Monday , October 18 2021
Christian Bables Signal Rock
Christian Bables Signal Rock

Makatotohanan ba ang Signal Rock o kathang isip lang?

WALANG prostitusyon sa pelikula na nagtatampok kay Christian Bables. Walang mga pulis na mangongotong. Walang sindikato. Walang tutol sa gobyerno ni Duterte. Walang minumurang opisyal ng pamahalaan. Walang fans na hibang kina James Reid at Nadine Lustre—dahil ‘di naman nakararating ang TV sa lunan ng istorya. Walang epidemya ng sakit at taggutom. Walang child abuse. Walang battered wives. Walang mga residenteng nanggagambala. Walang mga aktibista na rally nang rally.

Pasayaw lang at basketbol sa plaza ang libangan ng mga tao. Walang binggohan. Walang mahjong o panggingge.

Paraiso na ang lugar na ‘yon!

At naniniwala kaming may mga ganoong lugar pa sa bansa. Mabuti naman at nakaisip na gumawa ng ganoong klaseng pelikula sina Chito Rono at Rody Vera.

‘Pag ‘di mangalngal, ‘di mapanisi, ‘di mapanumpa at mapagkondena, ‘di mabisyo ang mga mamamayan, ‘di mahilig sa tsismis, mapayapa at matiwasay ang bayan. Isa rin ‘yung katotohanan na gaya ng pagiging totoo rin ng mga bayang mabisyo, naghihikahos, umaapaw sa krimen, laging sinasalot ng kung ano-anong sakit, umaapaw sa angal at muhi at pagkukondena.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary …

RS Francisco

RS Francisco no to politics

MATABILni John Fontanilla ILANG buwan na lang at magaganap na ang Halalan 2022, pero noon …

Rabiya Mateo

Rabiya tututukan muna ang showbiz career

MATABILni John Fontanilla WALANG balak na muling sumali sa ibang beauty pageant ang 2020 Miss Universe …

Boy Abunda, Times Square, New York

Boy Abunda nanggulat sa digital billboard sa Times Square

HARD TALK!ni Pilar Mateo NASA New York, USA ang King of Talk na si Boy Abunda para …

Leave a Reply