Michael Sager

Bagong young actor ng Sparkle ratsada sa GMA 

MATABIL
ni John Fontanilla

MASUWERTE ang isa sa bagong young actor ng Kapuso Network na si Michael Sager na nasa pangangalaga ng Sparkle at Cornerstone dahil kahit baguhan sa showbiz, sunod-sunod ang proyektong ginagawa sa GMA7.

Regular itong napapanood sa Eat Bulaga  Monday to Saturday bilang part ng Chaleko Boys na kinabibilangan din nina Kokoy De Santos at Yas MartaAbot Kamay ang Pangarap, Monday to Friday; at All Out Sunday tuwing linggo.

Bukod pa rito ang mall, TV guestings, at provincial shows kaya naman very thankful ito sa GMA 7, Sparkle, at sa TAPE Inc sa mga proyektong ibinibigay sa kanya.

At bago matapos ang taon ay may isang malaking proyekto itong gagawin na pagbibidahan niya na ayaw pang sabihin dahil baka maudlot. Ikukuwento na lang niya ang buong detalye kapag  sure na sure na.