Wednesday , February 4 2026

Entertainment

Liza, ayaw ng lalaking marumi ang kuko

PARTIKULAR pala si Liza Soberano sa lalaking malinis ang kuko and good thing daw dahil ang kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil bagamat hindi nagpapalinis sa salon ay neat ang kuko. Ito ang nakatutuwang kuwento ng magandang aktres sa amin sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Nails.Glow on their 6th year anniversary. Masayang masaya naman ang mag-asawang Ferdie at …

Read More »

Rufa Mae, okey na matapos magkapasa-pasa

MARAMI ang naalarma at nag-alalang kaibigan ni Rufa Mae Quinto sa mga ipinost niyang larawan sa Instagram na marami siyang pasa matapos maoperahan. Pero wala ng dapat ipag-alala ang mga concern dahil sa kasalukuyan ay okey na ang kanyang kalagayan. Two weeks ago ay naoperahan na s’ya for the second time around matapos magkaroon ng hematoma sa dibdib si Rufa …

Read More »

KathNiel, natatalo na nga ba ng AlDub?

“Tumambling po ‘yung career ko,” deklara ni Alden Richards sa popularity na tinatamasa ngayon ng AlDub. Dati ay feeling niya na nariyan lang siya at hindi nawawala ang career. Pero pagpasok niya sa Eat Bulaga at pumasok ang Aldub, talagang boom! zoom, zumoon talaga. Sa palagay  ba niya natalbugan na ng Aldub ang Kathnielnina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Uy …

Read More »

Mother Lily, napagsasama ang mga personalidad sa showbiz at politics

HALIGI ng industriya si Mother Lily Monteverde at isa siya sa personalidad na kayang pagsamahin ang mga tao sa showbiz at politics. Nakisaya sa  kanyang kaarawan sa Valencia Events Place sina Korina Sanchez, Sec. Mar Roxas,  Mayor Herbert Bautista, Cong. Dan Fernandez, Sen. Antonio Trillanes, ang Philippine Red Cross Chairman Dick Gordon. Dumalo rin sina Kuya Germs Moreno , Tita …

Read More »

Yaya Dub, pinagkakaguluhan kahit saang lugar

HINDI kami makapaniwala nang dumugin ng mga tagahanga si Yaya Dub (Maine Mendoza) nang magpunta sa Makinabang, Baliwag, Bulacan para sa Sugod Bahay ng EatBulaga. Halos magkapunit-punit ang damit ni Wally Bayola o Lola Nidora sa dami ng kumakamay ganoon din kay Jose Manalo na may dala pang hagdanan. Kasunod nila si Paulo Ballesteros. Masaya ang mga taga-Baliwag, sikat na …

Read More »

Pangalan ni Derek muling umingay dahil sa Star Cinema

SA muling pagbabalik ni Derek Ramsay sa Star Cinema, mapapansing muling umingay ang kanyang pangalan. Sa TV5 kasi’y hindi gaanong matandaan ang ginawa n’yang proyekto kahit sabihing triple ang bayad doon. Tipong pang ABS-CBN kasi si Derek dahil doon nagsimula sa pagganap sa madudulang drama. Mabuti at gumawa muli roon kasi baka makalimutan na s’ya ng Fans. Ibang exposure talaga …

Read More »

Sen. Grace, hands-on mom

Sa kabilang banda, hindi naiwasang matanong ang Reyna tungkol kay Senator Grace Poe at natanong ito sa kung ano ang masasabi sa young politicians? “I admire them for their honesty. Kasi kung ano ang nasa loob nila ay sinasabi. Alam mo ang mga bata ay katulad din namin, hindi namin tine-treat na mga bata. Nagda-dialogue kami at magbibigay sila ng …

Read More »

Susan, laging nakasuporta kina Julia at Coco

MAS maagang dumating si Ms Susan Roces kaysa cast ng Doble Kara sa ginanap na press preview ng pinakabagong panghapong serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Julia Montes. ‘Di man kasama sa nasabing panoorin ay naroon ito dahil magkasama sila ni Julia sa grupo ni Deo Endrinal at para na rin silang iisang pamilya. Aniya, “Magkasama kami nina Julia at …

Read More »

Kargada ni Alex Castro, sinunggaban ng beki

BAGAMAT si Daniel Matsunaga ang cover boy ng Cosmopolitan para sa Bachelors ng 2015 ay mas malakas ang tilian at palakpakan kay JC De Vera sa naganap na Cosmopolitan Carnival 2015. Marami ang nagtilam-tilam kay JC. Pinakaplakado ang pagtanggap sa kanya ng mga utaw kompara noong 2013 na rumampa siya at kaaalis lang sa TV5. Nakabawi na talaga si JC …

Read More »

Elmo, hilaw pa sa pagpapakita ng katawan

Havey din  ang GMA artist talent na si Derrick Monasterio. Talagang pinaghandaan niya ang event na ito dahil maganda ang katawan niya. Effective din ang lollipop na dinila-dilaan niya na hinugot sa briefs niya at ibinigay sa audience. Tawanan dahil dinilaan din ng bading ang nasabing lollipop. Kinagat ng tao ang pasabog niya. Sumuporta at nanood din si Bea Binene …

Read More »

Vice Ganda, kabogera pa rin sa mga award at achievement

NADAGDAGAN na naman ang achievement ni Vice Ganda. Not one, not two, not three but four  awards from Eduk Circle Awards ang nakuha niya recently. Vice Ganda  excitedly posted a photo right after the awarding with this caption, ”Just came from The EdukCircle Awards held in UP Diliman. Bagged 4 Major Awards including Most Influential Concert Performer of the Year, …

Read More »

Episode ng pagkikita nina Yaya Dub at Alden sa Eat Bulaga humamig ng mataas na rating at mahigit 5M tweets (Mga naninira at tumatawag ng baduy inggit lang)

EXPECTED na ng Eat Bulaga at ng APT Entertainment ang mga maglalabasang paninira laban sa itinuturing ngayong phenomenal love team na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub na napapanood tuwing tanghali sa No.1 #KalyeSerye sa Eat Bulaga kasama sina Lola Nidora (Wally), Jose at Paolo Ballesteros sa iba’t ibang karakter. Siyempre dati Dubsmash Queen lang ang …

Read More »

AJ, tanggap na ‘di sila meant-to-be ni Nadine

KILIG mini-series! Ito na nga ang nangyayari sa Wattpad Presents… ng TV5. Kaya nga lahat ng palabas na istorya sa serye eh, hindi nawawalan ng followers. Nagsimula ng August 31 ang susubaybayan this week naBebeng Pabebe Meets Super Jiro na susubok naman sa teamup nina Ella Cruz at AJ Muhlach. Natanong namin ang unang nakapanayam namin nang ilunsad siya as …

Read More »

Coleen, pinaratangang promo ang pagsakay sa MRT

SUMAKAY sa public transportation si Coleen Garcia para hindi siya mahuli sa kanyang appointment, nag-MRT siya. Of course, she posted it on her social media account. Kasama niya sa picture ang ilang commuters ng MRT. Not surprisingly, may nam-bash kay Coleen who said that it was promo lang ng movie nila ni Derek Ramsay, ang Ex With Benefits na still …

Read More »

Vice, gusto lang mag-share ng blessings

VICE GANDA admitted na hindi lang pera niya ang ipinamimigay sa Good Vibes segment ng It’s Showtime. Sa PEP interview niya, the standup comedian said na”bukod sa nakakapagpasaya ka ng tao, nakatutulong ka rin.” “Kasi mas blessed ako ngayon. Dahil mas blessed ako, mas malaki ‘yung chance na makapag-share ng blessings ko. Siyempre, ‘pag walang-wala ka naman, anong isi-share mo? …

Read More »

Liza Soberano, lalong dumarami ang endorsements

GAMIT ang kanyang candle-shaped fingers with polished nails ay binilang ni Liza Soberano ang kanyang commercial endorsements to date: 13 na raw. Ang latest sa mga ito ay ang pag-eendoso sa Nails.Glow, a holistic spa and salon sa ilalim ng kompanyang NDG. Liza bested other celebrities her age na siyang kinalabasan ng isinagawang research by a team commissioned by the …

Read More »

Alden at Yaya Dub, ‘di raw imposibleng magka-inlaban

MISMONG sa bibig na rin ni Joey de Leon nanggaling—sa aming kaswal na tsikahan during a break in Startalk—na posibleng magkainlaban daw sina Alden Richards atMaine Mendoza, o higit na kilala bilang Yaya Dub, sa totoong buhay. “Hindi ako magtataka kung sa pagkikita na nila ng personal, eh, may mamuong relasyon sa kanila,” ani Tito Joey patungkol sa phenomenal na …

Read More »

Denise, ‘di pa kuntento sa naaabot ng career

  “PARANG hindi ko maiwan-iwan ang ‘Pinas tingin ko, it’s the challenge of it kasi eversince noong bata ako, ina-assume ng mga tao porke’t Laurel (famous clan) ako, hindi ko pinagtatrabahuan ang lahat, akala nila de subo lahat, hindi nila alam extra ako nang mag-start ako, taxi, jeep lahat. “Eight years old ako, naglalakad ako from Edsa (Mandaluyong) to AFP …

Read More »

Mon Confiado, muling nagpakita ng galing sa Heneral Luna

TRAILER pa lang ng pelikulang Heneral Luna na tampok si John Arcilla ay siniguro ko na agad na mapapanood ko ito. Nagandahan kasi ako kahit teaser pa lang at sa palagay ko’y maituturing itong isang obra ni Direk Jerrold Tarog. Bukod sa galing ng bida ritong si John bilang si Heneral Luna, isa pa sa hinahangaan kong aktor na mapapanood …

Read More »

Pagkakaisa ng mga Filipino at pagbawi sa Sabah, Ipinanawagan

IPINANAWAGAN ng grupong nagpakilalang King and Queen of Royal Imperial Kingdom ng Lupah Sug at North Borneo ang pagkakaisa ng bawat Filipino at ang pagbawi ng Pilipinas sa Sabah. Ito ang ipinahayag ng mag-asawang umanoy tunay na nagmamay-ari sa isla ng Sabah, sina His Excellency, The Sultan of Sulu and North Borneo, King Mohammad Ghamar Mamay Hasan Abdurajak at Her …

Read More »

Pagiging mabait at gentleman ni Ejay, hinangaan ni Alex

TANGGAP ng viewers ang tambalang Alex Gonzaga at Ejay Falcon dahil ang pilot episode ng Wansapanataym na I Heart Kuryente Kid ay nakakuha kaagad ng 33.4%, o mahigit 13 puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Ismol Family (20%). Napanood din namin ang pilot episode at tamang timpla naman ang tambalan ng dalawa na …

Read More »