MASYADO na yatang papansin si Senator Alan Peter Cayetano? Nababawasan na tuloy ang paghanga ko sa mama. Marami tuloy ang nagtatanong kung nagtatrabaho pa ba siya bilang Senador? Lagi raw kasing nakikitang nakadikit at nakabuntot siya kay Presidente Digong. At mukhang siya pa ang pagmumulan ng kagalitan sa administrasyong Duterte dahil sa kanyang paggugumiit na maging Senate President. Wala namang …
Read More »TimeLine Layout
July, 2016
-
6 July
Babala kay Faeldon: Mag-ingat sa modus na ‘banat de areglo’
SA halip na pagbabanta ay pakiusap at papuri ang narinig ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs kay bagong Commissioner Nicanor Faledon. Hinimok ni Faeldon ang mga opisyal at rank and file employees na tulungan siyang ibangon ang nasirang imahe ng Customs at tiniyak na walang sisibakin sa kanila sa puwesto. Tiwala raw si Faledon na “honest” o …
Read More » -
6 July
Mga pulis-Parañaque sa 3 barangay protektor ng droga
MAY death threat ang isang kapitan ng barangay, maging mga kagawad at mga tanod nila dahil sa sunod-sunod na isinasagawang operasyon laban sa ilegal na droga. Dahil sa mga isinasagawang operasyon ay nanganganib ngayon ang buhay ng mga opisyal ng barangay sa lungsod ng Parañaque. Matapos mabulgar sa tatlong barangay, ang Sto. Niño, La Huerta at San Dionisio ay pawang …
Read More » -
5 July
P900-M shabu nahukay sa Cagayan
UMAABOT sa P900 milyong halaga ng shabu na nakabaon sa isang farm ang nakompiska ng mga awtoridad sa Claveria, Cagayan nitong Linggo ng gabi. Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director Ronald “Bato” Dela Rosa, sinalakay ng Anti-Illegal Drugs Group ang tila abandonadong taniman makaraan makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen. Sinabi ni …
Read More » -
5 July
PPA execs sinampahan ng graft
NAGSAMPA ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ang operator ng Manila North Harbor laban kay Philippine Ports Authority (PPA) Officer-in-Charge and Assistant General Manager for Operations Raul Santos dahil sa pagharang sa kanilang operasyon bilang isang international port. Sa kanilang reklamo, sinabi ng Manila North Harbour Port, Inc. (MNHPI) na si Santos ay may pananagutan sa ilalim ng …
Read More » -
5 July
CPP-NPA tumugon sa anti-drug campaign (Proseso kinikilala ng palasyo)
INIHAYAG ng Communist Party of the Philippines, muli nilang iniutos sa New People’s Army ang pagdis-arma at pag-aresto sa drug lords bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “In positive response, the CPP reiterates its standing order for the NPA to carry out operations to disarm and arrest the chieftains of the biggest drug syndicates, as well as other …
Read More » -
5 July
July 6 Eid’l Fitr regular holiday
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon bilang regular holiday sa buong bansa sa Miyerkoles, Hulyo 6, bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Ayon sa tanggapan ni Pangulong Duterte, ang Eid’l Fitr ay isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam kaya walang pasok sa eskuwela sa lahat ng antas at sa trabaho, sa pribado man o gobyerno sa buong …
Read More » -
5 July
‘Pulis-Abakada’ binalaan ng NCRPO chief
NAILIPAT na ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula kay Supt. Joel Pagdilao patungo sa bagong hepe na si Senior Supt. Oscar Albayalde nitong Lunes. Sa change of command ceremony, nagbabala si Albayalde na bawal na sa hanay ng NCRPO ang mga pulis-ABAKADA o mga kawaning abusado, bastos, kotongero at duwag. Tinaningan din niya ang mga tauhan …
Read More » -
5 July
Laban ng Gilas Pilipinas papanoorin ni Duterte
MALAKI ang tsansa na personal na panoorin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng Gilas Pilipinas at France sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena bukas. “He might watch,” matipid na sagot ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nang tanungin kung manonood si Duterte ng laban ng Gilas at France. Matatandaan, noong nakaraang buwan ay binisita ni Samahang …
Read More » -
5 July
4-anyos anak ginawang drug courier, ama arestado
LAOAG CITY – Arestado sa mga awtoridad sa Bacarra, Ilocos Norte, ang isang ama na ginawang drug courier ang kanyang 4-anyos anak para sa kanyang mga kustomer. Kinilala ni Senior Insp. Jephre Taccad, chief of police ng PNP-Bacarra, ang suspek na si Ferdinand Matutino, 22, may live-in partner, walang trabaho at residente sa Brgy. 16, San Roque, sa nasabing bayan. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com