Saturday , April 27 2024
arrest prison

Lolong estapador timbog sa Bulacan

INARESTO ng pulisya ang isang matandang lalaking malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa sapin-saping mga kaso ng estafa na kinahaharap sa korte sa lalawigan ng Bulacan.

Nagresulta sa pagkakakadakip ng suspek sa Brgy. Poblacion, bayan ng San Ildefonso, sa nabanggit na lalawigan, ang magkasamang manhunt operation ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) at mga miyembro ng 2nd at 3rd Maneuver Platoon (MP), 2nd PMFC, nitong Sabado ng umaga, 7 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang naarestong suspek na si Dary Nuñez, 51 anyos, residente sa Brgy. Bulusukan, San Ildefonso,  nahaharap sa 19 mga kaso ng Swindling o Syndicated Estafa ng RPC Art. 315 na inamyendahan ng PD 1689.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng San Ildefonso MPS ang suspek ay para sa kaukulang disposisyon.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Shopee Trucks

Kamara vs dambuhalang online store
‘UNFAIR LABOR PRACTICES’ NG SHOPEE BUSISIIN — SOLON        

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang Kamara de Representantes laban sa reklamong pagsasamantala ng Shopee sa kanilang …

dead

SHS student natagpuang lumulutang na sa ilog

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang estudyante na palutang-lutang sa ilog sa …

PNP PRO3

Sa 24-oras crackdown ops ng PRO3 higit P6-M droga nasamsam

NAGBUNGA ang maigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga nang madakip …

Drug den binaklas ng PDEA maintainer, 3 galamay timbog

Drug den binaklas ng PDEA maintainer, 3 galamay timbog

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den …

dead prison

3 PDL tumakas sa provincial jail, 2 todas sa ambus, 1 sugatan

PATAY ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) habang sugatan ang isa pa, pawang tumakas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *