Tuesday , December 10 2024
Lotlot de Leon Janine Gutierrez Andres Muhlach

Lotlot naiyak sa pagwawagi ni Janine; Andres Muhlach pinagkaguluhan sa 6th The EDDYS ng SPEEd

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DALAWANG Best Actress at Best Film ang nagwagi sa katatapos na 6th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap kagabi, November 26, sa Aliw Theater sa Pasay City.

Itinanghal na Best Actress sina Janine Gutierrez para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin? at Max Eigenmann para naman sa natatangi niyang pagganap sa 12 Weeks.

Wagi namang Best Film ang Blue Room mula sa Heaven’s Best Entertainment directed by Ma-an Asuncion Dagñalan at ang Family Matters ng CineKo Productions na idinirehe ni Nuel Naval.

Personal na tinanggap ni Max (anak ng yumaong aktor na si Mark Gil) ang kanyang Best Actress trophy at inialay ito sa kanyang ina, ang dating beauty queen at aktres na si Bing Pimentel.

Hindi naman nakadalo si Janine sa naganap na awards night kaya ang inang si Lotlot de Leon ang tumanggap ng kanyang tropeo.

Naging emosyonal pa nga si Lotlot nang magpasalamat sa iginawad na parangal ng The EDDYS para sa kanyang panganay na anak.

Alam n’yo po, pangarap ko talaga na makatanggap ng Best Actress award, ‘yun pala tanggapin ko, ‘yung sa anak ko. 

“Janine, I’m so proud of you, my darling!” bahagi ng speech ni Lotlot na nagwagi namang Best Supporting Actress last year sa 5th The EDDYS.

Tinilian naman ang binatang anak ni Aga Muhlach na si Andres nang tumanggap ng award ang ama para sa EDDYS Icon. Nasa abroad si Aga kaya si Andres ang representative ng dating matinee idol.

Samantala, nanalo namang Best Actor ngayong taon si Elijah Canlas para sa naging performance niya sa Blue Room.

Si Mon Confiado ang nagwaging Best Supporting Actor para sa Nanahimik ang Gabi. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakakuha ng kaparehong award ang aktor sa The EDDYS mula naman sa pelikulang Arisaka.

Maluha-luha ring tinanggap ni Nikki Valdez ang kanyang Best Supporting Actress award para sa Family Matters habang si Nuel Crisostomo Naval ang nag-uwi ng Best Director trophy para pa rin sa Family Matters.

Nagsilbi namang hosts ng awards night sina Piolo Pascual at Iza Calzado mula sa direksiyon ni Eric Quizon. Si Pops Fernandez ang humataw sa opening production number habang naghandog din ng bonggang performance si Darren Espanto at ang grupong Calista

Para naman sa pagbibigay-tribute sa mga yumao nang personalidad na bahagi ng industriya ng pelikulang Filipino, naghandog ng awitin ang King of Pinoy Teleserye Theme Song, Erik Santos.

Ang 6th The EDDYS ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing Philippines at magkakaroon ito ng delayed telecast sa December 2 sa A2Z.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng Beautederm, Globe Telecom, Shopee, SMAC, Tough Mama. Nagpapasalamat din ang SPEEd kay Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano ng Soundcheck at Ms. Mhae Sarenas ng Echo Jham Entertainment Production.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi sa 6th The EDDYS.

BEST FILM—Blue Room, Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service, Fusee at Family Matters, CineKo Productions; BEST DIRECTOR—Nuel Crisostomo Naval, Family Matters; BEST ACTRESS—Max Eigenmann, 12 Weeks at

Janine Guttierez, Bakit ‘Di Mo Sabihin; BEST ACTOR—Elijah Canlas, Blue Room; BEST SUPPORTING ACTRESS—Nikki Valdez, Family Matters; BEST SUPPORTING ACTOR—Mon Confiado, Nanahimik ang Gabi; BEST SCREENPLAY l—Mel Mendoza del Rosario, Family Matters.

BEST CINEMATOGRAPHY—Moises Zee, Nanahimik ang Gabi; BEST PRODUCTION DESIGN—Marxie Maolen Fadul, Blue Room; BEST EDITING—Vanessa de Leon, “Blue Room; BEST MUSICAL SCORE—Jazz Nicolas and Mikey Amistoso, Blue Room; BEST SOUND—Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks, Nananahimik ang Gabi; BEST VISUAL EFFECTS—Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor at Geraldine Co, Live Scream; BEST THEME SONG—Sa Hawak Mo (Family Matters) composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena.

Special Awards: 6th The EDDYS Icons — Niño Muhlach, Aga Muhlach, Snooky Serna; Isah V. Red Award – Herbert Bautista, Coco Martin, and Piolo Pascual; Joe Quirino Award — Veteran entertainment journalist Aster Amoyo; Manny Pichel Award — entertainment columnist Ed de Leon; Rising Producer of the Year — Mavx Productions; at Producer of the Year — Viva Films.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Direk Chito muling makikita bagsik bilang Master Horror Director

I-FLEXni Jun Nardo PINAKAMAGASTOS na horror movie na ginawa ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang Espantaho. Ito rin …

SPEEd Christmas Party

SPEEd magdo-donate sa mga nasalanta ng kalamidad 

MAKULAY at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ngayong taon na dinaluhan …

GMA7 ABS-CBN

GMA bilib sa pagka-creative ng ABS-CBN

IYONG ABS-CBN naman ang husay gumawa ng mga drama. Maski nga ang dati nilang kalaban noong may …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …