Saturday , November 8 2025
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Pagsikat ni Male star naunsyami (nagmadali, nalinya pa sa mga gay role)

ni Ed de Leon

NANIWALA si Male Star na maaari siyang sumikat sa K-Pop  na uso naman ngayon, kaya pinag-aralan niya ang mga sayaw ng mga Koreano at may panahon pang nagpa-blond ng buhok. Pogi naman sana siya pero mali lang ang diskarte sa kanyang career, masyado kasi siyang nagmamadali. 

Nakapasok na nga siya sa isang mabuting kompanya. Hindi pa niya nahintay na bigyan siya ng break, sumama siya sa mga gay indies. Ngayon nalilinya na lang siya sa role ng mga bading. At para siya kumita ng malaki sumasabit din siya sa mayayamang bading.

Akala niya ok na ang buhay niya dahil may maganda na siyang kotse at marami na ring pera dahil sa mga bading na sinasamahan niya, pero hanggang saan siya tatagal? Nagkaka-edad na rin siya at nababakas na iyon sa kanyang hitsura. Hindi magtatagal pagsasawaan na rin siya ng mga bading. 

Bakit ba siya gagastusan kung may makukuhang mas pogi at mas bata kaysa kanya? At ano ang naabot niya sa kanyang career? 

Tutulungan pa kaya siya ng mga naunang tumulong sa kanya matapos niyang talikuran? Iyan ang masakit na katotohanan. Hindi malayong ang kasunod na mapuntahan niya ay mga gay bar na lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …

Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABILni John Fontanilla NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will …

Ysabel Ortega

Ysabel takot sa elevator, gustong gumanap na vampire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY trauma pala sa elevator si Ysabel Ortega. Ito ang nalaman naman …

Viva Movie Box

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo …

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …