboard sa isang live event si Donny nang kantahin nila ni Belle ang For Your Eyes Only, na …

Read More »

May laptop na, may allowance pa
SA QC UNIVERSITY LIBRE TUITION FEE

Quezon City University QCU

LIBRE ang tuition fee sa Quezon City University (QCU). Kaya kung kayo ay graduating student ng Senior High ngayong taon, at problema ang pagpasok o makatapos ng kolehiyo, samantalahin ang libreng college education na ini-o-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod. Ito ay matapos maisama ng Commission on Higher Education (CHED) ang unibersidad at mabigyan ng “Institutional Recognition” noong …

Read More »

Sa alert level 2
NO VAXX, NO RIDE, TABLADO

No Vaxx No Ride

MAAARI nang makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga commuters, bakunado man o ‘di-bakunado sa Metro Manila na isasailalim sa Alert Level 2 simula sa Martes, 1 Pebrero. Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, aalisin ang polisiyang “no vaccination, no ride” ng Department of Transportation (DOTr) sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 status. “Once we …

Read More »

Resolusyon gustong i-hijack
SENADOR ‘PUHUNAN’ NG POLL COMM
Ferolino ‘kamote’ — Guanzon

013122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SENADOR lang ang puhunan ng isang commissioner kaya nasungkit ang puwesto sa Commission kahit kapos ang karanasan bilang abogado. Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, na si Commissioner Aimee Ferolino ay hindi sumabak sa paglilitis sa hukuman, hindi nakapagsulat ng pleadings, at desisyon kaya ‘slow’ o mabagal mag-isip. Noong  nakatalagang Election Officer sa Davao, …

Read More »

Publiko pinag-iingat sa mga pekeng survey

PINAG-IINGAT ang publiko ng samahan ng mga “politicial analyst at statistician” hinggil sa mga kumakalat na mga pekeng survey sa bansa. Ayon kay Ralph Rodriguez, tagapagsalita ng grupo, dapat ay maging maingat ang publiko at huwag maniwala sa mga ‘fly-by-night’ survey results. Naging sentro ngayon at usap-usapan ang Pulso ng Pilipino “The Center” o Issues and Advocacy Center sa usaping …

Read More »

Pagpapaaresto kay CoVid-19 positive Nono-Lin ikinabahala

WALANG basehan ang paratang na tinatakasan ni Quezon City 5th district Congressional candidate Rose Nono-Lin ang hearing sa Senate blue ribbon committee. Ito ang pag-aalma ng kampo ng negosyanteng si Rose Nono-Lin kasunod ng pagkakasama sa pangalan niya sa listahan ng pinatwan ng “cite in contempt” dahil sa hindi pagdalo sa hearing sa senado nitong Huwebes bilang witness sa Pharmally …

Read More »

PM Vargas, naglunsad ng Red Cross bakuna bus sa QC

ISANG mobile vaccination drive ang inilunsad sa Quezon City District 5 ng konsehal at congressional candidate na si Patrick Michael “PM” Vargas sa kanyang kaarawan noong Huwebes sa ilalim ng proyektong “Bakuna Bus” ng Philippine Red Cross (PRC). Layunin ni Vargas na makaabot ang serbisyong ito sa mga lugar kung saan marami pa ang mga hindi nababakunahan lalo ngayong muli …

Read More »

Sa Angeles City, Pampanga
8 PULIS NG CIDG, 2 CHINESE NAT’LS, PINOY TIKLO SA ROBBERY

arrest, posas, fingerprints

WALONG police officers at tatlo pang suspek, kabilang ang dalawang Chinese nationals ang dinakip sa tangkang robbery sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga, Miyerkoles. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 3, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa tangkang pagnanakaw sa isang bahay sa Diamond Subdivision, Brgy. Balibago ng mga armadong kalalakihang nakasibilyan pero nagpapakilalang mga pulis. “May …

Read More »