Wednesday , July 17 2024

Lipa at Tanauan dapat suyurin sa 1602

NASA bahagi raw ng Lipa City at Tanauan City sa lalawigan ng Batangas ang talamak na kailegalan.

Nasa nasabing bayan daw ang pinakamalaking operasyon ng 1602 na kung tawagin ay STL, perya, paihi, jueteng at tupada.

Ang STL ala jueteng ay tatlong beses rin daw binobola sa Tanauan at sa Lipa. Briones at Datu puti ang mas nakaaalam.

Pasok kaya sila kina Sgt. Matibag at Maligaya???

Teka, may nasagap tayong info na natagpuan na ang nawawalang katawan ni Ryan sa isang lugar sa Calabarzon.

Si Ryan ay naging biktima ng karumal-dumal na chop-chop kamakailan. Ang ilang bahagi ng kanyang katawan ay itinapon na nakasako sa bahagi ng senate sa Pasay City. Unsolved ang krimen.

* * *

Ballet scholars pinarangalan ni Mayor Fresnedi

NAKATAKDANG dumalo ang tatlong ballet scholars mula sa Tuloy Foundation sa Advance Ballet Course and Training sa Royal Ballet School sa London bilang kinatawan ng Filipinas sa Asian Grand Prix, Hong Kong sa Agosto.

Nauna na rito, pinarangalan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang mga scholar para sa kanilang tagumpay noong Hunyo 27 sa ginanap na flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod.

Naging saksi sa parangal sina Jojo Perez, Ballet scholars, Daniel Vallejos, John Edmar Sumera, Benedict Sabularse at Vice Mayor-elect Celso Dioko.

* * *

Bakit madalang?

NAPANSIN natin na madalang ang mga sumusukong drug addict at tulak sa area ng south of Manila. Bakit?

Sa AOR ng south of Manila, ang daming durugista at mayayamang drug pushers.

Kung susuko sila baka mapahiya ang mayors at chief of police.

Anyway, ang mga bigtime na supplier ng shabu ay nakaistambay sa mga bahay sugalan sa casino. Sa mga hotel nila itinatago ang mga stuff. Alam iyan ng anti-narcotics agents at ng drug cuddlers.

* * *

Huwag sanang mangyari sa atin?

ANG daming  namatay at mga sugatan sa naganap na suicide bombing sa Turkey airport.

Ang insidente ay iniuugnay ng mga awtoridad sa Turkey na isang terrorist act.

Huwag po sanang mangyari ito sa ating bansa.

About Manny Alcala

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Dragon Lady Amor Virata

Calixto ng Pasay ‘di kayang gibain

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG mayroon man may lakas ng loob na labanan …

YANIG ni Bong Ramos

Bukod sa West Philippine Sea  
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?

YANIGni Bong Ramos BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *