Tuesday , November 5 2024

Blog Layout

Implementasyon ng generic law pinipigil ng multinational firms?

Inakusahan ng maliliit na kompanya ng gamot ang mga multi-national firms na pinipigil ang implementasyon ng Republic Act 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicine Act of 2008 sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa kanila sa ilalim ng umano’y paglabag sa “patent protection law.” Tatlong kompanya – ang Femma Drug, Ellebasy MedicaleTrading, at Mark Erickson Enterprises — …

Read More »

44 Taiwanese arestado sa cyber crime

ILOILO CITY – Umabot sa 44 Taiwanese nationals na miyembro ng cyber crime syndicate ang naaresto sa lungsod ng Ilo-ilo. Unang naaresto kamakalawa ng hapon ang 23 miyembro ng sindikato sa isang bahay sa Imperial 6 Subdivision sa Guzman-Jesena, Mandurriao. Kasunod nito, isa pang operasyon ang isinagawa at karagdagang 21 pang mga suspek ang naaresto sa isang bahay sa Block …

Read More »

Plant industry director sinibak sa taas-presyo ng bawang

DAGUPAN CITY – Kinompirma ni Engr. Rosendo So, pangulo ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG), na natanggap na nila ang impormasyon sa pamamagitan ng ipinadalang mensahe kaugnay sa pagsibak ni Agriculture Secratary Proceso Alcala sa direktor ng Bureau of Plant Industry na si Clarito Barron. Kasunod ito sa labis na pagtaas sa presyo ng bawang sa bansa. Ayon kay …

Read More »

Dalagita patay sa ka-eyeball na gadget buyer (Nag-post sa Sulit.com, 2 buwan nawala)

SA punerarya na sa Caloocan City natagpuan ang 19-anyos dalagita makaraan ang dalawang buwan nang magpaalam sa ina upang makipagkita sa customer na bibili ng gadgets na ini-post niya sa Sulit.com. Kinilala ang biktimang si Angelie Bernardo, ng Brgy. Coloong, Valenzuela City, pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng hindi nakilalang suspek na customer ng dalagita sa ibinibentang gadgets. Salaysay ng …

Read More »

Lookout bulletin vs 17 fratmen inilarga ng DoJ (Sa Servando killing)

NAGLABAS na ng lookout bulletin ang Department of Justice (DoJ) laban sa 17 suspek sa pagkamatay sa hazing ng 18-anyos na si Guillo Cesar Servando. Ayon kay Justice Sec. Leila De Lima, inilabas ang Lookout bulletin order upang subaybayan ang kilos ng mga suspek habang nakabinbin ang imbestigasyon sa kaso. Ginawa ito ng DoJ makaraan matuklasan na ang isa sa …

Read More »

Gigi Reyes isinugod sa ospital (Inatake ng anxiety nang ikulong sa BJMP)

ISINUGOD sa Taguig-Pateros District Hospital si Atty. Gigi Reyes dahil sa anxiety attack kahapon ng madaling araw. Dakong 1:05 a.m. nang isugod sa pagamutan si Reyes ilang oras pa lamang nananatili nang ilipat sa Camp Bagong Diwa, Bicutan ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi. Sa press briefing na isinagawa ni Dr. Prudencio Sta. Lucia, medical director ng Taguig-Pateros District Hospital, …

Read More »

Abad lalantad pagkatapos ng SoNA

LALABAS na sa kanyang ‘lungga’ si Budget Secretary Florencio Abad makaraan ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 28. Ito ang pahayag ng Palasyo hinggil kay Abad na itinuturing na “missing in action” ng publiko, mahigit isang linggo na mula nang ideklara ng Korte Suprema ang iniakda ng Kalihim na Disbursement Acceleration Program (DBM) …

Read More »

P1.1-B DAP fund ginamit ng TESDA sa ‘ghost scholars’

IBINUNYAG ng Commission on Audit (CoA) na aabot sa P1.1 bilyon pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino ang ginastos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pekeng scholars noong 2011. Ito ay batay sa pagbubusisi ng CoA sa nasabing pondo na inilaan ng gobyerno sa TESDA gamit ang DAP para sa mga programang may …

Read More »

Sandiganbayan employees nag-walkout sa tax increase

NABULABOG ang mga nag-aabang ng pork barrel proceedings sa Sandiganbayan nang umeksena ang mga empleyado ng anti-graft court para hilingin ang dagdag na sahod at pagharang sa tax increase. Ayon sa Sandiganbayan Employees Association, matagal na nilang hinihintay ang dagdag na sahod kaya labis ang kanilang pagkadesmaya na dagdag buwis pala ang kanilang aabutin. Nagladlad pa ng malaking tarpaulin ang …

Read More »