Thursday , June 13 2024

Digong Duterte landslide sa NAIA Employees Mock Election

HINDI na kami nagulat sa resultang ito.

Paanong hindi makakukuha ng landslide votes si Digong sa Airport ‘e bad shot sa mga empleyado ang lahat sa ‘Daang Matuwid’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang “Daang Matuwid” daw sa NAIA ay matuwid lamang deretso sa bulsa ng Kamaganak Inc., kaya wala raw talagang natutuwa sa kanila lalo sa hanay ng mga empleyado.

‘E ilang bonuses at incentives nga ba ang nawala sa  mga empleaydo sa ilalim ng liderato ng Daang Matuwid.

Kaya huwag na po kayo magtaka kung bakit landslide sa Airport employees si Digong ganoon din si Bongbong Marcos.

Hindi pa po nawawala ang mga taong sumaya ang buhay sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, kaya naman todo ang suporta nila kay Bongbong.

Gusto na nga nilang palitan ang pangalan ng NAIA at ibalik na lang daw sa Manila International Airport (MIA) dahil mula raw nang palitan ito ay dinapurak ang kamalasan.

Malas as in malas daw talaga.

Saan ka naman nakakita ng Airport na bigla na lamang nangagbabagsakan ang mga walling at ceiling!? Tapos hindi maintindihan ng mismong general manager kung bakit nag-brownout.

Kaya nga ang sagot lang ni GM Bodet Honrado, “E minalas kami!”

‘E kung ganyan lang ang alam na sagot, talagang mamalasin nga raw ang airport?!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *