Tuesday , February 27 2024
Rhea Tan Beautederm

Birthday celebration ng business mogul na si Rhea Tan star-studded, Bea, Maja, Sanya, Enchong, atbp. dumalo  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

THANKFUL ang Beautéderm founder at chairman na si Ms. Rhea Tan sa kanyang celebrity endorsers at mga kaibigan sa press dahil matagumpay ang birthday party niya na ginanap sa Luxent Hotel main ballroom last November 25.

Star-studded ang birthday celeb-REI-tion ng Beautederm lady boss, present dito ang mga naglalakihang artista na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Jane Oineza, at Glydel Mercado.

Nandito rin sina Thia Thomalla, Kakai Bautista, Ysabel Ortega, Thou Reyes, DJ JhaiHo, DJ Cha Cha, KitKat, Ynez Veneracion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Sunshine Garcia, Anne Feo, Coun. Ervic Vijandre, Darla Suller, Sherilyn Reyes-Tan, Ryle Santiago, Gillian Vicencio at Luke Mejares na nagpahayag ng kanilang pagmamahal kay Tan.

Dumalo rin dito ang ilan sa Beautederm franchisees at store owners sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, pati na ang Singapore branch represented by Michael Lusung.

Pahayag ni Ms. Rhea, “My heart is full. I am so blessed to have such precious friends, family, and colleagues. They really made my day special.”

Malaki ang pasasalamat ni Ms. Rhea sa mga miyembro ng media. Aniya, “It’s definitely been a birthday to remember. Pagpupugay din ito sa mga kaibigan sa media dahil sa tulong nila sa Beautéderm. I am forever grateful.”

Ang empire ni Tan ay patuloy pa ring nagce-celebrate ng 14th anniversary.

Pagbibigay halaga ng female entrepreneur sa consumers, “We are a brand that goes beyond what you can see. Beautéderm gives confidence, helps people, and shifts lives. Dahil sa suporta ng consumers, patuloy kaming magpapaganda at magpapabago ng buhay.”

Sa ngayon ay nangunguna pa rin sa merkado ang Beautéderm, na mayroong hangarin na pagandahin sa loob at labas ang bawat Pilipino.

Pagmamay-ari rin ni Tan ang BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, A-List Avenue, at AKStudios.

Pagtatapos ng lady boss ng Beautéderm, “As we age, we become wiser and better. We also become more aware of our surroundings and the reality that not everyone will applaud us but we should power through anyway. Show them the power of authenticity and humility. And the takeaway in this celebration is that you show up sincerely.”

Bisitahin ang Beautéderm sa social media para sa kanilang deals at discounts. Puwede ring mag- checkout sa Shopee, Lazada, at TikTok. At nananatiling matatag ang Beautéderm stores nationwide.

About Nonie Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Caleb Santos Jose Mari Chan Hazel Faith

Caleb Santos excited makasama si Jose Mari Chan

MATABILni John Fontanilla EXCITED ang singer, actor na si Caleb Santos na makasama sa konsiyerto ang mahusay …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …