This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISANG bagong silang na sanggol na babae ang iniwan sa estasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Makati City kamaka-lawa.
Ayon sa mga guwardya ng MRT na nakatalaga sa Magallanes Station na sina Mark Anthony Montes at Lucio Paano Jr., natagpuan nila ang sanggol sa hagdanan ng Southbound lane, EDSA Avenue ng naturang lungsod dakong 2:30 p.m.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa dalawang linggo pa lamang ang gulang ng sanggol na nakabalot sa lampin.
Dahil walang nakakabit na CCTV camera sa lugar, bigo ang pamunuan ng MRT Magallanes Station na matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nag-iwan sa sanggol.
Nasa pangangalaga na ng Brgy. Bangkal Lying-in Center sa Makati City ang sanggol na nasa mabuting kalagayan.