Tuesday , February 27 2024
Calvin Reyes Haslers

Calvin Reyes, tinawag na lalaking Jaclyn Jose!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HALOS speechless ang newbie actor na si Calvin Reyes nang sa presscon ng pelikula nilang Haslers ay sabihin ng direktor nilang si Direk Abnel, na si Calvin ang lalaking Jaclyn Jose!

Actually, pati ang masipag na line producer, writer, at manager na si Dennis Evangelista ay pinuri rin ang performance ni Calvin sa Haslers sa kanyang FB.

An actor is born !!!

Watch out for this new Viva Artist actor Calvin Reyes. Sincere raw and heartfelt performance in this Jose Abdel Langit’s HASLER. Under 3:16 Media Network

Nagbigay naman ng reaksiyon dito si Calvin. Aniya, “Iyon nga po, nabigla ako sa post ni Sir Dennis, at kapag nakikita po ako ni Sir Dennis noong shooting namin, lagi niya akong binabati na, ‘Ang galing-galing mo Calvin,’ Ganoon po, sobrang bait po ni Sir Dennis.

“Kay Direk Abner naman po, kanina ko lang narinig iyon, ‘yung lalaking Jaclyn Jose, po. Nagulat nga po ako sa sinabi ni Direk, pero bago po ang shooting, kinausap ako ni Nanay Len (Carrillo) at ni Direk at binasa ko nang paulit-ulit iyong script.

“Kaya sobrang saya ko po na nagawa ko ang movie na ito. And sobrang thankful po ako sa aming manager, kay Nanay Len, kay Boss Vic (del Rosario), at sa mga boss po sa Viva.”

Nabanggit pa ni Calvin ang pinaghugutan niya sa role na ginampanan dito. “Noong binabasa ko po iyong script, medyo napapaisip po ako, kung paano ko ito gagawin, saan huhugutin ito?

“Sakto po, sa script, medyo may pagkakahawig sa nangyari sa kaibigan ko na close kami, lagi kaming magkasama at namatay siya. So, roon ko po siya hinugot at sumabay pa sa kuwento ng movie, kaya nailabas ko naman po iyong emosyon na kailangan sa movie.

“Yes po, ito ang launching movie ko bale,” sambit pa ng aktor.

Nakararami na rin namang pelikula si Calvin, pero ang Haslers ang biggest break niya. “Opo, ito talaga ang biggest break ko sa lahat ng nagawa kong project. Yes oo, pati sa billing, maganda ang billing ko rito,” wika pa ni Calvin.

Bukod sa pagiging aktor, si Calvin ay member ng VMX-5 na binubuo nina Sean de Guzman, Marco Gomez, Itan Rosales, Mon Mendoza, at Calvin. Madalas napapaanood ang mga nasabing hunk sa Viva Cafe.

Anyway, ang Haslers ay tinatampukan nina Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Marco Gomez, Calvin, at Quinn Carrillo.

Ang biglaang pagkamatay ng isang babae ay magiging bangungot para sa mga dati niyang kaibigan dahil sa suicide letter nito na nagpapaalala sa madilim nilang nakaraan na hindi nila basta-basta maibabaon sa limot.

Sina Denise, Hershie, Angelica, at Quinn, ang apat na babaeng ipakikita na walang sikretong naitatago habang buhay. Panoorin ang HASLERS, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong December 8, 2023.

Sina Thea (Denise), Sofia (Hershie), Cheska (Angelica), at Hazel (Quinn) ay grupo ng magkakaibigang college students na magiging takbuhan ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan at sa mga pinakamahirap na pagsubok ng buhay.

Lahat silang apat ay may kakaiba at ‘di pangkaraniwang trabaho para masustentohan ang sarili at pamilya. Si Thea ay isang high-end prostitute, na kalaunan ay magiging trabaho rin ni Sofia dahil sa pangangailangan ng pera. Si Cheska ay isa namang topless maid, tagalinis ng bahay na nagtatrabaho nang walang suot na damit. Si Hazel naman ay kilalang drug runner. Lahat sila ay gagawin ang kahit na ano at magtatrabaho para sa pera, habang hawak ang pangarap na balang araw ay magbabago rin ang buhay nila, at gagawin nila iyon na magkakasama.

Hindi mauubos ang mga pagsubok na ibabato sa kanilang apat dahil maraming beses na mamaltratohin at iba-blackmail sila ng mga abusadong lalaki. May insidente ring mangyayari sa isang party kung saan imbitado silang apat. Magiging dahilan ito para masira ang kanilang pagkakaibigan at tuluyang maghihiwahiwalay ng landas.

Makalipas ang ilang taon, si Thea ay housewife na at may mayamang asawa, si Sofia ay naging dominatrix, at si Cheska ay successful career woman na, si Hazel naman ay tuluyang naligaw ng landas at mas lumala ang pagiging drug addict. Nagkaroon na sila ng kanya kanyang buhay pero isang trahedya ang magiging dahilan para magsama-sama silang muli, isa sa kanila ang magpapatiwakal. Sa muli nilang pagkikita, madidiskubre nilang parte sila ng suicide letter nito at sila ang sinisisi ng yumaong kaibigan sa lahat ng kamalasan at paghihirap na pinagdaanan niya.

Ano nga bang nangyari sa party ten years ago at naging dahilan ito para masira ang kanilang pagkakaibigan? Anong ginawa nina Thea, Sofia, Cheska at Hazel? Makabawi pa kaya sila sa dating kaibigan kahit wala na ito? Kainin kaya sila ng kanilang konsensiya o muli nilang subukan na ibaon na lang muli sa limot ang alaala ng nakaraan?

Ang Haslers ay suspense-drama Vivamax Original Movie ni Jose Abdel Langit.

Panoorin ang HASLERS sa Vivamax simula ngayong December 8, 2023. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P169 kada buwan, at P419 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang www.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and Apple App Store.

About Nonie Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Caleb Santos Jose Mari Chan Hazel Faith

Caleb Santos excited makasama si Jose Mari Chan

MATABILni John Fontanilla EXCITED ang singer, actor na si Caleb Santos na makasama sa konsiyerto ang mahusay …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …