Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

June, 2016

  • 2 June

    Gatchalians, Pichay idiniin sa P80-M irregular bank deal

    IPINATUTULOY ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga kaso laban sa mga personalidad sa likod ng kuwestyonableng pagbili sa local thrift bank sa Laguna. Ayon sa resolusyon ng anti-graft body, may nakitang probable cause para tuluyang kasuhan sa Sandiganbayan ang mga dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at …

    Read More »
  • 2 June

    Sen. Miriam Santiago dinala sa ICU

    DINALA sa intensive care unit ng Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor Santiago. Ayon sa statement ng kampo ng senadora, sinabi ng asawa niyang si dating Interior Undersecretary Narciso “Jun” Santiago, Mayo 30 pa nang isinugod nila si Miriam sa ospital dahil sa komplikasyon sa lung cancer. Ngunit tiniyak niyang walang dapat ikabahala sa kondisyon ng outgoing senator. Sa …

    Read More »
  • 2 June

    Racket ng PNP ibinulgar ni President-Elect Digong Duterte

    SA press conference na inilatag ni mayor, president-elect Rodrigo “Digong” Duterte noong Martes ng hapon sa Malacañan Palace sa Davao, ibinulgar niya sa harap ng media ang umano’y racket ng mga opisyal sa Philippine National Police. Sinabi niyang mula sa chief PNP, station level ng chief of police, police director, district director at regional police director sa hanay nila umano …

    Read More »
  • 2 June

    2 Nigerian timbog sa shabu

    DALAWANG Nigerian national ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod. Sa ulat ni Supt. Robert Sales, QCPD Batasan Police Station 6 commander, ang nadakip ay sina Charles Ujam alyas Taylor, 34, at Uche Adache, 26, kapwa residente ng 5301 Constantine St., Talon Dos, Las Piñas City. Ayon kay …

    Read More »
  • 2 June

    Ex-military rebels itatalaga sa BuCor at Bureau of Customs

    IPINAHIWATIG kahapon ni incoming Justice Secretary Vitallano Aguirre, pinag-aaralan ni President-elect Rodrigo Duterte na ilagay bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) si retired B/Gen. Danilo Lim. Sinabi ni Atty. Aguirre, isang matapang na tulad ni President Duterte ang kailangan para patinuin ang BuCor. “We need someone tough like General Lim. Among those recommended to me, to be recommended to the …

    Read More »
  • 2 June

    ‘Di ako aasa sa Amerika — Duterte

    INIHAYAG ni President-elect Rodrigo Duterte, hindi aasa ang Filipinas sa kaalyadong bansang Amerika, sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Ayon kay Duterte, bagama’t may kasunduan at malalim ang relasyon ng Filipinas sa Western allies kagaya ng US, gagawa nang sariling landas na tatahakin ang Filipinas. Ngunit nilinaw na hindi ibig sabihin nito ay nais niyang paboran ang ibang bansa na hindi …

    Read More »
  • 2 June

    I don’t want to hurt Bongbong — Digong (Kaya no cabinet position kay Leni)

    marcos duterte

    IPINALIWANAG ni President-elect Rodrigo Duterte kung bakit hindi niya bibig-yan ng cabinet position si Vice President-elect Leni Robredo. Ayon kay Duterte, ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Sen. Bongbong Marcos na itinuturing niyang isang kaibigan. Nilinaw rin niyang walang rason para ilagay si Robredo sa gabinete dahil galing ang kongresista sa kabilang partido noong halalan. Kabilang sa inihalimbawa ni Duterte …

    Read More »
  • 2 June

    Retiradong Manila cop iimbestigahan sa Balcoba Slay

    IIMBESTIGAHAN ng Manila Police District  (MPD) ang isang retiradong pulis sa Maynila na iniuugnay sa pagpatay sa kolumnistang si Alex Balcoba Sr., noong Biyernes ng gabi sa Quiapo, Maynila. Ayon kay Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, huling nakaaway ni Balcoba ang nasabing retiradong pulis noong nakaraang buwan kaya kanila nang ipinatawag para sa imbestigasyon. Na-track na rin …

    Read More »
  • 2 June

    Bahay ng tabloid reporter niratrat

    PINAULANAN ng bala ang bahay at sasakyan ng isang tabloid reporter ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Makati City kahapon ng hapon. Hindi nasaktan ang biktimang si Gaynor Bonilla, 43, reporter ng Police/X-Files, maging ang kanyang pamilya bagama’t nasira ang nakaparadang Honda CRV (XFE-721) at Toyota Vios (XRV-664) dahil sa mga tama ng bala. Nahuli ang …

    Read More »
  • 2 June

    ‘Open Season’ sa media killings pinalagan ng NUJP

    UMALMA ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa katuwiran ni President-elect Rodrigo Duterte na kaya may nagaganap na media killings dahil corrupt at bias ang pinapaslang na mga mamamahayag. “Just because you’re a journalist doesn’t mean you’re exempted from assassination if you’re a son of a bitch. Freedom of expression won’t save you. The Constitution cannot help …

    Read More »