Saturday , December 13 2025

TimeLine Layout

May, 2022

  • 4 May

    Trillanes: Marcos supporters madaling mapunta kay Leni

    Bongbong Marcos Antonio Trillanes Leni Robredo

    MADALING makombinsi ang mga tagasuporta ni Ferdinand Marcos, Jr., na lumipat kay Vice President Leni Robredo dahil ramdam nila ang pagiging tapat at totoo ng kanyang mga sinasabi. Ito ang obserbasyon ni dating Senador Antonio Trillanes nang samahan niya si VP Robredo sa pulong kasama ang mga manggagawa sa isang pagawaan ng damit. Ayon kay Trillanes, 80 porsiyento ng mga …

    Read More »
  • 4 May

    Susunod kami sa utos — Atong Ang

    Atong Ang e-sabong pitmaster

    “NAGSALITA na ang pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya.” Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, ang pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kompanya na may palarong e-sabong. Dagdag ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng pangulo na mga problema sa e-sabong.” Nauna nang ipinatigil …

    Read More »
  • 4 May

    Health insurance policy para sa estudyante suportado ni Eleazar

    Guillermo Eleazar

    NAGHAYAG ng suporta si senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar para sa panukalang bumuo ng health insurance policy para sa mga estudyante. Ayon kay Eleazar, malaki ang maitutulong ng panukala upang matiyak ang kalusugan ng mga estudyante lalo ngayong hindi pa tapos ang pandemya. “Suportado ko ang pagbibigay ng health insurance sa mga estudyante lalo sa panahon ng pandemya o …

    Read More »
  • 4 May

    Kiko ‘manok’ ni Angel Locsin sa pagka-bise presidente

    Leni Robredo Angel Locsin Kiko Pangilinan

    MATAPOS magpahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo, opisyal na inihayag ng aktres na si Angel Locsin, si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang kanyang manok sa pagka-bise presidente. Ginawa ni Locsin ang pag-endoso kay Pangilinan sa kanyang talumpati sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Dasmariñas, Cavite na dinaluhan ng mahigit 100,000 supporters. “Sino’ng ating bise presidente?” tanong ni …

    Read More »
  • 4 May

    CALABARZON TODO-SUPORTA KAY LENI ROBREDO
    Congressmen, local officials, inendoso si VP Leni bilang Pangulo

    Leni Robredo

    DAAN-DAANG libong mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ang dumalo sa kanyang mga people’s rally sa Laguna, Cavite, at Batangas nitong mga nakaraang araw – patunay na napakalakas ng kanyang kampanya sa pagka-Pangulo ilang araw bago ang May 9 national elections. Ang lahat ng mga tao – kasama ang mga naglalakihang artista – ay nanindigan na hindi sila bayad …

    Read More »
  • 4 May

    SARA ALL SA BULACAN.

    Sara Duterte Bulacan

    Patuloy na humahango ng suporta si vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte sa local officials ng iba’t ibang mga siyudad at bayan ng Bulacan. Kamakailan, sa Plaridel, Bulacan, nagpahayag ng kanilang pagsuporta sina (mula sa kaliwa ng larawan) Bulacan 3rd District Representative, Cong. Tita Lorna Silverio, incumbent Bulacan 2nd District Representative Cong. Apol Pancho, Bulacan 2nd District Congressional candidate …

    Read More »
  • 4 May

    ‘Talpakan’ tinuldukan ni Duterte

    050422 Hataw Frontpage

    ni ROSE NOVENARIO TINULDUKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong o mas kilala bilang talpakan simula kahapon dahil sa masamang epekto sa mga Filipino. Ang desisyon ni Duterte ay ibinatay sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi, inilahad ni Duterte na inutusan niya si DILG Secretary …

    Read More »
  • 3 May

    Oreta siguradong panalo sa Malabon

    Enzo Lorenzo

    MAUGONG na maugong pa rin sa lungsod ng Malabon ang pangunguna ni mayoralty candidate Councilor Jose Lorenzo Oreta sa kanyang kandidatura. Sa pinakahuling survey na isinagawa ng Philippine Survey and Research Center, nakakuha ng 58% vote mula sa mga kababayan ang batang konsehal habang tinambakan ang kanyang kalaban sa pagka-alkalde na si Jeannie Sandoval, 32% lamang ang nakuhang boto. Kaugnay …

    Read More »
  • 3 May

    Tuloy-tuloy na umaangat
    LENI-KIKO RATSADA SA GOOGLE TRENDS

    Leni Robredo Kiko Pangilinan Google Trends

    KAPWA nanguna sina Vice President Leni Robredo at running mate nito na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Google Trends para sa mga kandidato bilang pangulo at bise presidente. Sa datos ng Google Trends, nakakuha si Robredo ng 57 porsiyento kompara sa 23 porsiyento ni Ferdinand Marcos, Jr. Sa parte ni Pangilinan, lumaki ang lamang niya sa mga katunggaling sina …

    Read More »
  • 3 May

    Bumili ng lupa ngunit walang bahay
    RESIDENSIYA NI KHONGHUN SA CASTILLEJOS KINUWESTIYON
    Kandidatura ipinababasura

    050322 Hataw Frontpage

    HATAW News Team CASTILLEJOS, ZAMBALES –  Isang petisyon na humihiling na idiskalipika ang kandidatura ni Congressman Jeffrey Khonghun (1st District, Zambales) ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) kamakailan. Si Congressman Khonghun, nasa ika-tatlo at huling mga buwan ng kanyang termino ay naghain ng kandidatura sa pagka-mayor ng Castillejos, Zambales. Sa petisyon na inihain nina Gilbert Viloria at Jose Dominguez …

    Read More »