Friday , December 27 2024

Bulabugin

Maraming Salamat Robin, Aiza & Liza at sa iba pang artista

SABI nga kapag likas sa isang tao ang kabutihan hindi na dapat ituro kung ano ang gagawin sa oras ng pangangailangan. Nakita natin ito sa puso ng ilang mga artista sa movie industry sa kaso ng mga magsasaka sa Kidapawan City na binuwag, pinagpapalo, niratrat ng mga pulis nang hingiin sa lokal na pamahalaan ang 15,000 sako ng subsidyong bigas. …

Read More »

Saan ididispatsa ni Leni ang sinabing P.7-M Safari bed na binili niya sa Shangri-La Mall?

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naikolum ng inyong lingkod na P.7-M Safari Bed na sinabing binili ni Madam Leni Robredo sa London Bed Company sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong City. Naturalmente, itatanggi niya ito. Katunayan ay naghahamon ngayon si Madam Leni na puwedeng bisitahin ang kanyang condo sa Quezon City at bahay nila sa Naga para patunayan …

Read More »

VM Rico Golez umarangkada pa rin sa Parañaque

HALOS dalawang linggo na lang, eleksiyon na. Mayroon mga kandidatong umaarangkada, mayroong mga nagkukumahog, nagpupumilit at mayroong mga banderang kapos. Sa Parañaque city, kitang-kita na ang pag-arangkada ni Vice Mayor Rico Golez. (Btw, hindi ko po personal na kilala si Golez pero nakita ko ang kanyang performance dahil taga-Parañaque ako! Iba kasi ‘yung Rico Golez ‘e, hindi lang tuwing eleksiyon …

Read More »

QCPD DAID & DSOU dapat tularan ng ibang PNP anti-illegal drug agency

PNP QCPD

IBA talagang magtrabaho ang grupo ni Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID). Muli tayong pinabilib ni Major Figueroa at ng kanyang mga tauhan nang masakote ang P24-milyones shabu. Masasabi nating, sila ‘yung yunit ng pulisya na 24/7 kung magtrabaho alang-alang sa kaligtasan ng bayan laban sa salot na illegal drugs. Kumbaga, …

Read More »

Trillanes: Determinado akong tapusin ang laban at manalo bilang bise-presidente

Sa gitna ng mga bali-balitang nagpadala umano ng emisaryo si Nacionalista President Manny Villar kay tumatakbong bise presidente  Antonio Trillanes IV, upang pakiusapan na magparaya para sa pagtakbo ng isa pang kandidato sa pagkabise-presidente na si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, inilinaw ni Trillanes na walang katotohanan ang balita, tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo bilang bise-presidente. “Hindi ako aatras. Determinado …

Read More »

Digong tactless to the max (Kinapos ba ng payo si Kuya Alan?)

 TALAGANG sa sariling bibig nahuhuli ang isda. ‘Yan na! Mismong sa bibig ni Davao City mayor Rodrigo Duterte lumabas kung anong klaseng ‘animal’ ang ‘naglalamyerda’ sa kanyang utak. Mantakin ninyong na-gang rape at pinaslang na ‘yung biktimang Australian missionary, sabihin ba namang, “Maganda pala ‘yan, dapat mayor ang nauna.” Wattafak!? Mukhang kinapos ‘ata ng payo si Kuya Alan sa kanyang …

Read More »

Wala bang suporta ang DOJ at BI sa nabaril na CA?

HANGGANG ngayon pala ay naka-confine pa rin sa Manila Doctors Hospital ang isang Immigration Confidential Agent (CA) na sinamang-palad na mabaril ng isang German fugitive doon sa isla ng Boracay. Dapat lang siguro na bigyan ng special award sa kanyang naging katapangan ang nasabing confidential agent. I think that was the first time in the history of Bureau of Immigration …

Read More »

Iaangat ba ni Leni Robredo ang mga nasa ‘laylayan’ sa kama niyang P.7-M?

MINSANG naipit ang inyong lingkod sa traffic, palabas sa Roxas Boulevard, nakita natin ang mga taong nakahiga sa kalye. Kanya-kanyang puwesto kung saan sila komportable, iba-ibang porma, iba-ibang hitsura. Pero ang higit na kapansin-pansin, ‘yung babaeng nakaupo at nakasandal sa plant box, may kargang sanggol na nakayupyop sa kanyang dibdib. Ang mga taong ‘yun, doon magpapalipas ng gabi na ang …

Read More »

INC dadalhin kaya si Laylay este Madam Leila de Lima?

MARAMI ang nagtatanong kung dadalhin daw kaya ng Iglesia Ni Cristo (INC) si Madam Laylay este Leila De Lima?! Para raw kasing kung makangisi ngayon si Madame Leila ay punong-punong ng kompiyansa. Mayroon na kayang nag-endoso sa kanya?! At isa sa pinangangambahan ng mga hindi nakakamit ng katarungan ay kung makauupo si De Lima sa Senado. Tiwala raw masyado si …

Read More »

Maraming salamat sa mga naghihikayat na tumakbo ang inyong lingkod bilang presidente ng NPC

GUSTO po nating magpasalamat sa mga patuloy na nanghihikayat sa inyong lingkod na muling tumakbong presidente ng National Press Club (NPC). Isang karangalan ang inyong panghihikayat. Kahit nga ‘yung mga nasa kabilang bakod ay patuloy tayong hinihikayat na tumakbo. Pero, pasensiya na po kayo, ayaw nang pumatol ng inyong lingkod sa mga taong hindi tumitigil sa pag-iisip ng maiitim na …

Read More »

Mar Roxas dapat mag-loyalty check sa kanyang mga kampo

ALAM kaya ni Liberal Party presidential bet Mar Roxas na unti-unting nang napipirata ang kanyang mga tao? ‘Yun bang tipong, ang alam ng kampo ni Mar Roxas ay tapat sa Liberal Party ang mga tao nila sa ibaba pero sa totoo lang lumipat na pala sa kampo ni Grace Poe?! Gaya na lang ng isang kandidato sa Southern Tagalog. Noong …

Read More »

Kamag-anak System na naman sa BI

KUNG may dapat pagtuunan ng pansin si SOJ Emmanuel Caparas pati na rin si Commissioner Ronaldo Geron, ito ang lumalalang nepotismo diyan sa Bureau of Immigration. Kung meron daw nagawang maganda si David at si Mison, ito ‘yung kontrolin ang pagkakaroon ng Kamaganak Inc., sa BI! Matapos kalusin ni Mison ang bilang ng mga mag-aama, mag-iina, magpipinsan at magkakamag-anak sa …

Read More »

Presidential bets Jojo Binay at Digong Duterte nagbabangayan na

NOONG napanood natin ang Pili/PINAS Debate para sa mga presidential bets nitong March 20 sa University of the Philippines Cebu, ‘nakyutan’ tayo sa bak-apan at purihan nina Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa isa’t isa. Ang sabi pa nga ni Digong, “We are (siya at si Binay) the only qualified candidates to run for …

Read More »

Comelec walang delicadeza!

WALA na tayong maaninag na delicadeza sa ginagawang desisyon ng Commission on Elections (Comelec). Kamakalawa, nagdesisyon ang commission en banc sa botong 6-1 pabor sa pagtanggap ng iniaalok na ‘donasyon’ ng Smartmatic — ang 1.1 million thermal paper roll at 3 million marking pens. Pero ayon sa nag-iisang dissenter na si Commissioner Rowena Guanzon, “I believe that receiving a donation …

Read More »

Illegal bonuses sa Philhealth isauli kaya ni Riza Hontiveros?!

Hinahamon ngayon si senatorial candidate Riza Hontiveros ng National Association of Lawyers for Justice and Peace (NALJP) na pinamumunuan ni Atty. Jesus Santos na pangunahan niya ang pagsasauli ng P1.761-bilyon ‘ILLEGAL BONUSES’ na ipinamahagi sa kanila sa PhilHealth bilang mga opisyal. Ayon kay Atty. Santos, kailangan patunayan ni Ms. Hontiveros na karapat-dapat siya sa pagtitiwala ng sambayanan sa pamamagitan ng …

Read More »

Ano ang katotohanan sa ‘laylayan’ ni Leni Robredo!?

MULA sa “Daang Matuwid,” heto ang bago, “Iaangat ang nasa laylayan.” Napahagalpak nga ng tawa ‘yung kahuntahan natin kasi, kapag iniangat ang laylayan, hubo na raw ang tawag diyan! Hehehe… Kidding aside, kung susundan natin ang analogy ni Madame Leni Robredo, saan naman niya ilalagay ang mga iaangat niya mula sa laylayan? Iaangat ba niya, kapantay niya? O iaangat para …

Read More »

Digong Duterte landslide sa NAIA Employees Mock Election

HINDI na kami nagulat sa resultang ito. Paanong hindi makakukuha ng landslide votes si Digong sa Airport ‘e bad shot sa mga empleyado ang lahat sa ‘Daang Matuwid’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang “Daang Matuwid” daw sa NAIA ay matuwid lamang deretso sa bulsa ng Kamaganak Inc., kaya wala raw talagang natutuwa sa kanila lalo sa hanay ng …

Read More »

Trash Villains sa Makati timbog kay Mayor Kid Peña

Kamakalawa, huli sa akto, mismo ni Mayor Kid Peña ang mga binansagan nilang trash villains. Maliwanag na sabotahe ang ginagawa ng mga nadakip na kinilalang sina Jason Direro, 23, Emerson Grant, 18, at Romeo Sapurgo, 57, pawang mga residente ng Makati. Mismong ang Makati Public Safety Department (MAPSA) ang dumampot sa kanila at nakahuli na ang mga basurang ibinababa nila …

Read More »

Freedom of Information (FOI) Bill…na naman?!

HETO na naman… Kinakaladkad at ginagasgas na naman ng mga kandidato/politiko ang Freedom of Information (FOI) Bill. Ilang presidential candidates at vice presidential candidates ang nangangako ngayon na kung mananalo sila, ipapasa nila ang FOI Bill. Siya nawa! Mangyari nawa! Hindi na uso ang turntable pero sandamakmak pa rin pala ang sirang plaka. ‘E noong 15th  at  16th Congress pa …

Read More »

Bank waivers ng government officials at employees solusyon ba laban sa korupsiyon?

MAYROONG isang tumutula-tulang kandidato na nagsasabing kailangan daw ng bank waiver para sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno para mabusisi kung galing sa korupsiyon ang santambak na kuwarta nila. ‘Yung bank waiver daw ay para hindi rin makapaglabas ng mga ninakaw nilang kuwarta at maideposito sa labas ng bansa. ‘E ang tanong, kahit ba pumirma sila ng bank waiver …

Read More »

Plunder laban kay Bongbong palso na naman (Pakana ni PNoy gamit ang asong tulad ni Rafaela David ng Akbayan)

KUMBAGA sa giyerang US-Vietnam, iwinawagayway na ng mga Vietcong ang kanilang bandilang pula ‘e nagpaplano pa ang mga Kano na makaeksena… Ganyan ang nangyayari ngayon sa mga detractor sa nagungunang vice presidential candidate na si Bongbong Marcos. Sabi nga ng mga political analyst, tapos na ang labanan sa bise presidente. Kahit saan sumuling at kahit sinong tanungin kung sino ang …

Read More »

Atty. Lorna Kapunan, Susan “Toots” Ople iluklok sa Senado (Dalawang babaeng matitino kailangan…)

KUNG mayroon dapat iluklok sa Senado, wala nang iba kundi sina Atty. Lorna Kapunan at Susa “toots” Ople. Si Atty. Kapunan, hindi lang matapang, matalino, at lohikal, may common sense pa kung paano ipaglalaban ang katarungan. Hindi drawing at halumigmig ng mabubulaklak na pananalita ang kanyang plataporma, dahil makikitang klaro ang kanyang bisyon para sa sambayanang Filipino. Naninindigan si Atty. …

Read More »

Electoral Surveys dapat ipatigil!

Isa tayo sa mga naniniwala na dapat nang ipatigil ang electoral survey dahil maliwanag na panggogoyo lang ito sa sambayanan. Raket lang ‘yan ng survey firms na nagkakamal sa mga politiko at sa malalaking kompanya o negosyante na ‘nag-aalaga’ ng mga politiko. Hindi nga natin alam kung nakukuwenta nang tama ng Bureau of Internal Revenues (BIR) ang dapat bayaran sa …

Read More »

Pacquiao-Bradley malamang na gamitin ng mga politiko

HUWAG na tayong magulat kung maraming politiko ang naghanda ng venue para makapaghandog ng libreng panonood ng Pacquiao-Bradley fight ngayong araw (Abril 10, 2016 sa ating bansa). As usual sa MGM Las Vegas gaganapin ang laban. Habang ang buong mundo ay nag-aabang sa pay per view. Tinatayang mag-uuwi si Manny Pacquiao ng US$20 milyones habang US$6 milyon naman kay Tim …

Read More »