Sunday , December 14 2025

Blog Layout

Goodbye PNoy welcome Digong!

Bulabugin ni Jerry Yap

NGAYONG araw, sasalubungin ni outgoing president Benigno “Noynoy” Aquino III, ang opisyal na presidente ng Republika, si President Rodrigo “Rody/Digong” Duterte. Opisyal siyang itatalaga bilang ika-16 na presidente ng bansa sa loob mismo ng makasaysayang Palacio de Malacañan. Isang simpleng inagurasyon ang pinili ng bagong Pangulo na tatanggap ng mahigit 600 bisita. Payak na payak maging sa mga ihahaing pagkain. …

Read More »

Mas piniling mapatay kaysa “Oplan Kapak”

PADAMI nang padami ang sumusukong adik at tulak ng shabu bunga ng pangambang mapatay (lalo na kapag nanlaban daw sila) sa kaliwa’t kanang police drug bust operation. Sa Quezon City, 1,000 na ang sumukong adik habang sa iba’t ibang lugar sa bansa ay patuloy nang lumolobo ang bilang ng mga sumusuko. Katunayan sa dinami-dami ng sumuko sa Quezon City Police …

Read More »

Training at accreditation ng rehab workers niraraket ng DDB at DOH?

Nakikita naman nang lahat kung gaano kaseryoso si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang programa na matigil ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa. Pero mukhang mayroong ilang opisyal ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang tila nakahahanap pa ng paraan para ‘rumaket.’ At ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating Pangulo. Nagkaroon kasi ng bagong requirement kamakailan ang Department …

Read More »

PO2 Alianga, nakalaya at nakalabas na ng bansa!? (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

Nakatanggap tayo ng impormasyon, na (tahimik) na pinakawalan umano ng korte ang pulis na nahulihan ng kilo-kilong shabu, mga baril at P7 milyon sa vault sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila ng National Bureau of Investigation (NBI). Anyare!? Nabuking ng ating impormante, ang paglaya ni P02 ALIANGA ng NCRPO/DAID nang mag-yabang umano ang isang nagpapakilalang bi-yenan ng nasabing …

Read More »

Lipa at Tanauan dapat suyurin sa 1602

NASA bahagi raw ng Lipa City at Tanauan City sa lalawigan ng Batangas ang talamak na kailegalan. Nasa nasabing bayan daw ang pinakamalaking operasyon ng 1602 na kung tawagin ay STL, perya, paihi, jueteng at tupada. Ang STL ala jueteng ay tatlong beses rin daw binobola sa Tanauan at sa Lipa. Briones at Datu puti ang mas nakaaalam. Pasok kaya …

Read More »

Media sulsoltant ni Mayor Maka-Pili?

THE WHO si media consultant ng isang Metro Manila Mayor na kinaiinisan ng ilang mamamahayag dahil sa unfair na pakikitungo sa kanila? Tip ng ating Hunyango, iba raw ang tinititigan sa tinitingnan nitong si media sulsoltant na itago na lang natin sa pangalang “Boy Pili”or in short BP or puwede rin tawaging “Bumble Bee.” Bumble Bee?! Ano ‘yan transformer? Wahahahahahahaha! …

Read More »

Cargo, private planes aalisin sa NAIA (Ililipat sa probinsiya)

NAKATAKDANG iutos sa general aviation operators na may operasyon sa air charter, air cargo, aviation training, aircraft maintenance, at corporate flight operations na bakantehin na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Maaari umanong ilipat sa Sangley Point sa Cavite at sa Laguna Lake o sa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas, ang mga nabanggit ayon kay incoming …

Read More »

Tax exemption sa P30K-wage earners prayoridad ng Senado

PRAYORIDAD ng ilang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ang paghahain ng panukalang batas para sa pagkakaroon ng tax exemption ng mga empleyado na tumatanggap ng P30,000 o mas mababa. Ayon kay Senadora Nancy Binay, sa pagbubukas ng 17th Congress, ito ang tamang panahon para sa middle income na mabawasan ang binabayaran nilang buwis. “Ito na po ang panahon na mabigyan …

Read More »

PNoy kasado na sa pag-alis sa Palasyo

NAKAHANDA na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na isalin ang kapangyarihan kay incoming President Rodrigo Duterte. Katunayan, wala nang public engagement si Pangulong Aquino kahapon at magiging abala na sa paghahanda para sa kanyang departure activities. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, pinakahuling aktibidad bilang pangulo ni Aquino ay pagtanggap at pakikipagpulong saglit kay Duterte sa Malacañang bago bumaba …

Read More »

Impeachment vs Duterte Malabo — House Leader

BINALEWALA ni House Speaker Feliciano Belmonte ang posibilidad ng impeachment laban kay President-elect Rodrigo Duterte sa oras na maupo na sa puwesto. Sinabi ni Belmonte, malabo ang impeachment kay Duterte kaya hindi ito dapat pagkaabalahang alalahanin ng bagong halal na pangulo. Ayon sa outgoing speaker, ang ano mang isyu ng impeachment laban kay Duterte ay walang basehan. Isa aniya siya …

Read More »