Saturday , December 13 2025

Blog Layout

P90-M cocaine narekober sa Albay sea

LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang 18 bricks ng cocaine makaraan narekober sa karagatan na Brgy. Sogod, Tiwi, Albay. Tinatayang aabot sa P90 milyon ang halaga ng cocaine, na milyon  ang halaga ng bawat brick na umabot sa 18, ayon sa PDEA. Nalambat ito ng dalawang mangingisda sa karagatan ng nasabing lalawigan. Ayon kay Bicol police …

Read More »

Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)

INIREKOMENDA ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumalilalim sa medical examination at ispubliko ang ano mang magiging resulta nito. Ito ay makaraan aminin ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng matinding uri ng painkiller dahil sa pananakit na kanyang nararamdaman. Magugunitang kamakailan, isinapubliko ng Pangulo na dati siyang umiinom ng gamot na kadalasang inirereseta sa mga may sakit …

Read More »

Major reshuffle sa Immigration plano ni Aguirre

KASUNOD nang pagsibak sa puwesto sa dalawang Immigration associate commissioners dahil sa isyu ng bribery, plano ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na magpatupad ng balasahan sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi ng justice chief, pinag-aaralan niyang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng total overhaul sa kawanihan. Hayagang sinabi ng kalihim ang plano niyang malawakang balasahan sa mga …

Read More »

‘Little drummer boy’ dinukot sa Sampaloc (Estudyante patay sa Christmas lights)

TINANGAY ng isang hindi nakilalang babae ang isang 8-anyos batang lalaki habang mag-isang nagka-carolling sa Sampaloc, Maynila nitong Sabado ng gabi. Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Women and Children’s Protection Unit (WCPU), para matunton ang kinaroroonan at mailigtas ang biktimang si John Ren Manzano, residente sa Algeciras St., Sampaloc, sakop ng Brgy. 450, Zone …

Read More »

Dinner na lang tayo sa Pasko (Imbitasyon ni Digong sa ASG)

NAKIKIUSAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kalaban ng estado, kabilang ang mga teroristang Abu Sayyaf, na isantabi muna ang pakikipaglaban ngayong holiday season. Sinabi ni Pangulong Duterte, hangad niyang magkaroon nang mapayapang selebrasyon ng Pasko at saka na lang ituloy ang labanan pagkatapos. Ayon kay Pangulong Duterte, nakahanda siyang manlibre ng dinner sa mga Abu Sayyaf sakaling mapadaan sa …

Read More »

8 sa 10 Pinoys takot mamatay sa drug war — SWS

shabu drugs dead

WALO sa bawat 10 Filipino ang nangangambang mabiktima sila ng talamak na patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations. Sinabi ng 78 porsiyento ng 1,500 respondents mula 3-6 Disyembre, nangangamba sila o sino mang kakilala nila ang mamatay bunsod ng kampanya laban  sa droga. Ang nalalabing 10 porsiyento …

Read More »

‘Di nasiyahan sa war on drugs ipokrito — PNP chief

TINAWAG na ipokrito ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga hindi nasisiyahan sa kampanya kontra droga ng gobyerno. Reaksiyon ito ni Dela Rosa makaraan ilabas ng SWS ang survey na nagsa-sabing 85 porsiyento ng kanilang mga tinanong ay kontento sa anti-drug campaign ng PNP habang walong porsiyento ang mga hindi natutuwa at pitong porsiyento ang “undecided.” Ayon …

Read More »

‘Wag mabahala sa EJKs — Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga Filipino sa nagaganap na extrajudicial killings o summary execution kasunod ng anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Reaksiyon ito ng Malacañang sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa last quarter ng taon na 78 porsiyento ng mga Filipino ay nangangamba sa kanilang seguridad sa gitna ng extrajudicial killings sa bansa. Sinabi …

Read More »

EJKs kabiguan ng PNP — Gen. Bato

AMINADO si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, kabiguan ng pulisya ang pag-usbong ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa. Kaya hindi niya masisisi kung may mga sibilyan na nangangamba na baka mangyari sa kanila ang extrajudicial killings. Ito ay kasunod sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na may 1,500 respondents o katumbas ng 78 porsyento ang …

Read More »

Pagbuwag sa VFA warning lang ni Digong — Palasyo

INILINAW ng Malacañang, babala pa lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos. Sinabi ni Communications Assistant Sec. Anna Marie Banaag, dapat munang mapag-u-sapan ng Pangulong Duterte at ng kanyang advisers ang usapin sa VFA. Ayon kay Banaag, mas maiging hintayin na lang ang susunod na hakbang ng Presidente at …

Read More »