Wednesday , December 7 2022

Pagwalis sa lahat ng smugglers target ni Commissioner Lina

00 rex target logoKUNG ang mga nagdaang commissioners ng Bureau Of Customs (BOC) ay pawang nabigo sa kanilang kampanya laban sa talamak na smuggling sa Aduana, hindi si Commissioner Bert Lina.

Ito ang matatag na paniniwala ng isa sa ating mga idol na opisyal sa government service na si Boss Bert.

Determinasyon lamang at sipag ang kailangan upang matupad ang tila isang imposibleng misyon na linisin ang Customs.

“Walang sisinohin at sasantohin maging kaalyado man ng Malacañang o ng sagradong Liberal Party (LP).

Isa umano itong obligasyon ni Commissioner Lina ‘di kanino man kundi sa bayan at sa bawat Juan dela Cruz na nagbabayad ng buwis.

Malaki rin ang respeto ni Lina sa taong nagtalaga sa kanya sa nasabing posisyon; walang iba kundi si Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

‘Kailan man ay hindi ko kayang biguin ang Presidente (Aquino) na nagtiwala sa ating kakayahan at katapatan.Isa ito sa pinakamalaking hamon sa aking buong pagkatao; ang linisin ang bakuran ng Customs mula sa maanomalyang transaksyones na nakasanayan ng mga opisyal ng nasabing kagawaran nang maraming taon.

“No amount of fortune can equal the once in a lifetime opportunity given to me by the President. Hinding-hindi ko siya bibiguin sa kanyang adhikaing mag-iwang ng legacy sa kanyang huling mga taon sa Malacañang,” pagdidiin ni Lina.

Nagpapasalamat din si Lina kay PNoy sa pagtitiwala at paniniwala sa kanyang kakayahang pamunuan ang isa sa pinakakontrobersiyal na tanggapan ng gobyerno.

“Isang malaking karangalang maging bahagi ng Aquino administration,”dagdag ni Boss Bert.

Kaisa tayo ng Pangulong Aquino sa paniniwalang, si Bert Lina ang tugon sa problema sa BOC.

Bukod sa kanyang talent at kaalaman, di makukuwestiyon ang integridad ng mamang si Lina.

Isa siya sa mahigit 100 milyong Pinoy na biniyayaan ng kakaiba at natatanging talento pagdating sa pamamahala hindi lamang ng mga negosyo kundi ng mga tao.

For us, Bert Lina is the perfect person for the job.

‘Ika nga, may ulo, dibdib at bayag!

Matalino, compassionate at walang takot!

Sa maraming papuring naisulat at naturan kay Boss Bert, hirap na tayong mamulot ng iba pang adjectives to describe the man.

A man of integrity and talent.

Mabuhay ka Boss Bert.

Batid ng pitak na ito na hindi birong hakbangin ang iyong kakaharapin sa banal na layong walisin ang mga dorobo riyan sa Aduna.

At gaya ng Pangulong Aquino, naniniwala tayo na walang gahiblang agam-agam na in a few more months, we could declare BOC as smuggler-free government agency.

May you fulfill that dream the soonest posible time.

Goodluck Commissioner Lina sir!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag email sa [email protected]

About Rex Cayanong

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply