Wednesday , November 12 2025
Moira Dela Torre Maria Clara Sangria

Jingle ng leading sangria brand ng bansa ginawa
MOIRA UNANG BRAND AMBASSADOR DIN NG MARIA CLARA SANGRIA

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI MOIRA DELA TORRE ay brand ambassador na ngayon ng Maria Clara Sangria. ang leading sangria brand sa Filipinas.

Ang mahusay na singer-songwriter na kilala sa kanyang heartfelt lyrics, ang may akda ng anthem na “Maria Clara,” isang full-length song na bagong jingle ng brand.

Ipinahiram din niya ang kanyang tinig upang magpakalat ng positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon. Sinasabi ng “Maria Clara” sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos.

Humanized ang leading brand sa pamamagitan ng “Maria Clara.” Dito makikita na isang steady companion ang produkto at isa rin itong mabuting kaibigan sa panahon ng pangangailangan.

Pahayag ng songwriter, “It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.”

Dagdag ni Moira, nais niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao, “It’s been a friend. It’s helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate.”

At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestones ng buhay nang walang alcohol, kasama ang Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.

Swak nga ang ginawang theme song ni Moira kasama ang Maria Clara Virgin sa tagline na “Everything will be alright.”

Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng “Maria Clara,” na isinulat ni Moira, habang umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.

Mapapakinggan ang “Maria Clara” ni Moira Dela Torre sa Spotify. Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.

Para sa karagdagang impormasyon sa Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin Sangria at para sa kapana-panabik na news updates kay Moira Dela Torre, sundan ang Maria Clara Sangria on Facebook, Instagram and TikTok sa @mariaclarasangria.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …