Ulo ng paslit durog sa killer jeep

082914 dead babyNAGKALAT ang dugo at utak ng isang 4-anyos batang lalaki makaraan magulungan ng pampasaherong jeep nang umalpas sa kamay ng kanyang ate sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Leo Pamilar, habang agad naaresto ang driver ng jeep na si Romeo Hontiveros, 58, kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

Ayon kay SPO2 Carlito Guillarte, dakong 7:30 p.m. kamakalawa nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman, habang papatawid ay hawak sa kamay ng kanyang ate na si Lealyn ang biktima ngunit biglang bumitiw at tumakbo.

Saktong parating ang pampasaherong jeep na bumangga at nakasagasa sa biktima.

Ed Moreno