Thursday , June 25 2026

DJ Ram, guest ngayong Friday sina Jimmy Dee at Ha’ani

041015 DJ Ram

00 Alam mo na NonieGUEST ngayong Biyernes ni DJ Ram ang new recording artist na si Ha’ani and her manager, ang Guam Superstar na si Jimmy Dee. Si DJ Ram (Conrado Cagas Tacgos JR.) ang tinaguriang pinakaguwapong DJ sa Balat ng FM Radio ng nangunguna ngayong FM station sa bansa-ang 104.7 Brigada News FM.

Siguradong umaatikabong kantahan ang maririnig dahil sa guest niya ng live sa kanyang programa sina Mr. Dee at Ha’ani.

First time na maririnig sa radio rito sa ‘Pinas ang dalawang awitin ni Ha’ani na Just Maybe at Paano Ako na umaani na ng tagumpay sa Guam. Kaya tutok na mamaya mula 2 to 3 pm sa new schedule ni DJ Ram sa naturang radio station.

Speaking of DJ Ram, nalaman namin kay katotong Charlie Lozo na sa latest survey ng mga sikat na FM DJ sa bansa ay pumasok sa number 1 ang pangalan ni DJ Ram. Bukod kasi sa tunay na guwapings ito, siya pala ang mga boses sa likod ng mga sikat na tauhan sa 104.7 Brigada FM na sina Inday, Yots, Lolo Bus-yano, Buknoy, Bardok, at iba pang cha-racter sa radyo.

Masaya si DJ Ram sa mga pangyayari ngayon sa kanyang career dahil ultimo siya ay ‘di makapaniwalang marami pala siyang angking talento. Dating lead singer ng banda si DJ Ram na noong mapasok sa larangan ng radio ay mas marami pang natuklasan sa kanyang sarili na maaaring makapagpasaya ng kanyang kapwa.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …