Monday , December 15 2025

TimeLine Layout

October, 2016

  • 10 October

    Batas kontra pang-aabuso sa senior citizens isinusulong ni Angara

    Bulabugin ni Jerry Yap

    GUSTO nating pasalamatan si Senator Sonny Angara sa kanyang isinusulong na batas para sa proteksiyon ng matatanda (senior citizens). Ayon sa batang senador, “MALAKING karangalan para sa atin na arugain ang mga nakatatanda tulad ng kung paano natin aarugain ang mga bata. Sa kanilang kalakasan, sila’y namuhay nang may dignidad at kabuluhan.” Naniniwala ang inyong lingkod diyan. Magpasalamat tayo kapag …

    Read More »
  • 10 October

    E-trikes sa Maynila, sino ba ang kikita?

    BAWAL na raw pumasada sa Maynila ang mga tricycle na de motor, kuliglig at pedicab na walang prangkisa mula sa City Hall umpisa sa October 15. Pumasok na kasi sa larangan ng garapalang pagnenegosyo ang City Hall kaya ang mga nabanggit na sasakyan ay papalitan na ng ibebentang e-trike o de-bateryang tricycle. Kundi tayo nagkamali, sinubukan na rin ang kagaguhang …

    Read More »
  • 10 October

    Kawawa ka naman brad…

    NAKALULUNGKOT na may mga kababayan tayo na hanggang ngayon ay takot na takot lumabas mula sa lilim ng palda ng mga Amerikano, na mas pipiliin nila ang hindi parehas na pakikipag-ugnay sa atin kaysa magkaroon tayo ng malayang ugnayang panlabas. Ayon sa kanila ay malaki ang naitutulong daw sa atin ng mga Kano kaya hindi tayo dapat tumalikod sa kanila. …

    Read More »
  • 10 October

    US CIA plano raw patayin si PresDU30?

    AYON mismo kay Presidente DU30, nakatanggap siya ng mga report na gusto siya patayin ng CIA. Ang isyu na ito ay agad namang ini-deny ni U.S Ambassador Philip Goldberg, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Wala rin idea si Lorenzana kung bakit ito ay nasabi ni PresDU30. Siguro daw ay may mga impormasyon na nakuha ang Pangulo na hindi niya …

    Read More »
  • 10 October

    CIDG moro-moro

    Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

    PATULOY pa rin sa ilegal na aktibidad ang mga aktibo at retiradong pulis na gumagamit sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mangalap ng lingguhang intelihensiya sa mga ilegalista, hindi lang sa Metro Manila kundi sa mga karatig na rehiyon. Tipong moro-moro dahil nagkaroon lang pala ng konting pagbalasa sa mga kolektor para lalong palakihin ang kanilang …

    Read More »
  • 9 October

    Matapos ang 18 taon: Reporma sa lupa ekonomiya tatalakayin ng GRP at NDFP

    TATALAKAYIN ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng pamahalaan ng Filipinas ang usaping “land reform” at “national industrialization” bilang bahagi ng peace talks ng dalawang panig. Mga isyung panlipunan at ekonomiya, ang sinasabi ng NDFP na “meat of the peace process,” ang nakatakdang pagtuunan ng pansin sa ikalawang bahagi ng peace talks na gaganapin ngayong 6-10 Oktubre …

    Read More »
  • 9 October

    Amnestiya sa political prisoners giit ni Agcaoili

    IGINIIT ni bagong talagang NDFP Negotiating Panel Chairperson Fidel V. Agcaoili sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng amnestiya sa 432 political prisoners. Inihayag ito ni Agcaoili sa inilabas niyang opening statement bilang bagong chairperson ng panel. Ayon kay Agcaoili, ipagpapatuloy niya ang mga polisiya at rebolusyonaryong pagkilos sa usapang pangkapayapaan na sinimulan ng kanyang pinalitan sa puwesto …

    Read More »
  • 9 October

    Permanenteng ceasefire sa CPP-NPA itutulak sa Oslo

    Malacañan CPP NPA NDF

    ITUTULAK ng administrasyong Duterte ang pagpapalawig ng ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista para maging joint at permanente ito mula sa unilateral at indefinite na kasunduan sa layuning mawakasan na ang insurgency sa bansa sa nakalipas na limang dekada. Ito ang inihayag ni labor secretary at chief peace negotiator Silvestre ‘Bebot’ Bello III sa lingguhang Kapihan sa …

    Read More »
  • 9 October

    100 DAYS NI DIGONG.

    Sinalubong ng kilos-protesta ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa ang unang 100 ni Pangulong Rodrigo Duterte upang itulak ang administrasyon na magdesisyon para sa konkretong hakbang sa pagtupad sa pangakong tuldukan ang kontraktuwalisasyon kasabay ng kanilang kahilingang dagdag-sahod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng minimum wage na P750 kada araw para sa mga pribadong manggagawa at P16,000 buwanan sahod para …

    Read More »
  • 9 October

    Sa ika-100 araw ni Duterte: Endo ‘di pa tapos militante desmayado

    DESMAYADO ang ilang grupo ng mga manggagawa tungkol sa hindi pagtugon ng Duterte administration hinggil sa pagtigil ng contractualization policy sa bansa. Ayon kay Wennie Sancho, labor sector representative sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board Western Visayas at secretary-general ng General Alliance of Workers Association (GAWA), nabigo sila sa hindi pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pangako na …

    Read More »