Friday , December 19 2025

Recent Posts

Korean restaurant sa Makati ipasasara (Karne ng aso inihahain)

NANGANGANIB na maipasara ang isang Korean restaurant makaraan ireklamo ng paghahain ng karne ng aso sa kanilang mga customer sa lungsod ng Makati. Kinilala ng Makati City Police ang mga suspek na sina Wilma Kim, isang Filipina, tumatayong may-ari ng Minsok Restaurant sa 401 Gen. Luna St., Brgy. Poblacion ng naturang lungsod; mag-asawang Ham Og In at Woo Seok, kapwa nasa …

Read More »

Dyowa nagtrabaho sa Maynila kelot nagbigti

NAGA CITY – Tuluyan nang kinitil ng isang lalaki ang kanyang sarili makaraan ang ilang ulit na pagbabanta na magpapakamatay sa Gumaca, Quezon. Kinilala ang biktimang si Julius Cabangon, 27-anyos. Napag-alaman, nagsimulang mag-iba ang kilos ng biktima mula nang umalis ang kanyang kinakasama upang magtrabaho sa Maynila. Nauna rito, ilang ulit nagsabi sa kanyang mga kaanak ang biktima na magpapakamatay …

Read More »

P.2-M pekeng tsinelas nakompiska sa Navotas

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P200,000 halaga ng mga pekeng tsinelas sa isang bodega na pag-aari ng isang Chinese national sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Sa bisang search warrant na ipinalabas ni Judge Celso R.L. Magsino ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74 ng Malabon City, pinasok ng mga awtoridad ang bodega na pag-aari ng isang Benson Tan …

Read More »