Wednesday , January 19 2022

Fans ni Paolo Ballesteros nagbunyi (Sa pagbabalik sa Eat Bulaga)

TWO weeks ago, naglabasan ang balitang hindi na makababalik sa Eat Bulaga si Paolo Ballesteros dahil tuluyan na raw tsinugi ng Tape Inc.

Pero nitong Sabado, sa episode ng Kalyeserye, solo lang si Lola Nidora (Wally Bayola) dahil absent ang kapatid niyang si Lola Tinidora (Jose Manalo).

Wala rin sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil bibiyahe sila sa Morocco para sa special photo shoot sa isang glossy magazine, para sa feature ng first anniversary ng phenomenal loveteam.

Mabuti na lang at may umaliw kay Nidora, ang finalists ng “Lola Playlist” Ultimate Battle of The Champions na si Joshua Torino na kinantahan siya ng kanyang favorite songs.

Ang surprising, ang pagtunog ng cellphone ni Nidora at paulit-ulit nitong sinabi sa ere kung sino ang nasa kabilang linya. Sigawan ang lahat pati na ang EB Dabarkads ay na-excite nang sabihin nitong ang kapatid na si Tidora ang kausap na matagal na niyang nami-miss.

Ibig sabihin ay babalik na si Paolo sa Bulaga at ngayon pa lang ay kinasasabikan na siya nang lahat. Almost 6 months rin hindi napanood sa EB si Tidora at sa popular nilang kalyeserye.

Siguradong lilikha ng ingay ang comeback ni Paolo sa programang parte na ng kanyang buhay.

Totoo gyud!

Galit kinikimkim lang
TENTEN SELOS NA SELOS
KINA SERENA AT RIVER
SA “DOLCE AMORE”

Kahit na napasakanya ang inaasam na resort na katuparan ng pangarap ng pinatay na kapatid na si Binggoy (Kean Cipriano) ay hindi pa rin kompleto ang kasiyahan ni Tenten (Enrique Gil).

Buwisit na buwisit kasi ang binata sa madalas na pag-aya ng date ni River (Joseph Marco) kay Serena at sama nang sama naman ang dalaga dahil nababaitan siya sa lalaki.

Pero kahit obyus na galit na galit na at nagseselos nang todo kay River (Joseph Marco) ay hindi pa rin ipinakikita ni Tenten sa kanyang poster parents na sina Nanay Taps (Rio Locsin) at Tatay Dodoy (Edgar Mortiz).

Lalo naman kay Serena, na parang okay lang ang lahat pero sa kabila nito ay may hugot o sakit sa puso ni Tenten na dapat ay siya ang nasa lugar ngayon ni River.

Pero mali siya, dahil hindi naman in-love si Serena, ang totoo ay sinasadya pa ng dalaga na pagselosin siya. Gusto kasi ng dalaga, gaya nang dati ay bumalik na sa kanyang pagiging simple si Tenten at hindi puro negosyo na lang ang nasa utak.

Nakapuntos pala uli si Tenten kay Serena dahil ibinalik na niya sa dating girlfriend ang Villa Marchesa kahit pa ang kapalit nito ay pakikipag-date ng dalaga kay River.

Samantala may pag-asa pa kayang mapatawad ni Tenten si Luciana (Cherrie Gil) o magtatagumpay siyang ipakulong ang babae na tunay pala niyang ina.

Abangan ‘yan sa huling tatlong linggo ng Dolce Amore na mapanonood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

James Reid Cristy Fermin Nadine Lustre Jadine

Tita Cristy ibinulgar Nadine nagpaka-trying hard kay James

MA at PAni Rommel Placente SA isang episode ng radio show niyang Cristy Fer Minute, sinabi …

Leave a Reply