Saturday , March 14 2026

Sa Angeles, Pampanga
Bangkay ng missing wife ng ex-Tserman, nahukay sa loob ng sariling bakuran

Tess Mamac

KINOMPIRMA ng mga awtoridad ang pagkakatagpo sa isang bangkay na pinaniniwalaang ang nawawalang asawa ng dating kapitan ng barangay sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 15 Pebrero. Ayon sa ulat, ang natagpuang bangkay ay posibleng kay Tess Mamac na nahukay sa loob ng Mamac family compound sa naturang lungsod. Napag-alamang natagpuan ang mga labi na nakabaon nang …

Read More »

Sa kalakalan ng mga ilegal na sigarilyo
2 politikong protektor ng ‘tobacco lord’ target sa tinaguriang  ‘bagong POGO’  
Isyu ng Labor Code violations sinisilip din

Sigarilyo Yosi

NATAGPUAN ng mga awtoridad ang tatlong abandonadong pabrika ng ilegal na sigarilyo sa Pampanga, na nagpapalakas ng hinala na isang sindikato ang nag-o-operate sa probinsiya. Ang pagkakatuklas ay kasunod ng pagsalakay noong 29 Enero sa isang katulad na pasilidad sa Mexico, Pampanga, na milyon-milyong pisong halaga ng mga ilegal na sigarilyo at kagamitan ang nakompiska. Binanggit ni Interior Secretary Jonvic …

Read More »

Natiyempohang bumebembang
Delivery rider timbog sa boga’t droga

handcuff sex posas

ISANG rider ang inaresto matapos ang search operation na isinagawa sa kaniyang mismong bahay na nagresulta sa pagkakakompiska ng dalawang malalakas na baril na puno ng bala at hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P27,200 noong Sabado ng umaga, 14 Pebrero, sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat kay Nueva Ecija PPO Provincial Director P/Col. Heryl Bruno, …

Read More »

Athletes Unrivaled inimbitahan sa Summer Jam 2026 Championships

Athletes Unrivaled Summer Jam 2026 Championships

OPISYAL na inimbitahanang Athletes Unrivaled (AU), isang high-performance basketball academy na nakabase sa Filipinas, upang lumahok sa Summer Jam 2026 Championships ng Jordan Brand and Footlocker, na gaganapin 20–22 Pebrero 2026 sa Peanut Farm Reserve sa Melbourne, Australia. Ang Summer Jam Championships ng Jordan Brand and Footlocker ay kinikilalang pangunahing streetball festival ng Australia — isang tatlong-araw na pagtitipon ng …

Read More »

Building a Matatag and Maginhawa Future Through STI at Ilocos Region’s RSTW 2026

DOST RSTW 2026 Ilocos

The Department of Science and Technology (DOST) officially opened the 2026 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) in the Ilocos Region on February 16 at CSI Stadia, convening national and local leaders, academic institutions, industry partners, and innovators under the theme “Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan,” with the sub-theme Building Smart and …

Read More »

John nasaktan nang matanggap desisyon sa divorce nila ni Priscilla

Priscilla Meirelles John Estrada

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NGAYONG diborsyado na si John Estrada, puwede na raw nitong ilantad ang bagong GF nito, ayon iyan sa mga netizen na sumusubaybay sa lovelife ng aktor. Sa naging reaksiyon ni John sa divorce decision na nakuha ni Priscilla Meirelles mula sa Brazil, mukha namang nasaktan ang aktor at tila hindi ready sa natanggap na balita. Ayon pa sa mga …

Read More »

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb Izzy Trazona at Sunshine Garcia. Pumutok kasi ang mga usapin nang lumabas na parang kinokontrol umano ng dating aktor na si Alvin Aragon si Izzy na magbalik showbiz at maging parte nga uli ng Sexbomb concert series here and abroad soon.  Kahit ang transman na anak ni Izzy ay …

Read More »

Sharon, Ogie kinuwestiyon ng netizens pagkatsugi ni Rufa Mae sa YFSF

Rufa Mae Quinto Kitchie Nadal Ogie Alcasid Sharon Cuneta YFSF

HINDI man talaga singer pero marami pa rin ang nagsasabing kung wala si Rufa Mae Quinto sa Your Face Sounds Familiar, laglag at wala raw kuwenta ang show. Iyan ang paniniwala ng fans ni Peachy (tawag kay Rufa Mae) na nagsasabing deserve nito ang makakuha ng mas mataas na score on last Sunday’s episode. “Kung kailan siya nagparinig ng magandang boses niya, ng maayos na performance, …

Read More »

Michelle Dee nagsampa ng cyber libel complain vs. Xian Gaza

Michelle Dee Xian Gaza

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGSAMPA sa NBI–Cybercrime Division nitong Lunes, February 16, ang actress-beauty queen na si Michelle Dee ng cyber libel complaint laban sa self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza. Wala pang detalye kung ano ang dahilan ng reklamo ng beauty queen pero posibleng konektado ito sa kontrobersiya na muling sumiklab sa social media. Isa sa sinasabing dahilan ng pagkakaso ay …

Read More »

Kim may inamin sa bulaklak na bigay ni Paulo: nakaka-girl, napapa-happy ako

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG paligoy-ligoy at walang kagatol-gatol na inamin ni Kim Chiu na galing sa kanyang leading man sa The Alibi, Paulo Avelino ang bulaklak na natanggap niya noong Valentine’s Day, February 14, 2026. Ang pag-amin ay ginawa ni Kim sa The Alibi: Ang Buong Katotohanan Media Conference kahapon ng hapon na ginawa sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN. “Siyempre sa kanya,” sabay turo kay Paulo …

Read More »

HALIKANG WALANG ALIBI KimPau mas mapangahas, matapang

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino

ni Allan Sancon MAS masaya at mas kampante sina Kim Chiu at Paulo Avelino nang humarap sa media sa engrandeng press launch ng kanilang teleseryeng The Alibi, Ang Buong Katotohanan.  Ramdam ang kakaibang chemistry ng dalawa habang sinasagot ang maiinit na tanong tungkol sa kanilang teleserye at sa mga eksenang tiyak na pag-uusapan ng mga manonood. Hindi maikakaila, mas matapang, mas maangas, at mas mapangahas …

Read More »

UP Sinag nanguna sa ika-7 PIA Cup, ipinamalas patuloy na paglago ng women’s football

UP Sinag 7th PIA Cup

NAGTAPOS ang ika-7 edisyon ng Pinay In Action (PIA) Cup sa Lungsod ng Dumaguete City kung saan nagkampeon ang UP Sinag matapos manaig ng 3–0 laban sa UP Alon sa pinal na laban. Nagtapos ang UP Alon bilang first runner-up, habang nakuha ng Futboleras FC ang ikalawang runner-up na puwesto. Pinangunahan ng Pinay In Action, ang adbokasiyang sangay ni Pia …

Read More »

2026 Philippine Ladies Open ng WGAP lalarga na

2026 PLO WGAP Golf

MULING daraan ang landas tungo sa kahusayan sa larangan ng golf sa Pilipinas sa maayos na mga fairway ng The Manila Golf & Country Club sa pagdaraos ng 2026 Philippine Ladies Open (PLO) mula Pebrero 24 hanggang 26, 2026, sa suporta ng Philippine Sports Commission. Pinangungunahan ng Women’s Golf Association of the Philippines (WGAP) ang pag-oorganisa ng prestihiyosong taunang paligsahan …

Read More »

Bell Construction infra projects imbudo sa Antipolo City

Money Construction

IBINUHOS sa Antipolo City ng isang construction company na pag-aari ng mga politico ang mga proyekto na matunog ngayon sa Senado. Mula 2017 hanggang 2026, nakuha ng construction company na nakarehistro sa pangalan ng pamilya ng professional volleyball player na si Bea de Leon ang proyektong nagkakahalaga ng P2.2 bilyon sa Antipolo City 1st District sa panahon ng panunungkulan ng …

Read More »

Direk Louie Ignacio deretsahang ipinahayag, ayaw sa unprofessional na artista

Louie Ignacio Mantsa Pilar Pilapil Gelli de Belen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng kilalang direktor na si Louie Ignacio na kakaibang challenge sa kanya ang pelikulang “Mantsa”. Isa sa dahilan ng award-winning direktor ay dahil bahagi ng cast nito ang veteran actress na si Pilar Pilapil. Wika ni Direk Louie, “Siyempre kapag nakatrabaho mo ang mga icon ng industry, iyong respect mo sa kanila, kasi tinitingala …

Read More »