Tuesday , January 13 2026

Entertainment

KyChie magsasabog ng kilig at good vibes

Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TALAGANG nagkanya-kanya na sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Sa latest offering ng iWantTFC na Beach Bros, etsapuwera na ang tambalan ng KyCine sa paghahatid ng kilig at good vibes dahil ang makakasama ni Kyle ay ang dating PBB Kumunity celebrity edition housemate na si Chie Filomeno gayundin sina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr. Kaya ang KyChie na ang bibida sa unang iWantTFC original …

Read More »

Lianne Valentin bagong kontrabida ng kanyang panahon

Lianne Valentin Zoren Legaspi Carmina Villaroel

HARD TALKni Pilar Mateo DEFINITELY! Tinuldukan na ni Lianne Valentin ang pagsasabing never in her wildest dream na aabot siya sa puntong magiging isang tunay na kabit o “the other woman.” Maski anupaman ang sitwasyong kaharapin niya sa buhay. Kung in love na in love ka sa partner mo? “Malabo rin pong mangyari. Kasi, sisiguruhin ko naman kung nasaan ako sa sitwasyon  lalo …

Read More »

Jane at Iza pinag-usapanTrailer ng Darna 4 millions views agad

Jane de Leon Iza Calzado Darna

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio UMANI agad ng 4 million views ang views sa social media at sunod-sunod na papuri mula sa netizens ang official trailer ng Mars Ravelo’s Darna series ng ABS-CBN Entertainment na inilabas noong Huwebes (July 7) ng gabi. Patunay na todo na ang excitement ng netizens para mapanood ito sa telebisyon. Pumalo agad ng 1 milyong views sa Facebook apat na oras simula nang …

Read More »

Newbie singer Nic Galano desididong magkapangalan sa showbiz

Nic Galano

ni Glen P. Sibonga MASAYANG hinarap ng baguhang singer na si Nic Galano ang press kahit na aminado siyang kinabahan noong una dahil solo presscon niya iyon hindi tulad noong unang i-launch sila na kasama niya ang co-artists niya sa ARTalent Management. “Medyo nakaka-pressure nga po kasi solo ako ngayon, ako lang po ‘yung tinatanong kasama po ang manager ko na si Doc …

Read More »

Pokie at Lee maayos ang hiwalayan

Pokwang  Lee O’ Brien

I-FLEXni Jun Nardo WALANG panahong magluto ang komedyanteng si Pokwang ng pagkaing papaitan sa kanyang Kusina ni Mamang show sa Buko Channel. Lumabas ang report kamakailan na ilang buwan na silang hiwalay ng partner niyang foreigner na si Lee O’ Brian. Nakasam niya sa isang movie na produced dito si Brian at doon nagsimula ang kanilang relasyon hanggang mabiyayaan sila ng isang anak na babae. Sa …

Read More »

Alfred isisingit paggawa ng series at movies 

Alfred Vargas

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng kapatid ni Councilor Alfred Vargas na si Congressman PM Vargas ang mga plano niyang natigil para sa workers sa movie industry gaya ng tax incentives, holidays at iba pa. Matapos ang local campaign, relax mode muna si Konsi Alfred bago sumabak sa local legislation at kapag maluwag ang schedules, gagawa ng isang TV show at movies. “Marami akong nakaimbak …

Read More »

Rose Van Ginkel may ibubuga sa akting

Rose Van Ginkel Marco Gallo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERFECT ang pagkakakuha ng Viva Films kina Rose Van Ginkel at Marco Gallo para magbida sa latest offering nila, ang Kitty K7 na ang istorya ay ukol sa buhay ng isang camgirl at photographer na naka-one night stand nito. Isa kami sa nakapanood ng private screening nito na bagamat ukol sa isang cam girl ang istorya ay hindi sa mga intimate o sexy …

Read More »

Iza nakahihinayang may edad na nang makapagsuot ng Darna costume

Iza Calzado Darna

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin iyong pictures ni Iza Calzado na nakasuot ng costume ni Darna. Sayang, dahil nang makapagsuot siya ng costume ni Darna, may edad na siya. Magsusuot na lang siya ng costume, hindi na siya puwedeng Darna. Eh kasi nang gawin naman ni Uncle Mars ang character na iyan, talagang bata si Narda na nagiging Darna. Kung si Iza ay gagawin …

Read More »

Allen Dizon, gaganap bilang killer police sa Pamilya sa Dilim

Allen Dizon Sunshine Cruz Laurice Guillen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG mapaghamong papel na naman ang gagampanan ni Allen Dizon sa bago niyang pelikula titled Pamilya sa Dilim na gaganap siya ng dual role. Isinulat at idinidirek ni Jay Altarejos, tampok din dito sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Ina Feleo, Rico Barrerra, Therese Malvar, Heindrick Sitjar, Angelo Carreon Mamay, at marami pang iba. Maraming beses …

Read More »

Bea dapat nang asikasuhin ang career: serye kay Alden ‘di tiyak ang pagre-rate

Bea Alonzo Alden Richards

HATAWANni Ed de Leon KUNG kami ang tatanungin, ok lang iyong sinabi ni Bea Alonzo na ok lang sa kanyang makatrabaho maski sino man sa mga “ex” niya maliban lang sa isa. Hindi man niya binanggit kung sino, tiyak na si Gerald Andersoniyon. Nakadalawang balikan na nga naman sila, masama pa rin ang naging katapusan, kaya hindi mo siya masisisi kung ayaw na …

Read More »

 Lolong pumatok agad sa netizens

Ruru Madrid Lolong

COOL JOE!ni Joe Barrameda GUSTO naming batiin si Ruru Madrid sa magandang pagtanggap ng mga netizen sa Lolong na matapos makaranas ng iba’t ibang problema, nakakuha ito ng mataas na ratings sa pilot at mga sumunod na episodes.  Maski kami noon ay nadedesmaya sa mga problemang inabot ni Ruru sa taping ng Lolong. Akala ko hindi na ito matutuloy. Pero heto namamayagpag sa ratings at …

Read More »

Direk Lino Cayetano balik-showbiz

Lino Cayetano

COOL JOE!ni Joe Barrameda BALIK-SHOWBIZ si Direk Lino Cayetano matapos magsilbi sa siyudad ng Taguig bilang Mayor. Maganda raw ang nagawa ni Direk Lino pero dahil nagbabalik ang hipag niyang si Cong. Lani Cayetano na gusto muli magsilbi sa Taguig bilang Mayor, nag- giveway naman ang mabait na director at nagbalik-showbiz na matagal na niyang  miss. Si Direk Lino pala ang original direktor ng Starstruck at very …

Read More »

Sing Galing Kids may interactive Family Day sa Vista Mall Taguig

Sing Galing Kids kiddie pool Vista Mall Taguig

MAY bagong kiddie edition ang original videoke game show ng Pilipinas at may bonggang pagsalubong ang TV5para rito dahil sa Sabado, July 9, gaganapin ang masaya at interactive na Sing Galing Kids Family Day sa Vista Mall Taguig. Inaanyayahan ang mga bata at ang kanilang pamilya na makisali, makisaya, at makisalamuha sa cast ng  Sing Galing Kids kasama ang Sing Galing mascot na si Genie. Mayroong iba’t ibang …

Read More »

Piolo nag-urong-sulong sa showbiz

Piolo Pascual

MA at PAni Rommel Placente KUNG noon sa mga interview ni Piolo Pascual ay sinabi niya na magreretiro na siya sa showbiz sa edad na 40, ngayon ay  binabawi niya na ang sinabi niyang ‘yun. Wala na raw plano  ang aktor na iwan ang mundong ginagalawan niya. Sinabi niya ito sa nakaraang presscon niya para sa bagong ad campaign ng Sun Life Philippines. …

Read More »

Rica emosyonal sa muling pagtapak sa ABS-CBN

Rica Peralejo

MA at PAni Rommel Placente NOONG Sunday ay guest si Rica Peralejo sa ASAP Natin ‘To, kasama  ang batchmates niya  sa showbiz na sina Jolina Magdagal at Nikki Valdez. Nagkaroon sila ng production number kasama sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla. Ipinost ni Rica sa kanyang Instagram account ang muli niyang pagtapak sa ABS-CBN bulding. At  naging sentimental siya sa kanyang naging post. Binalikan niya ang mga magagandang alaala niya sa Kapamilya Network. Post …

Read More »

Matteo at Sarah nagpa-grocery galore sa ilang magsasaka

Matteo Guidicelli Sarah Geronimo

I-FLEXni Jun Nardo BINIYAYAAN ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang mga magsasaka sa Paete, Laguna ng grocery day sa malaking supermarket na ineendoso ng host-actor. Sa video sa Instagram ni Matteo, isang malaking shopping cart ang pinaglagyan ng goods na nahakot ng bawat magsasaka kasama ang ilang anak. Nasaksihan  ng mag-asawa  ang dedikasyon at paghihirap sa trabaho ng magsasasaka sa mga nag-shopping dahil sa …

Read More »

Male star bumigay na, nanghalik at nandakma pa

Blind Item, excited man

ni Ed de Leon NAKU Tita Maricris, hindi puwedeng hindi ko itsismis ito. Iyong isang male star na lumabas sa isang indie gay serye, bumigay na rin. Naka-istambay daw iyon sa isang watering hole nang malasing, at hindi na napigilan ang sarili, biglang hinalikan sa lips ang isang pogi. Nagalit si pogi at gusto siyang sapakin, pero sabi niya ipinakita lang daw niya …

Read More »

Vivian Velez iniwan na ang FAP

Vivian Velez FAP

HATAWANni Ed de Leon NAG-RESIGN na rin pala si Vivian Velez bilang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP). Ayon sa batas simula pa noong una, iyang FAP ay isang tripartite body na nilikha para sa industriya, kaya nga nariyan ang mga producer na siyang namumuhunan, ang mga manggagawa na may kanya-kanyang guild, at ang director-general na karaniwang inia-appoint din ng presidente …

Read More »

FDCP aaksiyon agad-agad <br> PIPO KOMUNSULTA NA SA MGA LIDER SA INDUSTRIYA 

Tirso Cruz III FDCP

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG masaya nga ang mga lider ng industriya sa pagkaka-appoint kay Tirso Cruz III bilang director-general ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Mabilis namang nakagawa ng konsultasyon si Pip sa mga lider ng industriya para malaman kung ano ang una niyang dapat harapin. Wala namang sinasabi ang mga lider ng industriya laban sa FDCP, maliban sa sinasabing …

Read More »

Anak ni Tito Sotto na si Lala itinalaga ni PBBM bilang bagong MTRCB Chair

Lala Sotto Antonio Bongbong Marcos BBM

ANG anak ni Senate President Tito Sotto na si Lala Sotto-Antonio ang bagong nadagdag sa mga bagong appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kahapon nanumpa si Sotto-Antonio bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Bago ito’y naibalita namin noong July 6 na ang beteranong aktor na si Johnny Revilla ang na-appoint bilang bagong chairman ng MTRCB. Nanumpa pala si Revilla bilang board member …

Read More »

Pokwang nilait ng netizens dahil kay Ella Cruz

Ella Cruz Pokwang

MATABILni John Fontanilla NILAIT-LAIT ng netizens si Pokwang nang mag-post ito sa kanyang social media  at nagkamali ng spelling sa binitiwang pangaral kay Ella  Cruz. Sagot ng mga netizen sa post nito na  nagawang sermunan at pangaralan ang young actress ukol kasaysayan pero hindi naman daw niya nagawang itama ang spelling ng iodine. Nag-tweet kasi kamakailan si Pokwang ng, “Nak Ella Cruz tanggap ko …

Read More »

Sarah Javier excited makasama ang anak sa show 

Sarah Javier

MATABILni John Fontanilla MAY magandang balita sa kanyang mga tagahanga si Sarah Javier na kanyang i-pinost sa social media at ito ay ang nalalapit na release ng kanyang pinakabagong awitin, ang Happy Anniversary sa July 15. Swak na swak ang awiting ito ni Sarah sa mga mag-asawa, magkasintahan na nagsi-celebrate ng kanilang anibersaryo lalo na’t maganda ang lyrics at melody nito. Bukod sa bagong song …

Read More »