Sunday , September 29 2024

Blog List Layout

TUMULONG na rin ang mga airline security sa maintenance personnel sa pag-spray ng Lysol sa loob ng eroplano para maiwasan ang Ebola at MERS virus. (Jerry Yap)

Read More »

P.85 – P.90 tapyas presyo kada litro sa gasolina

MATAPOS magpatupad ng dagdag presyo nitong nakaraang Linggo, nagbababa ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis, ipinahayag kahapon. Pinangunahan ng Petron Corporation at Chevron ang pagbaba ng presyo ng petrolyo na P0.85 kada litro sa presyo ng gasolina epektibo 12:01 a.m. ngayong araw. Sinundan ng Flying V ang pagtapyas ng P.90 kada litro sa presyo ng …

Read More »

P.1-M payroll Money hinoldap Mensahero kritikal

KRITIKAL ang isang messenger nang barilin ng isa sa tatlong ‘di nakilalang holdaper na tumangay ng P130,000 payroll money sa Valenzuela City kamakalawa. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si Jay Guinan, 38, messenger ng Pipe World Manufacturing, ng Area 3, Novaliches, Quezon City, sanhi ng isang tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib. Tumakas …

Read More »

Parak tepok sa boga ng kaaway

TODAS sa pamamaril ng nakaalitan ang isang pulis sa Batangas City, kahapon. Si PO2 Rowen Clerigo, miyembro ng Batangas City Police Station, ay namatay sanhi ng mga tama ng punglo sa katawan, habang isang hindi nakikilalang lalaki ang nadamay at nasugatan. Sa ulat ni Batangas PIO chief, Insp. Mary Torres, dakong 10:30 a.m., nang ratratin ng suspek na si Michael …

Read More »

Pugot na bangkay isinako sa Pampanga

ISANG bangkay ng lalaki na pugot ang ulo, naka-brief lamang at nakasilid sa isang sako ang natagpuan sa madamong lugar sa Sta Ana, Pampanga, kamakalawa. Sa ulat ng Sta. Ana PNP, ang bangkay ay nakita ng predicab driver na si Rufino Timbol, na nakalagay sa maruming sako, sa madamong lugar sa barangay Sto. Rosario, dakong 6:45 a.m. Ayon kay Timbol, …

Read More »

Arabianong mahilig inireklamo ng 24-anyos misis (Walang pahinga kahit jingle)

Takot na takot, namumutla at masakit pa ang kaselanan ng isang 24-anyos na misis nang magtungo sa ManilaPolice District – Women’s and Children Protection Unit para ireklamo ang pinakasalang Arabo dahil sa walang tigil na pakikipagtalik sa kanya sa loob ng dalawang araw nilang honeymoon sa tinutuluyang hotel sa Maynila. Kasong paglabag sa Republic Act 9262 ang isinampa laban sa …

Read More »

Lider ng kulto kalaboso (Pamilya inabandona)

ISANG lider ng kulto na may nakabinbing arrest order ang naaresto ng Tampakan PNP sa Tampakan, South Cotabato. Si Jessie Dayo Casianares, lider ng Alpha Omega Mathematical Mission, residente ng Purol Rizal, barangay Kipalbig, Tampakan ay naaresto sa bulubunduking sakop ng Sitio Data’l Bla, Barangay Lampitak. Ayon kay Sr. Insp. Sherwin Maglana, hepe ng Tampakan PNP, ay inaresto sa bisa …

Read More »

Bribery issue iakyat sa Ombudsman (Hamon sa private prosec)

HINAMON ng Malacañang si Atty. Nena Santos na maghain na lamang ng kaso sa Ombudsman kaugnay sa alegasyong suhulan sa Maguindanao massacre case. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ang posisyon ni Justice Sec. Leila de Lima para malinawan ang usapin. Ayon kay Valte, mas mabuting dalhin sa pormal na reklamo ang isyu at doon magharap ng ebidensiya …

Read More »

200 Pinoy sumapi sa ISIS (Nakikidigma sa Iraq)

DUMARAMI na ang mga militanteng Filipino na nakikipaglaban sa Iraq. Ayon kay Felizardo Serapio, Jr., pinuno ng Law Enforcement and Security Integration Office, maraming mga Filipino ang tumungo ng Iraq at Syria at ngayon ay miyembro na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), ang militanteng grupo na siyang target ngayon ng airstrikes ng Amerika sa Iraq. Batay sa …

Read More »

Chiz o Roxas tandem kay Binay (Kapag umayaw talo)

INAMIN  ni Vice President Jejomar Binay na kabilang sa ikinokonsidera sa posibleng koalisyon ang tambalan niya kay Sen. Chiz Escudero o DILG Sec. Mar Roxas bilang pambato ng administrasyon sa 2016 elections. Magugunitang inihayag kamakailan ni Binay ang posibleng pag-adopt sa kanya ng Liberal Party (LP) bilang standard bearer sa presidential elections. Marami naman ang bukas pero ilang taga-LP ang …

Read More »

PNoy 2nd term call diversionary tactic

MARIING itinanggi ng Malacanang na diversionary issue ang lumutang na kampanyang ‘One More Term for PNoy’ sa social media. Magugunitang bago naungkat ang usapin, mainit na kinaharap ng administrasyon ang kontrobersyal na Disbursement Accleration Program (DAP), pang-aaway ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Korte Suprema at impeachment complaint na inihain sa Kamara. Nariyan din ang tumaas na bilang ng …

Read More »

Bangkay ng sanggol umalingasaw sa patio ng simbahan

ISANG bangkay ng kasisilang na sanggol ang natagpuan ng isang Sampaguita vendor nang masagap ang masangsang na amoy sa patio ng simbahan  sa Guagua, Pampanga, kamakalawa ng gabi. Bandang 6:30 p.m. nang maamoy ni Nico Paulo Rivera, 20, ng San Roque Dau,Lubao, ang naagnas nang bangkay ng kasisilang na sanggol na nakalagay sa isang karosa ng patron sa harapan ng …

Read More »

Comelec OK sa Senate PCOs Probe

HANDANG makipagtulungan ang Comelec sa isasagawang imbestigasyon ng senado kaugnay sa kontrobersiya sa performance ng precinct count optical scan (PCOS) machine. Ayon kay Director James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, palagi silang bukas sa kahit anong inquiry na gagawin ng Senado dahil naiintindihan nila na trabaho ng legislators na siguraduhing angkop ang gagamitin para sa taong bayan. Dagdag ng abogado, ibibigay …

Read More »

Nanonood ng tong-its sa lamay itinumba

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang mister na binaril ng aramadong naka-bonnet habang nanonood ng tong-its sa isang lamayan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng isang tama ng punglo sa ulo ang biktimang si Eugenio Olaso, alyas Tata, 34, ng Phase 9, …

Read More »

2015 holidays inilabas ng DepEd

UPANG masinop na maplano ng elementary at secondary schools sa buong bansa ang kanilang mga aktibidad para sa 2015, ipinalabas ng Department of Education (DepEd) ang listahan ng regular, special non-working at special holidays para sa susunod na taon. Agad iniatas ni Education Secretary Armin Luistro ang distribusyon ng listahan ng national holidays “to guide all the DepEd offices and …

Read More »

Sokol choppers nilimitahan

INIUTOS ng Department of National Defense Secretary Voltaire Gazmin sa pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na limitahan muna ang paggamit sa pito pang natitirang Polish made PZL W-3 Sokol medium-size, twin-engine multipurpose helicopters. Ito’y makaraan bumagsak ang isa sa mga ito matapos na mag-take off sakay ang ilang matataas na opisyal ng 4th Infantry Division, Philippine Army pabalik sa …

Read More »

2 parak timbog sa karnap at droga

DALAWANG pulis ang inaresto sa operasyon ng Manila Police District-Anti Carnapping Investigation Section (MPD-ANCAR) matapos tukuyin na nagtutulak ng ilegal na droga  sa Tondo, Maynila, iniulat kaahpon. Nakapiit sa tanggapan ng ANCAR, sina PO3 Jessie Villanueva, alyas Boy Bayawak; at SPO1 Lovely Bacani, nakatalaga sa Northen Police District Office (NPDO). Ayon kay Sr. Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng MPD-ANCAR, dakong …

Read More »

Bibili ng pandesal binoga

TODAS sa pamamaril ang isang 23-anyos na lalaki na bibili lamang ng pandesal sa Navotas City, kahapon. Dead on the spot si Kevin Villanueva, 23, ng  Block 21, Gov.  Pascual  St., Bry. San Roque, Navotas, dahil sa tama ng bala ng baril sa dibdib. Dakong 6:30 a.m. naglalakad ang biktima sa Roldan St., Dulong Gold Rock, ng nasabing barangay para …

Read More »

Nacionalista Party handa nang sumabak sa 2016

LALO pang pinaigting ang tibay ng Nacionalista Party sa Camarines Sur matapos sumapi ang marami pang miyembro kabilang ang ilang dating nasa partido ng administrasyon, ang Liberal Party. Noong Huwebes, sinaksihan nina Senador Cynthia Villar at Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pormal na oath-taking ceremony ng mga bagong NP members na pinangunahan ni NP provincial chairman at dating Gobernador LRay Villafuerte. …

Read More »

Volunteer legal counsel niratrat sa San Fabian

TODAS ang isang dating municipal councilor nang tambangan ng gun-for-hire sa Poblacion, San Fabian, Pangasinan kahapon. Kinilala ang biktimang si Atty. Cristobal Fernandez, 67, residente ng Caballero St., Poblacion, San Fabian. Sa report ni Chief Insp. Crisante Sadino, hepe ng San Fabian PNP, nagsusulat ang aboagdo sa loob ng opisina nang pumasok ang dalawang armadong lalaking nakasuot ng helmet dakong …

Read More »

Ampatuan lawyers kumalas sa kaso (Delaying tactic?)

PERSONAL na matatanggap ng mga akusado sa Maguindanao massacre case ang ano mang court decision, orders, resolutions at iba pang direktiba makaraan magbitiw ang mga miyembro ng kanilang defense counsel. Kabilang sa mga naghain ng kani-kanilang notice of withdrawals ay sina Atty. Sigfrid Fortun ng Fortun, Narvasa, Salazar Law Firm; Atty. Andres Manuel ng Manuel Law Office; at Atty. Paris …

Read More »

P0.31/kwh rate hike ipatutupad ng Meralco

IPATUTUPAD ng Manila Electric Co (Meralco) ang P0.31 per kilowatt hour rate hike ngayong buwan. Kabilang dito ang P0.23 /kwh pagtaas sa generation charge at ang P0.08/ kwh pagtaas sa iba pang charges. Ang taas-singil sa koryente ay bunsod ng serye ng power plant shutdown sa Luzon nitong Hulyo. Ang mga consumer ay magbabayad din ng karagdagan para sa electrification …

Read More »

Manager ng outsourcing company nag-suicide

TUMALON mula sa ika-22 palapag ng condominium ang isang Singaporean national na manager ng isang kompanya sa Taguig City kahapon ng umaga. Patay agad ang biktimang si Quiao Sheng Zhang, 28, branch manager ng Trinco Inc., – BPO Company, isang business process outsourcing company, sa Makati City at pansamantalang naninirahan sa Room 22-D, Crescent Park Residences Condominium, sa 30th St., …

Read More »

PCOS issue bubusisiin ng Senado

MAGPAPATAWAG ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay ng naging kontrobersiya sa performance ng precinct count optical scan (PCOS) machines noong 2013 local and senatorial elections. Ang imbestigasyon ay gagawin ng Senate committee on electorial reforms and people’s participation na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel. Tinukoy ng senador ang alegasyon ng electorial fraud sa Nueva Ecija partikular sa kasong inihain nina …

Read More »

Bail appeal ni Enrile tuluyan nang ibinasura ng Sandigan

TULUYANG ibinasura ng Sandiganbayan 3rd division ang motion for reconsideration sa petition to bail ng kampo ni Sen. Juan Ponce Enrile. Ayon sa resolusyong inilabas ng anti-graft court, nabigo ang kampo ni Enrile na makapagpakita nang sapat na rason para pagbigyan ang senador na makapagpyansa. Si Enrile ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa alegasyon ng pagtanggap ng kickback sa …

Read More »