Saturday , November 2 2024

Blog Layout

Banana Nite comedian nagtangkang tumalon sa 6/F ng Hotel (Natakot sa banta ng karibal)

PAGBABANTA sa buhay na tinanggap mula sa ex-boyfriend ng kanyang nobya ang dahilan ng tangkang pagtalon mula sa ikaanim na palapag ng isang Hotel ng Kapamilya network comedian na si Jobert Austria, mas kilala bilang Kuya Jobert sa Quezon City. Naisapatan ng mga residente kahapon ng hapon sa ikaanim na palapag ng Hotel Sogo sa Quezon Avenue, ang komedyante na …

Read More »

Justices, transparent sa SALN (Bwelta kay PNoy ng SC)

BINUWELTAHAN ng Korte Suprema ang mga pasaring ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa justices na dapat maging transparent at maglabas din ng kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN). Magugunitang ibinasura ng Supreme Court en banc kamakailan ang hirit ni BIR Commissioner Kim Henares na makakuha ng kopya ng SALN ng mga mahistrado mula 2003 hanggang …

Read More »

Repatriation ng 7 tsekwa inaayos ng BI (Sa lumubog na barko sa Tawi-Tawi)

IPRINOPROSESO na ng Bureau of Immigration (BI) ang repatriation ng pitong tsekwa na na-rescue mula sa nasunog at lumubog na barko sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi, nitong Miyerkoles. Ayon kay BI Spokesperson Atty. Elaine Tan, nagsimulang nakipag-ugnayan ang Chinese Embassy para sa agarang repatriation ng mga dayuhan na kinabibilangan ng limang Chinese mainland at dalawang Hong Kong residents na nananatili …

Read More »

Coed biktima ng rape-slay

IPINAPALAGAY ng pulisya na biktima ng gang rape ang isang babae na natagpuang wala nang buhay na naka-lugmok sa matubig at maputik na palayan sa Calumpit, Bulacan, iniulat kahapon. Sa rekord ng Calumpit PNP, bandang 5:00 a.m. nang matagpuan ng ilang dumaraang residente ng Barangay Pungo, Calumpit, ang bangkay ng hindi nakikilalang babae na nasa pagitan ng edad 20 hanggang …

Read More »

7,511 nagparehistro sa overseas voters’ registration sa KSA

UMABOT sa 7,511 Filipino sa Saudi Arabia ang nakapagparehistro na sa overseas voting para sa darating na 2016 elections. Ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh na pinamumunuan ni Ambassador Ezzedin Tago, ito ang kabuuang bilang nang umpisahan nilang pagpaparehistro simula pa noong Mayo 6 at nagtapos noong Agosto 13. Dagdag niya, hindi sila humihinto araw-araw at may 400 bagong registrants …

Read More »

Kampanya kontra Ebola pinaigting pa

HUMINGI ng tulong ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Department of Health para lalong mapaigting ang kampanya nila sa Ninoy Aquino International Airport laban sa nakamamatay na sakit na Ebola virus. Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, ang nasabing kampanya ay para sa mga empleyado ng gobyerno at pribado na may direktang pakikisalamuha sa mga pasahero. Dagdag …

Read More »

Pakistani tinaniman ng 9 bala

SIYAM na bala ng hindi malamang kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ng isang hindi nakikilalang Pakistani national sa Baseco Compoud, Port Area, Maynila, kahapon. Ayon kay PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), nawawala ang wallet ng biktima kaya hindi nalaman ang pagkakakilanlan na nasa pagitan ng edad 25 hanggang 30, nakasuot ng asul t-shirt, at …

Read More »

Binay kakasahan si PNoy sa 2016

TAHASANG inihayag ni Vice President Jejomar Binay na handa siyang labanan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa 2016 presidential elections. Ito’y kung sakaling matuloy ang Charter Change (Cha-Cha) para maalis ang term limit ng pangulo at maghangad si Pangulong Aquino ng re-election. Ayon kay Binay, 2010 pa siya nagsabing tatakbong presidente at walang makapagpapabago sa kanyang desisyon. Aniya, matagal na …

Read More »

Million March ‘di tatapatan ng Palasyo

NILINAW ng Malacañang na wala silang balak tapatan ang ikinakasang kilos-protesta ng mga organizer ng Million People March sa Agosto 25 laban sa pork barrel. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang palutang ng Bayan Muna na magsasagawa ang administrasyon ng counter-rally sa katapusan ng buwan at tatawaging ‘Yellow Rally.’ Ayon kay Valte, kung mayroong  mag-oorganisang cause-oriented …

Read More »

Dalaga ninakawan na ginahasa pa

BUKOD sa pagnanakaw, ginahasa ng isa sa dalawang suspek ang dalagang may-ari ng apartment na kanilang pinasok sa San Rafael, Bulacan, kamakalawa. Sa ulat na ipinarating sa Bulacan Provincial Police Office, bandang 11:30 p.m. nang pasukin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki ang apartment ng biktimang itinago sa pangalang Momay, 25, ng Altavida Subd., San Roque, San Rafael, Bulacan. Mahimbing na …

Read More »