Wednesday , June 24 2026
Inspi Creators Night Inspi Phils

Inspi Creators Night ng Inspi Phils dinagsa ng sandamakmak na influencers, vloggers 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA. Nakai-inspire ang ginawang fashion show ng INSPI Philippines para sa kanilang INSPI Collection Inspired by its Creators.

Dumagsa ang sandamakmak na influencers, vloggers noong gabing iyon para makiisa sa paglulunsad ng kanilang latest collection, ang stunning ensemble ng fashionable pieces na tiyak hindi makaliligtas sa mga fashion enthusiasts and creators nationwide. 

Nakatanggap kami ng samples ng shirts ng Inspi Philippines bago ang kanilang Inspi Creators Night at humanga kami sa ganda ng texture, kapal, pulido ng tahi, at disenyo ng mga t-shirt. Kaya no wonder super saya ang mga dumalo sa kanilang get-together party and runway. Ang event ay selebrasyon din ng individualism, expressionism, at  influential voices na tumutulong pabalik.

Mahalaga ang ginampanang papel ng  Inspi’s influencers, creators, at affiliates sa pagpapakita ng latest trends gayundin ng pagsasabuhay ng Inspi masterpieces sa runway. Mayroon itong iba’t ibang estilo mula sa casual chic, streetwear aura, hanggang sa high-fashion look, na tiyak bawat isa sa kanila ay isinaayos mula sa kani-kanilang personalidad. Saan man mapunta ang influencers, creators, at affiliates suot-suot o dala nila ang Inspi sa kanilang go-to fashion brand. Kaya naman sila rin ang boses ng Inspi, na nakatulong para mas mapabuti at mahanap nito ang magandang oportunidad sa kanilang produkto.

At dahil ang Inspi ay isa ng go-to fashion brand, ang new collection nito ay nakapagtala ng isa namang record sa pagpapakita ng perfect blend ng creativity, innovation, at high-quality craftsmanship. 

Hindi rin naman mabilis naabot ng Inspi ang tagumpay ng kanilang produkto. Maraming oras at panahon ang ibinigay ng team para makabuo ng talagang masasabing de kalidad na damit na aakma sa kasalukuyang uso o trend ngayon. 

Ang maganda pa sa Inspi, may sarili itong estilo na lalo pang pinaganda ng matitingkad na kulay. Kaya kung naghahanap kayo ng sophisticated look para sa mga special occasion a casual pero chic outfit for everyday wear, hanapin lang ang Inspi’s new collection.

Tamang-tama ang Inspi sa mga individual na naghahanap para magkaroon ng bold statement, makapagpakita ng specific mood o maipakita lang kanilang fashion creativity. 

Sabi nga ng taga-Inspi, “From eye-catching graphics to specific statements, these wearable canvases allow you to express your style and captivate attention wherever you go. 

“Inspi have really become a must-have item in everyone’s wardrobe and have explored endless possibilities to offer.

“Truly, the creative Inspi canvases show freedom of self-expression and allow each and every individual to showcase their passions, interests, and creativity. These pieces will make you stand out giving you the freedom to make a statement and display your unique identity to the world. Inspi Philippines is excited to bring these extraordinary pieces to its valued customers and cannot wait to see the incredible fashion statements they will make with the Creators collection.”

Kaya bisitahin na ang Inspi Philippines social media pages para sa kanilang mga bagong collection: Facebook: https://www.facebook.com/inspi.ph

Instagram: https://www.instagram.com/inspi_ph, TikTok: https://www.tiktok.com/@inspiph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …