Wednesday , February 28 2024
Jillian Ward John Lloyd Cruz

Jillian Ward kinilig kay John Lloyd

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

EXCITED si Jillian Ward sa bago niyang project sa GMA. Ito ay ang Abot Kamay Na Pangarap, isang afternoon teleserye. 

Kamakailan ay may ipinost si Jillian na ang buong cast ay nag-observe o nanood ng live sa isang brain operation sa isang hospital na hindi binanggit ang pangalan. Pero mas kinilig si Jillian sa guesting niya sa Happy ToGetHerni John Lloyd Cruz

Mukhang si Lloydie ang kinakiligan niya. Wish niya na makapag-guest siya ulit doon kaya naman ipinarating namin ang kahilingan ni Jillian sa production ng sitcom.

Samantala, balik-telebisyon ang Sparkle leading man na si Richard Yap sa Abot Kamay na Pangarap. Gagampanan ni Richard ang karakter ni Robert Tanyag, isang super workaholic na doctor kaya kung minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang pamilya. Ibinahagi ni Richard sa isang interview na very exciting ang mangyayari sa kanyang role.

Bukod kay Richard, pasok din sa cast nito sina Carmina Villarroel bilang Lyneth at Jillian bilang Analyn. Kasama rin sa star-studded cast sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba. 

Tutukan ang Abot Kamay Na Pangarap, this September sa GMA-7.

About Joe Barrameda

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …