ni Rose Novenario INILANTAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na takot sa posibilidad na litisin siya sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay ng libo-libo kataong napatay sa isinusulong niyang drug war. “Alam mo kung gusto talaga ninyo akong… It’s over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako roon sa Netherlands… …
Read More »Classic Layout
Petecio, talunan man ay sumikat pa rin sa Olimpiyada
Kinalap ni Tracy Cabrera TOKYO, JAPAN — Bumagsak man bilang second best sa pagkakasungkit ng Olympic silver medal ang pambato ng Pilipinas matapos talunin siya ni Sena Irie ng Japan sa finals ng women’s featherweight event sa Ryōgoku Sumo Hall o Kokugikan Arena sa Yokoami neighborhood ng Sumida sa lungsod ng Tokyo, hindi nawala ng ningning ang ginawang pagpupursigi ni Nesthy …
Read More »Trike driver tinubo ng Nigerian patay
NAPATAY ng isang Nigerian national ang isang tricycle driver nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Brgy. Lucao, lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan, nitong Lunes, 2 Agosto. Kinilala ang biktimang si Dennis Razo, 41 anyos, residente sa Brgy. Lucao. Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang traysikel nang lapitan ang suspek na kinilalang si Emmanuelemeka Endukwe, 31 anyos, isang …
Read More »Lumang tulay na bakal sa Negros bumagsak 1 sugatan, 15 nasagip
PANSAMANTALANG isinara sa mga tao at mga motorista ang isang tulay sa Brgy. Balabag, sa lungsod ng La Carlota, lalawigan ng Negros Occidental habang isinasagawa ang pag-aayos matapos bumagsak habang tumatawid ang tatlong sasakyan nitong Linggo, 1 Agosto. Unang naiulat na naganap ang insidente sa Hacienda La Plata, Purok Bagumbayan, Brgy. Don Jorge L. Araneta, sa lungsod ng Bago, ngunit …
Read More »P510-M shabu nasamsam sa Bulacan Chinese national todas sa drug bust
NAPASLANG ang isang Chinese national habang nakompiska ang tinatayang P510-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa Warehouse No. 3 Grand SG, Brgy. Borol 2nd, sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng hapon, 1 Agosto. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police …
Read More »P1.7-M shabu kompiskado sa 2 kelot
NAKOMPISKA ng mga pulis ang P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang lalaki sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Taguig City Police Station, Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Barangay Lower Bicutan, ng lungsod, nitong Lunes. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief …
Read More »4 kelot na ‘adik’ sa tupada tiklo
APAT na ‘haling’ sa tupada ang nahuli ng mga awtoridad makaraang salakayin ang isang ilegal na tupadahan sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang mga naarestong sina Johnny Banal, 55, Noli Esquilona, 44, Ryan Capoquian, 30, at Ernesto Domingo, 68, pawang residente sa lungsod. …
Read More »Aircon tech, 2 laborer arestado sa P.3-M shabu
MAHIGIT sa P.3 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakuha sa tatlong pinaniwalaang tulak ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Darius Cabrales, 55 anyos, isang aircon technician; …
Read More »Pondo ng NTF-ELCAC isailalim sa COA special audit — Drilon
BINATIKOS at tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kahilingan ng pamahalaan na pagkalooban ng dobleng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nasa P40 bilyones abf nakapaloob sa panukalang 2022 National Expenditures Program (NEP). Kasunod nito, hiniling din ni Drilon sa Commission on Audit (COA) ang pagsasagawa ng special audit para …
Read More »PDEA, DDB ‘nalulusutan’ ng Chinese drug dealer
BAKIT lalong nagiging lantaran ang pagkasangkot sa ilegal na droga ng ilang Tsino sa ating bansa? Gaano na sila katagal namamayagpag dito? May koneksiyon ba sila sa pamahalaan? Ilan Ito ang mga tanong na inilahad ni Senador Panfilo Lacson nitong Lunes kasabay ng pagsasabing dapat ay mahanapan ng solusyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board …
Read More »