Monday , October 2 2023
Eric Quizon Starkada Star Center Artist Management

Eric proud ‘daddy’ sa kanilang 31 Starkada 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI kaming nakitang may potensiyal sa ginawang paglulunsad ng Net25 sa 31 nilang talents para sa Star Center Artist Management na pamumunuan ng aktor/direktor na si Eric Quizon.

Nakita namin kung gaano ka-proud at protective si Eric sa kanilang mga alaga na animo’y mga anak niya.

Ginanap ang Star Kada: Net25 Star Center Grand Launch sa EVM Convention Center noong Biyernes, Sept. 15 at ipinakilala sa entertainment press ang 31 new talents na nagpakita ng galing sumayaw, kumanta, umarte, at mag-host. 

Magagaling ang 31 at masasabi naming epektibo ang ginawang intensive workshops at training.

Kaya naiintindihan namin kung bakit ganoon ka-proud si Eric sa kanilang homegrown artists na mula audition hanggang sa workshop ay personal niyang pinangasiwaan.

This show is a testament to their hard work, dedication, and the belief that anyone can achieve their dreams with the right training and support. What you will witness is not just a culminating show; it’s a celebration of their journey. What is more exciting, their family and friends will all be there to witness this celebration,” anang Net25’s Star Center Head.

Sinabi pa kay Eric na lahat ng 31 artists ay kinakikitaan niya ng potensiyal at depende na sa mga ito kung paano pangangalagaan ang kanilang craft at karera.

Kasi, let’s face it, merong mga iba na sumikat pero pinabayaan naman, ‘di ba?” sabi pa ng aktor.

May dalawa nang shows na nakakasa sa mga Star Center talents. Ang una ay ang STAR KADA: THE ROAD TO KADA 25, ani Eric ay, “a daily afternoon reality show that will highlight their journey to stardom. It will feature exclusive videos of their workshops, trainings, and challenges. The second show is KADA 25 – a musical, light drama series that will air in the first quarter of 2024.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …