Tuesday , January 13 2026

Entertainment

Whoopi at Jo Koy bumilib sa Here Lies Love 

Whoopi Goldberg Jo Koy Here Lies Love

I-FLEXni Jun Nardo BUMILIB din ang mga  foreign comedienne na si Whoopi Goldberg at si Jo Koy nang mapanood ang Broadway musical na Here Lies Love. Nagkuwento nga sina Whoopi at Jo Koy sa ACB Network talk show na The View nang mag-guest sila kamakailan. Sabi ng star ng movie na Sister Act nang mapanood sa preview ang HLL, “I just saw ‘Here Lies Love’ on Tuesday night (July 18, 2023). Not only I was …

Read More »

Maine inihabilin ng TVJ kay Arjo 

Maine Mendoza TVJ Dabarkads

I-FLEXni Jun Nardo INIHABILIN nina Tito, Vic, at Joey si Maine Mendoza kay Cong. Arjo Atayde nang magkaroon ng bridal shower para sa kanya ang E.A.T. last Saturday. “Baby namin si Maine,” sabi ni Vic na madalas si Maine ang kasama sa sitcom at movies. Hindi namin napanood nang buo ang tribute dahil may lunch appointment kami. Nakita namin sa simula si Ice Seguerra na  bahagi ng bridal shower. Sa pictures sa social …

Read More »

Car fun boy nagbabakasakali pa ring makapag-artista

Blind Item, Mystery Man, male star

ni Ed de Leon ISANG “car fun boy” ang naka-istambay daw sa Newport sa Pasay na naroroon din ang Marriott Hotel. Nagbabakasakali siyang may kakilalang babaeng pupunta sa GMA Gala at ang balak niya ay sumama dahil sa paniwalang marami siyang makikilala sa loob. Sabi ‘yon ni car fun boy na mag-aartista noon pa man, kasi hindi naman siya tinutulungan talaga ng …

Read More »

Pagpapakasal ni Bea kay Dominic kinokontra  

Bea Alonzo Dominic Roque Engage

HATAWANni Ed de Leon BAKIT naman pinagtatalunan pa kung saan nag-propose si Dominic Roque kay Bea Alonzo? Hindi ba ang mahalaga lang naman doon ay engage na. Ang nangyari kasi, nabalita na ang engagement ay naganap sa Las Casas de Acuzar, at mabilis namang gumawa ng conclusion ang iba na sa Bataan iyon. Pero rito lang sa Quezon City, na sa ngayon ay Fernando …

Read More »

GMA Gala nagmukhang Kapamilya Night; TVJ muling pinadapa ang Eat Bulaga

GMA Gala Showtime

HATAWANni Ed de Leon KUNG kami ang tatanungin, mas maganda pa at madamdamin ang bridal shower na inihandog ng TVJ at Legit Dabarkads sa ikakasal nang si Maine Mendoza kaysa roon sa GMA Gala na kailangan mong pagtyagaang panoorin sa Tiktok. Dalawa ang estasyon nila sa telebisyon, hindi man lang nila inilagay sa GTV o alinman sa kanilang digital channels para mapanood sa free tv o sa mas malaking screen.  Eh …

Read More »

Ara  boto kay Marco; Mommy Klenk, ayaw muna pakasal si Cristine

Cristine Reyes Marco Gumabao Ara Mina Mommy Klenk

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TUWANG-TUWANG si Ara Mina na finally ay nagkita na sila ni Marco Gumabao at ito’y nangyari sa special screening and mediacon ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na pinagbibidahan ng kanyang kapatid na si Cristine, Marco, at Cesar Montano. Bago ang pagrampa nila sa red carpet at bago magsimula ang screening, nakausap muna namin si Ara at doo’y nagkita-kita sila …

Read More »

Cristine, Vilma Santos ng bagong henerasyon — Direk Jerome Pobocan

Cristine Reyes Vilma Santos Jerome Pobocan Marco Gumabao Cesar Montano

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAY karapatang matawag si Cristine Reyes na Vilma Santos ng bagong henerasyon dahil mahusay niyang nagampanan ang papel ni Helen na siya ring karakter ng Star for All Seasons sa pelikulang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na ginawang teleserye ng Studio Viva sa pakikipagtulungan ng TV5. Pinagbidahan ni Ate Vi ang  pelikulang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan kasama sina Christopher De Leon at Eddie Garcia at idinirehe ng National …

Read More »

HANDA PILIPINAS is coming back this July!

