Wednesday , December 25 2024

Bulabugin

Prudential Guarantee Assurance, Inc., pinasasagot ng Insurance Commission

Isang kabulabog natin ang naghihintay hanggang ngayon ng sagot ng Prudential Guarantee & Assurance Inc. Katunayan, sinulatan na ng Insurance Commission ang nasabing insurance company kaugnay ng nangyari sa kanyang sasakyan pero hanggang ngayon hindi pa rin sila sumasagot. Mr. ANTON G. SY President & CEO PRUDENTIAL GUARANTEE AND ASSURANCE, INC. Coyiuto House, 119 C. Palanca Jr. Street Legaspi Village, …

Read More »

Solido Pala-oñe-s wagi sa plebisito

BIGO ang kahidhiran sa kapangyarihan ng mga makukuwarta o sabihin na nating milyonaryong politiko para hatiin at paglaruan ang mga solidong Palaweños. Kaya naman bilib at saludo tayo sa Palaweños nang ilampaso nila sa botong 172,304 kontra 122,223 ang pagnanais ng ilang politiko na hatiin ang lalawigan ng Palawan upang pagpiyestahan ang mga distrito nito para katawanin sa Mababang Kapulungan. …

Read More »

Hawaan ng Covid-19 pinangambahan sa NAIA terminal 3 (Nagpositibong staff inilihim)

HINDI nakapagtatakang balot ng takot ngayon ang Immigration Officers na nakatalag sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos sumabog ang isang isyu sa kalusugan na inilihim sa kanilang lahat. Ang kuwento, isang administrative staff umano ng Bureau of Immigration Port Operations Division (BI-POD) ang naging positive sa CoVid-19 nitong nakaraang Linggo lang. Bagamat pangkaraniwan sa ngayon ang …

Read More »

Mataas na bilang ng Covid-19 infected sa Pasay isinisi sa KTV resto/bars

MARAMI ang nanghihinayang sa halos 12-buwang sakripisyo ng maraming mamamayang Filipino na halos naghilahod sa hirap para makaraos sa panahon ng ‘lockdown’ — ang solusyon ng pamahalaang Duterte sa paglaban sa CoVid-19 na nanalasa sa buong mundo. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakararaos ang mga mamamayan o pami-pamilyang nawalan ng trabaho. Nanghinayang dahil hindi pa man sumasapit ang ika-12 buwan, …

Read More »

Doble-ingat laban sa Covid

IBAYONG pag-iingat ang masidhing panawagan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa lahat ng empleyado ng ahensiya bunsod ng tumataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 sa bansa. Ang naturang kautusan ay binigyang diin lalo sa mga mababang empleyado upang ipagpatuloy nila ang mahigpit na pagsunod sa tamang paraan at makaiwas sa nakababahalang paglago ng bilang ng tinatamaan …

Read More »

Scammer alyas Messy ratsada sa panggagantso

Law money court woman girl lady

KAHIT panahon ng pandemya, hindi tumitigil sa panggagantso ang isang alyas Messy na nag-aanyong isang mahusay na negosyante. Si alyas Messy ay puwede nang ilagay sa ‘Guinness World Records’ dahil sa kahusayan niyang magpanggap na isang mahusay na businesswoman pero sa likod pala nito ay may maitim na layuning makapanggoyo ng mga taong masikhay na nagtatrabaho para kumita nang parehas. …

Read More »

Stop the killing not the kissing!

GUSTO ba ng Philippine National Police (PNP) na lagi silang laman ng balita ng mga pahayagan, TV network, radio, o online live?! Parang uhaw na uhaw sa publicity ang PNP, kaya kahit mga negatibong bagay ay kanilang iniuugnay sa kanilang imahen para mapag-usapan lang. Gaya nitong isyung ‘pagbabawal’ umano ng public displays of affection (PDA), ang holding hands ng magkarelasyon, …

Read More »

Sa isyu ng P10K Ayuda Bill, Kamara ano na?

Covid-19 Kamara Congress Money

HANGGANG ngayon hindi pa kumikilos ang liderato ng Kamara upang aksiyonan ang Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program o P10k Ayuda Bill na magbibigay ng kahit kaunting kagaanan sa ating mga kababayan na patuloy na dumaranas ng kahirapan dahil sa pandemyang CoVid-19. Nitong 1 Pebrero 2021 pa inihain sa Kamara ng Alyansang Balik sa Tamang Serbisyo na pinangungunahan ni dating Speaker …

Read More »

DoLE nganga Bello bolero (Sa 4.5 milyong Filipino jobless sa 2020, highest sa 15 taon)

NAG-UUMPISA pa lang ang resesyon o ang pag-urong ng sirkulo ng negosyo sa bansa matapos ang mahabang ‘lockdown’ na ginawa ng gobyerno. Siyempre kung mahaba ang naging lockdown, maraming negosyo ang nahinto at ang unang tinamaan ng domino effect nito ay ang batayang sektor sa lipunan. Sila ‘yung mga sektor na umaasa sa kanilang araw-araw na pagtatrabaho para may maipantustos …

Read More »

NBI clearance tinanggal sa rekesitos para sa LTOPF

Gun NBI License to Own and Possess Firearm LTOPF

HINDI natin maintindihan kung saan nanggagaling ang ‘super power’ ni Chief PNP, Gen. Debold Sinas para tahasang ‘bastusin’ ang kapangyarihan ng Kongreso. Mantakin ba naman ninyong gumawa ng resolusyon para amyendahan umano ang Section 4 ng 2018 Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). Ang kanyang resolusyon ay simpleng-simple lang naman …

Read More »

Pagpili ng bise presidente malakas na rin ang higing

PUMUTOK ang bulong-bulungan – si Joel Villanueva daw for Vice President?  Ang nakatatawa rito, parang ngayon lang nabigyan ng halaga ang usaping pagka-bise presidente e ang layo pa ng eleksiyon. ‘Yung kung sino ang puwedeng maging epektibong bise presidente gayong matagal pa ang halalan? Lagi na lang, kapag ang VP ang topic puro kontrobersiya.   Kaya sige nga, pag-usapan natin ‘to, …

Read More »

Ms. Universal, Titan KTV bars sa Pasay todo rampa na (Paging IATF)

Club bar Prosti GRO

ISA ang Pasay City sa nahaharap ngayon sa paghihigpit sa seguridad at kalusugan ng mga tao dahil sa kanila natagpuan ang bagong South African variant ng CoVid-19. Sa katunayan, mayroon nang ilang aksiyon na isailalim sa swab test ang mga nakasalamuha ng tatlong nagpositibo sa South African variant ng Covid-19 sa Pasay City. Ayon sa Public Information Office (PIO) lahat …

Read More »

Enjoyable vacation kay Roque, ‘gutom’ at distressful lockdown sa mamamayan (Pandemya ng CoVid-19)

KAKAIBANG  nilalang talaga itong si Harry Roque. Para sa kanya, ang halos isang taong pagkakakulong sa loob ng bahay — ay isang ‘bakasyon.’ Kaya naman napilitan ang Presidential spokesperson na si Roque na ilantad ang kanyang ‘stone’ para lubos na makita ang mga kasabay niya. Inulan ng batikos ang pahayag ni Roque na isang taon nang ‘nakabakasyon’ ang mga Pinoy …

Read More »

PH Amba to Brazil na sinibak ni Duterte maging aral sana sa lahat ng ‘sugo’ lalo sa Middle East countries

SANA’Y maging aral sa lahat ng mga itinalagang sugo, kinatawan, o ambassador ng Filipinas sa ibang bansa lalo sa mga nakatalaga sa Middle East countries ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro bunsod ng pambubugbog sa kanyang kasambahay. Isa ito sa mga tampok na inihayag ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng …

Read More »

Endorsement visa sa DFA iimbestigahan rin ba ni Sen. Risa Hontiveros?

SA KABILA ng mga batikos na lumalabas sa social and print media tungkol sa pagluwag ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) sa pagbibigay ng kanilang endorsements sa sandamakmak na Chinese nationals upang makapasok sa bansa, mukhang tuloy-tuloy pa rin sa kanilang ‘nadiskubreng’ raket ang DFA-OCA. Kabi-kabila ang mga Chinese nationals na nagre-request ng sponsorship  na …

Read More »

17 Chinese nationals ‘hinarang’ sa NAIA

HINDI pinayagang pumasok sa bansa ang 17 Chinese nationals na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos pagdudahan ng BI Travel Control Enforcement Unit (TTCEU) ang kanilang pakay sa pagpasok sa bansa. Sakay ng Pan Pacific Airlines mula sa Zengzhou, China ang 16  Chinese national kung. Nakalagay sa kanilang dokumento na sila ay ‘sponsored’ ng isang telecommunications company …

Read More »

VP Leni mas may sariwang mandato kaysa mga nagpaparinig na tatakbong VP

MAY mga nagtatanong kung bakit hiwalay daw tayong bumoboto ng taong uupo bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo. Kung iisipin nga naman, pipili ka ng bise presidente na siguradong magtutuloy ng anumang sinimulan ng kaniyang presidente. Ito ang prinsipyo sa likod ng tandem voting sa Amerika — kung mamatay o mag-resign ang isang democratic president, natural lang na isang democratic VP …

Read More »

Epal ng Coast guard sa NAIA sinupalpal

KAMAKAILAN lang ay nagreklamo ang Bureau of Customs (BoC) sa NAIA tungkol sa panghihimasok ng ilang Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa kanilang trabaho. Isang PO2 Fiesta ang inireklamo dahil sa panghihimasok sa trabaho ng BoC. Dahil diyan ay mismong si Customs NAIA Deputy Collector Atty. Lourdes Mangaoang ang nagreklamo kay PCG Commanding General Admiral George Ursabia tungkol sa inasal …

Read More »

‘Endorsement racket’ sa DFA nabuking na!

PUMUTOK na nga ang talamak na pag-eendoso sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Chinese nationals na gusto makapasok sa ating bansa. Bulto-bulto na raw kung dumating ang endorsements ng DFA sa mga tsekwa na kung idaraan sa assessment and profiling sa airport ay kitang-kita na hindi legit investors or businessmen. Empleyado ng POGO, malamang. Hindi raw makaimik kahit …

Read More »

PH wala pang bakuna pero may nakapagpaturok nang gov’t official/s (Illegal vaccine ba ito?)

KINOMPIRMA ng kolumnista at dating sugo ng Filipinas sa China na si Ramon Tulfo na may nakapagpabakunang opisyal ng gobyerno kahit wala pang inaaprobahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa CoVid-19. Mabigat ang rebelasyon ni Special Envoy to China Mon Tulfo sa kanyang mga kolum sa Manila Times noong 20 Pebrero 2021. Mantakin nga naman ninyong, ang …

Read More »

Imbestigahan ang mga kasabwat ni Vivian Kumar

SA GANANG ATIN, tila malalim ang pinaghuhugutan ng nangyaring operasyon ng NBI sa mismong BI Main office. Hindi natin alam kung bago ang naturang operasyon ay nakipag-coordinate muna ang NBI sa opisina ni Commissioner Morente tungkol sa magaganap na entrapment. Kung hindi, tila ‘sampal’ ito sa mga opisyal ng BI dahil hinayaan na lang nila pasukin ang kanilang opisina nang …

Read More »

NBI entrapment sa loob ng BI legal officer office

NITONG isang linggo, nayanig ang Bureau of Immigration (BI) employees sa isang entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang law firm’s lason ‘este’ liaison officer sa 4th floor ng Legal Division ng BI-Main Office. Ayon sa nakalap nating impormasyon, si Vivian Lara na mas kilala sa Bureau bilang si Vivian Kumar (kamaganak kaya ni James Kumar?), …

Read More »

‘Checkpoint’ sa Tanay may koordinasyon kaya sa IATF?

NAGULAT ang ilang riders at motorista sa isang checkpoint sa Tanay, Rizal sa bahagi ng Barangay Sampaloc. Ito ‘yung lugar pag-ahon mula sa Morong at pagkatapos ay biglang haharangin para hingan ng medical certificate. Nagulat ang mga motorista dahil walang announcement kaugnay ng nasabing rekesitos ng local government ng Tanay. Ayon sa isang nasitang rider, regular nilang daanan iyon patungo …

Read More »

Bakuna kailan kaya darating? (PH gov’t ‘paasa’ sa publiko)

KAPAG pinag-uusapan ang bakuna, parang bigla nating naririnig ang kanta ni Rey Valera — malayo pa ang umaga. Ang daming kahanga-hangang katangian ng mga Filipino. Marami sa ating mga kababayan ay pamoso sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Pero sa pananalasa ng pandemic dulot ng CoVid-19, nakalulungkot sabihin na kabilang ang Filipinas sa mga kulelat sa pagtugon sa pandemya. …

Read More »

Up for grab item ng BI-POD chief

UP for grabs na naman ang plantilla item ng hepe ng Port Operations Division (POD) na noong isang linggo ay naka-post sa BI website. Talagang napaka-elusive ng naturang item at parang isang ‘makinang na diamanteng’ naghihintay sa mapalad na magmamay-ari. Mula pa noong inilunsad ang dibisyon ng POD ay wala pang masuwerteng nakasungkit sa item na ito. Para itong… bikining …

Read More »