Tuesday , November 29 2022

Wala bang suporta ang DOJ at BI sa nabaril na CA?

HANGGANG ngayon pala ay naka-confine pa rin sa Manila Doctors Hospital ang isang Immigration Confidential Agent (CA) na sinamang-palad na mabaril ng isang German fugitive doon sa isla ng Boracay.

Dapat lang siguro na bigyan ng special award sa kanyang naging katapangan ang nasabing confidential agent.

I think that was the first time in the history of Bureau of Immigration (BI) na merong nabaril na BI Personnel pagdating  sa field operations.

Kadalasan kasi ay hindi naman masyadong pumapalag ang isang foreigner kapag ini-implement ang warrant of deportation or mission order sa kanila.

Dito ngayon makikita na malayo na ang takbo ng utak ng mga banyaga sa ating bansa.

Hindi lang areglohan ang kaya nilang gawin kundi kaya pa nilang pumatay kung sila ay magigipit.

Kaya nga marami rin mga Pinay na may asawang foreigners ang naaabuso o nasasaktan dahil karamihan sa kanila ay hindi na nangingilag sa kamay ng mga awtoridad.

And since nagkaroon na raw yata ng bagong pamunuan ang Intelligence Division ng BI, sana naman ay mabalik na ang dating sistema na may takot sa powers ng Bureau ang lahat ng aliens dito sa ating bansa lalo na ang mga Bombay, Koreano at mga Intsik na ngayon ay hari-harian sa ating bansa!

Agree ka ba rito, Captain Kabasigan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply