Sunday , April 14 2024

Luis, ‘di pa tiyak ang exact date ng kasal nila ni Angel

020215 angel locsin luis manzano

00 fact sheet reggeeSI Luis Manzano na ang bagong endorser ng Puregold kaya naman tinanong ang binata sa ginanap na press launch kung kasama ba sa talent fee niya ay isang branch ng Puregold bukod sa cash.

Bagay na ikinatawa ng TV/actor na, ”híndi eh, ipinagpipilitan ko na nga ang sarili ko sa whole family na kung pwede ba ‘yung TF ko na lang eh isang branch pero hindi talaga eh, hindi kaya, eh,” sabi ng binata.

Hindi naman itinanggi ni Luis na gusto rin niyang magkaroon ng branch ng Puregold.

“When I was hosting Tindahan ni Aling Puring, I got to witness first hand kung gaano karaming tao ang natutulungan ng Puregold, nakita ko kung ga­ano karami ang guminhawa ang buhay. This is not because I’m speaking here as an endorser. I got to witness it first hand na ang dami nilang buhay na natulu­ngan, and if I would be a medium to help people, then who would say no to them,” paliwanag ni Luis.

Isa pang tinanong kay Luis ay ang long overdue nitong sagot tungkol sa pagpasok niya sa politika.

“Very soon. Nauusog lang. Once again, nag-usap kami ni Tito Ralph (Recto, his stepfather), I think it was his birthday, noong first week ng January, I was in Alabang with my family, noong later part in the evening, napag-usapan nga namin that we have to talk again first,” say ng binata.

As of now ay 50-50 ang sagot niya.

“One foot is in yes, one foot it is no. The question is which foot moves to the other side,” say ni Luis.

At siyempre ang isang pang paulit-ulit na tanong sa binata ay ang kailan ang kasal nila ni Angel Locsin.

“We’re starting to have a clearer picture. Things are getting clearer sa future namin,” pag amin ng TV host. ‘Yun nga lang wala pang definite date kung kailan ang kasal.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …

Jose Javier Reyes FDCP

Direk Jose Javier kayanin kaya ang pressure sa FDCP?

REALITY BITESni Dominic Rea MAPANINDAGAN kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *