Thursday , July 7 2022

Intramuros dapat na talagang sampolan ni Mayor Isko

Magandang araw Sir Jerry,

Nagtataka po kami kasi maraming lugar sa Maynila ang napaluwag na ang trapiko at naalis na ang hambalang sa kalsada, pero mayroon pang natitira sa Maynila.

At ‘yan ang Intramuros Area.

Kung magagawi si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahit sa Magallanes Drive diyan sa Intramuros, makikita ang mga sasakyan na hindi lang naka-double park, may triple parking pa.

Pero ang matindi rito ginagamit din ng isang Chairman Gonzales ang program ni Mayor Isko para gipitin ang maliliit na pedicab driver.

Pinaalis kunwari pero sa totoo lang naghihintay ng dagdag na ganansiya.

Sa totoo lang po, maraming dapat linisin sa Intramuros at palagay namin ay panahon na upang seryosohin ito.

Gaya ng ‘walwalan’ diyan sa P. Burgos Drive, na malapit na malapit sa malalaking eskuwelahan o unibersidad sa Muralla St.

Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ‘yan.

Mayor Isko, nanawagan kami na gamitin ninyo ang super powers ninyo para linisin na rin ang Intramuros.

Marami po ang naghihintay sa inyong aksiyon Yorme!

— Concerned Manila Citizen

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply