Sunday , April 21 2024
Arnell Ignacio

Arnell ‘di matatawaran track record sa public service 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALA at ka-Facebook ko si Arnell Ignacio kaya aware ako sa mga ginagawa niyang pagtulong. Pero hindi pa man naitatalaga si Arnell sa anumang posisyon sa gobyerno, kilala na siya sa pagiging matulungin.

Kaya naman hindi na kataka-taka na nang mabigyan ng posisyon sa PAGCOR eh, marami na siyang natutulungan. Hindi na nga matatawaran ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa kanyang trabaho. At mula sa PAGCOR hanggang sa OWWA bilang isang Deputy Director, hinangaan si Arnell sa kanyang nagawa para sa ating mga OFW.

Hindi na mabilang ang mga natulungan niya sa mga migranteng manggagawa. Nagpupunta mismo si Arnell sa mga bansa sa Middle East para personal na alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan doon.

Nariyang nakikipag-usap siya sa mga dayuhang opisyal sa mga nasabing bansa para ipaliwanag ang kaibahan ng ating kultura at magkasundo kung paano pa palalakasin ang ating ugnayan para maiwasan ang mga suliranin o mabawasan ito.

Ilang mga kababayan din natin na nasa kulungan na sa Middle East ay nailabas at napalaya ni Arnell sa pamamagitan ng diplomasya at pakikipag-usap sa mga banyagang opisyales.

Iba kasing mag-isip si Arnell at masasabing “out-of-the-box” ang kanyang pamamaraan sa paglutas ng mga kaso at problema ng ating mga kababayan.

Kaya nga sa tuwing kausap namin ito wala siyang bukambibig sa kung paano pa niya maiaabot ang tulong sa mga kababayan nating nangangailangan nito. Talagang ang dedikasyon ni Arnell para makatulong ay nariyan.

Kaya sadyang natagpuan na ni Arnell ang kanyang lugar sa mundo ng ating mga OFW kung kaya naman na-appoint siya bilang bagong Administrator ng OWWA kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …