Wednesday , December 25 2024

Bulabugin

LTFRB & LTO chiefs Delgra & Galvante dapat manguna sa lifestyle check

LTO LTFRB

DAHIL nagsusulong ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng imbestigasyon laban sa korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, heto na, umasta na rin ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sila ay sumusunod sa atas. Mantakin ninyong naglabas ng memorandum na isasailalim umano sa lifestyle check ang mga empleyado ng LTO at LTFRB?! …

Read More »

Delicadeza ni Duque wala na yatang mapaglagyan?!

NGAYON natin napagtanto kung bakit ang kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque III ay paboritong mabigyan ng puwesto sa gobyerno. Dati nang Health Secretary sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, naging Chairman ng Civil Service Commission, naging opisyal ng PhilHealth at ngayon ay Health Secretary na naman. Pero sa pagbubunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, masyadong maraming conflict of interests ang …

Read More »

Kolorum UV express van sa Bacoor

SUMAKAY ako sa Bacoor, ang biyahe ay Paliparan – Lawton pero ang karatula niya Lawton lang po. Dapat ang pasahe ay P55 lang pero sumisingil siya ng P70, kahit students at senior citizen walang discount dahil Express ang daan niya. Ang masama rito ginagamit niya ang tarpaulin ni Pres. Duterte at Sen. Bong Go. Buong van n’ya may tarpaulin pictures …

Read More »

Solon exempted pala sa bomb joke pero kapag ordinaryong mamamayan kulong agad sabay sampa ng asunto

KAPAG mambabatas lusot sa butas ng batas pero kapag ordinaryong mamamayan swak agad sa hoyo at may haharapin pang asunto. Ganyan natin mailalarawan ang tila special treatment ng PNP Aviation Police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) domestic terminal 2 kay APEC Party-List congressman Sergio Dagooc nitong nakaraang Huwebes ng hapon nang siya ay humirit ng “bomb joke” kaugnay ng …

Read More »

Si “Attorney 5k” sa BI main office

MARAMI na raw naiimbyerna sa estilo ng isang lady liar ‘este’ lawyer diyan sa Bureau of Immigration (BI) Main office. Hindi naman daw dating ganyan si Madam Attorney dahil kilala siyang ma-pera-sipyo ‘este’ maprinsipyo. Pero bakit mula nang mapalipat daw sa BI Main office ay tila nagbago na ang pananaw. Sa kanyang dating destino umano ay nasanay siya sa simpleng …

Read More »

Intramuros dapat na talagang sampolan ni Mayor Isko

Magandang araw Sir Jerry, Nagtataka po kami kasi maraming lugar sa Maynila ang napaluwag na ang trapiko at naalis na ang hambalang sa kalsada, pero mayroon pang natitira sa Maynila. At ‘yan ang Intramuros Area. Kung magagawi si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahit sa Magallanes Drive diyan sa Intramuros, makikita ang mga sasakyan na hindi lang naka-double park, may …

Read More »

PCSO tuluyan nang ipinatigil ni Pangulong Digong (Matigil na rin kaya ang jueteng?)

TULUYAN nang napundi si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang sulsol at sumbong na sa kanya’y ipinararating kaugnay ng operasyon ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO). Siyempre lahat ng mga nakabukas na gripo na nakadugtong sa ‘bituka’ ng PCSO ay may kani-kaniyang interes sa operasyon nito… Kaya kani-kaniya rin silang sumbong kay Pangulong Digong. At doon sila nagkamali. Kasi …

Read More »

Issuance ng visa ng DFA sa Chinese mainlanders paimbestigahan din

NITONG nakaraang linggo ay ipinag-utos ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagpapaimbestiga sa kalakaran ng escort service ng ilang personalidad sa BI-NAIA. Partikular dito ay mga nag-e-escort sa mga Chinese national na patuloy na dumaragsa sa bansa. Inatasan ng Director ang National Bureau of Investigation (NBI) na pangunahan ang imbestigasyon at pagmamanman sa sinasabing escorting at kung sino-sino …

Read More »

LTFRB & LTO chiefs panahon na para palitan sa puwesto

LTO LTFRB

HINDI lang minsan kundi laging ipinahihiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang administrasyong Duterte dahil sa mga kapalpakang paulit-ulit. Ipinagmamalaki ni LTFRB chief, Atty. Martin Delgra III na siya ay nasa ahensiya dahil isa siya mga trusted men ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung pinahahalagahan niya ang ipinamamarali niyang trusted man siya ni …

Read More »

MMDA traffic enforcer sa Roxas Blvd., Southbound, Baclaran area sumisistema sa motorista

MMDA

NAIS nating tawagin ang pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa traffic enforcer na si Marvic Garcia, diyan sa Roxas Blvd., southbound, Bacla­ran area. Ang ‘sistema’ ni Garcia paparahin ang motorista. E ‘di siyempre titigil. Hindi niya lalapitan. Natural kapag hindi siya lumapit, aandar na ulit ang motorista. Doon na niya hahabulin ang motorista. Saka babasahan ng sandamakmak na …

Read More »

Kinapos ba si Ora Pro Nobis & Kapit Sa Patalim actor Philip “Ipe” Salvador? O lumampas sa kasisipsip kay Pangulong Digong?

KUNG ang ‘batayan ng pagkakaibigan’ ay hindi naipundar sa mahabang proseso ng pagkilala sa isa’t isa, asahan na lagi’t laging ipangangahas na ipangsanggalan ang ipinamamaraling ‘katapatan’ kahit sa saliwang paraan. Ganito ang nakikita nating ‘sistema’ ng pakikipagkaibigan ng aktor na si Philip “Ipe” Salvador kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kulturang Filipino, ang paghahangad ng kamatayan ng isang tao ay isang …

Read More »

Renovation ng Kalibo International Airport pinagkakakitaan ba!? (Attention: DOTr Sec. Tugade)

Tugade CAAP DOTr KIA Kalibo International Airport

AYON sa ating nakalap na report, umabot pala sa kabuuang P400 milyon ang konstruksiyon para sa rehabilitasyon ng Kalibo International Airport (KIA) mula nang ipagawa ang extension nito. Mula pa noong nakaraang administrasyon na minana ng kasalukuyan ay tila walang nakikitang improvements sa naturang paliparan. Considering na 3rd busiest airport sa Filipinas ang KIA dahil libo-libong turista ang dumarating araw-araw, pero …

Read More »

One day processing ng business permits sa one-stop shop ni Yorme, Iskorek talaga!

ISKOREK! ‘Yan lang ang masasabi natin sa paglulunsad ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng Bagong Maynila Business One-Stop Shop (BOSS) para sa pagkuha o renewal ng business permits and licenses. Pangunahing layunin nito na wakasan ang ‘red tape’ at bawasan ang araw ng pagpoproseso mula sa isang linggo hanggang maging isang araw. Marami ang lalong matutuwa kay Yorme …

Read More »

Ayaw magpaawat ni Erap, fighting spirit ibang level

Erap Estrada Manila

IBANG level rin ang fighting spirit ni ex-Manila Mayor Erap Estrada. Nagpaplano pa raw tumakbo ulit dahil naaawa sa mga vendor na ‘winalis’ umano ng bagong administrasyon. Aba, kailan lang ‘e nag-graceful exit na ‘di ba? Doon pa ginanap sa Sofitel?! E bakit ngayon nagbabalak na namang magbalik?! Hindi pa natin nalilimutan ang daing ng mga vendor noon: “Sa dami …

Read More »

Alinsunod sa plano ni Pangulong Duterte: Pundasyon ng maginhawang buhay para sa lahat ng Filipino target sa 15 buwan ni Cayetano

Rodrigo Duterte Alan Peter Cayetano

NGAYONG naayos na ang gusot sa speakership ng Camara de (los) Representantes, inilatag ni Taguig-Pateros congressman Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na kanyang isusulong na maipasa sa kanyang 15-buwan termino bilang unang Speaker ng 18th Congress.  Bago pa man naayos ang isyu  ng Speakership sa kanila ni Congressman Lord Allan Jay Velasco at magsimulang magtrabaho ang darating na Kongreso, …

Read More »

Boracay lumutang sa baha sa rehabilitasyong hindi matapos-tapos (Paging DPWH Sec. Mark Villar & DOT Secretary Berna Puyat)

HINDI pa raw tapos ang rehabilitasyon na ginagawa sa Boracay kaya hindi nakapagtatakang lumutang ito sa baha. ‘Yan ang rason ng mga hindi apektadong ‘spectator’ sa naganap na pagbaha sa isla ng Boracay sa kasagsagan ng bagyong Falcon. Pero sabi ng mga apektadong residente sa Barangay Balabag, ang pagbaha sa kanilang lugar na hindi nila nararanasan noong hindi pa sumasailalim …

Read More »

Hindi nagtatago, hindi kuripot at hindi paasa si Pasay City Konsi Donna Vendivel

BILIB tayo kay Pasay City Konsehal Donna Vendivel. Ang mga lumalapit sa kanyang mga cons­tituent ay hindi kailangan umasa at magmuk­hang timawa dahil hindi siya politikong paasa. Hindi gaya ng isang mataas na opisyal diyan sa Pasay na parang orocan sa kaplastikan. Napakainam sa harapan pero kapag naka­talikod na, nakupo, umaarangkada ang katoto­hanan. Lahat ng ipinangako noong nakaraang eleksiyon ay …

Read More »

Alan Peter Cayetano pinili ng mga Filipino bilang susunod na House Speaker ayon sa Pulse Asia

NANG iendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Speaker ng Camara de los Representantes, lumalabas na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano rin pala ang pili ng nakararaming Filipino para sa posisyon. Lumalabas sa mga survey ng Pulse Asia noong 23-27 Marso at 24-30 Hunyo, nakuha ni Cayetano ang nasa kalahati ng mga boto sa kanilang mga poll na …

Read More »

Hoy moderate your greed! Bilyong pondo sa SEA Games sinasabotahe na naman?!

TALAGANG hindi papipigil ang grupo ni Peping Cojuangco na ngayon ay kasama pa ang dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Popoy Juico, hangga’t hindi napapasakamay nila ang bilyong-bilyong pondo para sa 30thSoutheast Asian  (SEA) Games na gaganapin sa ating bansa sa darating na Nobyembre.  Pinalalabas ng kampo ng dalawang ‘culprit’  ngayon na binawi raw ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

‘Crime’ ‘este Primewater ‘lason’ ‘daw’ ang isinusuplay sa tubig sa Guagua, Pampanga

KAWAWA naman ang mga tao sa Guagua, Pampanga. Hindi pa man lubusang nakababangon sa ‘delubyo’ ng lindol, lahar at baha noong 1990 at 1991, heto’t parang ‘tubig’ na naman ang magiging sanhi ng ‘pagkaputi’ ng buhay ng mga tao roon. Bakit ‘kan’yo? Aba, mismong ang Commission On Audit (COA) ang nagsabing, ang isinusuplay na tubig ng ‘crime’ ‘este Primewater Infrastructure …

Read More »

Ang walang katapusang renovation ng Kalibo International Airport

Tugade CAAP DOTr KIA Kalibo International Airport

MATAPOS daw magpalit ng bagong con­tractor ay balik na naman sa ‘pagkatengga’ ang kons­­truksiyon at renovation ng Kalibo Inter­national Airport. Panigurado raw na hindi kakayaning matapos sa katapusan ng taon ang konstruksiyon nito at hindi malayo na sa 2020 pa magkakaroon ng kaluwagan sa mga pasahero! Susmaryosep! Ubod nang liit na airport pero hindi matapos-tapos?! Dati na raw na-terminate ang …

Read More »

‘Walwalan’ sa Intramuros dapat na rin sampolan ni Mayor Isko Moreno

ISA pang dapat linisin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang namamayagpag na ‘walwalan’ sa Intramuros. Malamang na hindi pa ito naipararating o wala pang nagkakalakas ng loob na iparating kay Mayor Isko. Maliban kung talagang ingat na ingat silang huwag itong makaabot sa kaalaman ni Mayor Isko. Matagal na po nating pinupuna ang ‘walwalan’ na ‘yan na hindi …

Read More »

15/21 sa House Speakership Solomonic decision

ALL’S well that ends well. Pagkatapos nang halos dalawang buwang gitgitan sa ‘estribo’ ng Speakership sa Kamara, diniinan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘silinyador’ ng kanyang desisyon para arestohin ang namumuong ‘bangayan’ sa dalawang pinakamalapit sa puwesto — kina Taguig congressman Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco. Isang Solomonic decision ang ginawa ng Pangulo para …

Read More »

POGO workers nagbabayad na ng P2-B withholding taxes monthly

bagman money

ISA pang maituturing na tagumpay ng Duterte administration ang pinakahuling pakikipag­pulong ni Finance Secretary Cesar Dominguez sa mga operator ng offshore gaming. Sabi nga, parang naka-jackpot daw ang pamahalaan dahil nagkasundo ang dalawang panig na magbayad ng P2 bilyon kada buwan para sa withholding tax ng Chinese workers na nagpupunta sa bansa para magtrabaho sa Philippine offshore gaming operators o …

Read More »

May naitutulong ba si LTFRB chief Martin Delgra kay Pangulong Rodrigo Duterte?

SIMULA yata nang maupo si Atty. Martin Delgra sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) wala tayong nabalitaang magandang bagay na nagawa para sa mga motorista. Wala tayong natatandaang mahusay na kontribusyon niya sa administrasyong Duterte. Isa lang ang napansin nating pagbabago sa LTFRB, tumaba si LTFRB chief. Noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte, isa sa mga una niyang …

Read More »