HANDA PILIPINAS

HANDA PILIPINAS: Innovations in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Exposition is an annual event conducted by the Department of Science and Technology (DOST). This year, we are bringing HANDA Pilipinas around the country! Its first of three legs, HANDA PILIPINAS Luzon Leg 2023 will be conducted on July 27-29 at the World Trade Center, Pasay City, coinciding with the …

Read More »

Pops ‘di nagpatumpik-tumpik sa alok ng Viva

Pops Fernandez

I-FLEXni Jun Nardo SINUNGGABAN agad ni Pops Fernandez nang sabihin sa kanya ni Boss Vic del Rosario ang bagong show niya under Viva Studio at TV 5. Ito ‘yung show ni Pops na For The Love na narrator-host na siya, kakantahin pa niya ang featured OPM love song na tampok sa kuwento. Sa isang episode na pagbibidahan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo, ang kantang Kahit Kailan ang featured OPM song. Eh sa tanong …

Read More »

Escort ni Barbie sa GMA Gala Night inaabangan ng fans 

Jak Roberto  Barbie Forteza David Licauco

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING sa Kapuso Princess na si Barbie Forteza ang pahayag ng social media influencer na si Ivana Alawi na siya ang nicest GMA artist na nakatrabaho niya. “Kaya sobrang blessed kasi napakabait!” saad sa video ni Ivana. “Grabe naman ‘to. Maraming salamat @IvanaAlawi. So happy for all your success. Ingat kayo ni Mona.” Samantala, sa coming GMA Gala Night sa July 22, inaabangan kung sino ang magiging escort ni …

Read More »

Bea Alonzo panahon na para ikasal, career ‘di maaapektuhan

Bea Alonzo Dominic Roque Engage

HATAWANni Ed de Leon ENGAGED to be married na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Talagang panahon na nga siguro para isipin niyang lumagay na sa tahimik, after all malamig na rin naman ang career niya. Hindi na niya masasabing baka maapektuhan ng kanyang pag-aasawa ang kanyang popularidad.  In fact, ang kanyang pag-aasawa ay makatutulong pa nga sa kanya. Iyon nga lang, hindi …

Read More »

Lea Salonga hindi dapat ikompara kay Mocha

Lea Salonga

HATAWANni Ed de Leon DAHIL siguro sa wala na siyang political support ngayon at wala na ring insider stories sa gobyerno dahil wala na ang kanyang alagang si Mocha sa puwesto, entertainment naman ang binabanatan ng vlogger na si Banat By.  Noong isang gabi ay nakita namin ang kanyang vlog na nagsasabing mali raw ang katuwiran ni Lea Salonga, dahil sanay din naman siya …

Read More »

MTRCB hinikayat ang mga Filipinong mag-KLIK

MTRCB

INILUNSAD ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Responsableng Panonood (RP) kamakailan sa Trinoma Mall, Quezon City, bilang alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaguyod ang media and information literacy sa bansa. Sa talumpati ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, ang RP Campaign ay tugon ng Board sa patuloy na pagbabago at pag-unlad ng media landscape. Hinikayat niya ang bawat Filipino na isabuhay ang responsableng panonood at …

Read More »

Paghuhubad at pagpapaka-daring sa pelikula
YEN DURANO HANDANG IPAPANOOD SA AMA  

Yen Durano

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAPANG, walang kiyeme, palaban, may acting. Ito ang napanood naming bida sa pelikulang Litsoneras, si Yen Durano, anak ng aktor na si DJ Durano na gumaganap bilang si Elria Torres, nag-iisang anak nina Jamilla Obispo at Joko Diaz sa pelikulang pinamahalaan ni direk Roman Perez Jr.. First time naming napanood si Yen bagamat hindi ito ang una niyang pelikula dahil nakasama na siya sa Tag-Init ni direk Joey …

Read More »

Nang tumaba at tumimbang ng 251 lbs
ALFRED  SARILI  ‘DI NAKILALA TUMANDA PA

Alfred Vargas Tries, pwede!

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MATINDI pala ang pinagdaanan ni Alfred Vargas nang madagdagan ang timbang at talagang medyo lumihis sa dating nakasanayan natin sa kanya, iyong mayroong matipunong katawan. Isa nga siya sa matatawag na hunk actor noong aktibong-aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula. Sa Youtube channel ng konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City, ang Vargas Tries, pwede! inamin nitong bumaba ang kanyang …

Read More »

Yorme Isko sa tapatan ng Eat Bulaga at TVJ — Okey magkompetensiya ‘wag lang magsiraan

Isko Moreno TVJ Eat Bulaga

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Isko Moreno sa Updated with Nelson Canlas podcast na lumabas din noong Huwebes, tinanong siya ni Nelson Canlas kung nagpatay din ba siya ng cellphone o gadgets noong unang pagpasok niya sa noontime show na Eat Bulaga, na dating hinu-host nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Paolo …

Read More »

Lovi na-intimidate kay Carlo — Na-stress ako‘t nagka-anxiety

Carlo Aquino Lovi Poe Seasons

MA at PAni Rommel Placente MAITUTURING ni Lovi Poe na dream come true na makatrabaho si Carlo Aquino via Seasons, na kasalukuyang napapanood sa Netflix. Noon pa kasi ay pangarap niya nang makatrabaho ang aktor. Isa kasi si Carlo sa mga hinahangaan niya dahil sa husay sa pag-arte. Noong nakaka-eksena na ni Lovi si Carlo, ay na-intimidate siya. Kuwento niya, “It’s my first time to work …

Read More »

Benjamin nalulula sa preparasyong ginagawa sa kanilang kasal ni Chelsea

Benjamin Alves Chelsea Robato

RATED Rni Rommel Gonzales Sa January 28, 2024 na ang kasal nina Benjamin Alves at girlfriend niyang si Chelsea Robato. Excited na ba si Benjamain o ninenerbiyos? “Ako excited naman,” bulalas ni Benjamin. “Kapag napag-uusapan ‘yung mga schedule, mga kulay, doon ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.” Pero hands-on sila ni Chelsea …

Read More »

Christian muntik magtapat serye sa Dos at Siete

Christian Vasquez

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA si Christian Vasquez sa napakataas na rating ng Voltes V: Legacy. “Nakatutuwa kasi iyon ‘yung result ng group effort niyo eh, ‘yung ratings. So nakatutuwa, sobrang nakatutuwa,” pahayag sa amin ni Christian. Bongga ang career ni Christian dahil kasalukuyan siyang napapanood ng sabay sa dalawang teleserye, sa Voltes V: Legacy ng GMA-7 at sa The Iron Heart ng ABS-CBN. Gumaganap si Christian sa Voltes V: Legacy bilang Boazanian …

Read More »

Ashley boto kay Seth para kay Francine

Ashley Diaz Francine Diaz Seth Fedelin

ni Allan Sancon SPOTTED sa premiere night ng bagong horror movie ng Viva Films na Mary Cherry Chua ang Kapamilyaactress na si Francine Diaz para suportahan ang best friend na si Ashley Diaz na introduring at isa sa mga bida sa horror film na ito. Bago nagsimula ang Red Carpet ay nakausap ng ilang press sina Francine at Ashley tungkol sa kanilang pagiging magkaibigan. Personal na inimbitahan ni Ashley …

Read More »

Chavit marami pang BBQ Chicken na bubuksan sa Pilipinas

Chavit Singson BBQ Chicken

ni ALLAN SANCON SINUNDO kamakailan ng private plane ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson ang Korean Superstar na si Lee Seung Gi para sa meet and greet nito sa kanyang mga Pinoy fans.  Nitong nakaraang July 16, 2023 naman ay nagbukas ang ikalawang branch BBQ Chicken Restaurant ni Gov. Chavit sa Robinsons Magnolia na dinaluhan ng ilan niyang kaibigan katulad ni Quezon City Vice Mayor Gian  Sotto.  Mukhang …

Read More »

Ice Seguerra special guest sa concert ni Alanis

Ice Seguerra Alanis Morissette

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NA-EXCITE kami para kay direk Ice Seguerra dahil siya ang special guest sa concert ng Canadian-American singer and songwriter na si Alanis Morissette na magaganap sa August 1 at 2 sa Mall of Asia Arena, 8:00 p.m.. Sa pakikipagpalitan namin ng mensahe kay direk Ice, aminado itong sobra rin siyang na-excite na makasama sa Alanis 2023 concert dahil idolo niya ang …

Read More »

Mary Cherry Chua epektibo sa pananakot

Mary Cherry Chua

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAY babala ang pelikulang bagong handog ng Viva Films, ‘wag babanggitin ang pangalan niya kung ayaw mong sundan o dalawin ka niya. Kaya hindi namin alam kung paano isusulat ang titulo ng horror movie na talagang epektibong nakapanakot.  Sa totoo lang takot kaming sundan at magpakita si Mary Cherry Chua, ang horror film na idinirehe ni Roni Benaid na …

Read More »