Thursday , June 4 2026

Media sulsoltant ni Mayor Maka-Pili?

THE WHO si media consultant ng isang Metro Manila Mayor na kinaiinisan ng ilang mamamahayag dahil sa unfair na pakikitungo sa kanila?

Tip ng ating Hunyango, iba raw ang tinititigan sa tinitingnan nitong si media sulsoltant na itago na lang natin sa pangalang “Boy Pili”or in short BP or puwede rin tawaging “Bumble Bee.”

Bumble Bee?!

Ano ‘yan transformer?

Wahahahahahahaha!

Bulong sa atin, simula nang matapos ang halalan naging mailap na raw sa ibang media si Bumble Bee dahil namimili na siya kung saan niya ibibigay ang press releases ng kanyang amo.

Hmmmmm, bakit naman kaya?

Ang katunayan nga niyan isang reporter ang nakausap natin ang umuusok ang ilong at tainga kay bogak ehek kay bossing dahil sa pangit na ginagawa niya.

Nito lang kasing nakaraang linggo may inilabas na press release ang kampo ni Mayor at siyempre ang nag-asikaso nito ay si Bumble Bee, ang kaso hindi binigyan si reporter o tinabla.

Dahil sa pangyayaring iyon kinausap ni reporter si sulsoltant, aba ang tanong ba naman sa kanya kung saan ilalabas ang istorya samantala kilala naman siya at ang kanyang media entity.

Hindi lang daw ang reporter na nakausap natin ang nakaranas nang ganoon maging ‘yong iba pang mga journalist napipikon na!

Naku naman!

Heto ha ‘wag kayong maingay, kaya pala namimili si Bumble Bee ay dahil nagtitipid sila ngayon kasi raw malaki ang nagastos nila sa vote buying este sa eleksiyon!

Anak ng pitong kuba!

Iyon pala ang dahilan mo?

Kaya lalong ikinagalit nang nakausap nating reporter ang nabalitaan niyang iyon dahil hindi naman siya bayaran.

Gets mo Boi?!

Tumataas BP ko sa iyo ha!

Wooooooooooooootttttttttttttttttt!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …