Tuesday , December 24 2024

Rose Novenario

P45-B ng Mighty sa bir para sa Marawi crisis — Duterte

GAGAMITIN sa rehabilitasyon ng Marawi City at trust fund para sa pag-aaral ng mga anak ng sundalo ang P45-B ibabayad ng Mighty Corp., sa pamahalaan sa mga atraso sa hindi pagbabayad sa buwis. Sa kanyang talumpati kamakalawa nang dumalaw sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagtatapos sa pag-aaral ang mga anak ng …

Read More »

MVP et al mananagot sa monopolyo sa negosyo (P100-M hanggang P250-M multa)

MANANAGOT sa pagmomonopolyo sa isang uri ng negosyo ang mga mangangalakal tulad ni Manuel V. Pangilinan, at papatawan ng multang P100 milyon hanggang P250 milyon, at makukulong ng pitong taon sa paglabag sa Philippine Competition Act. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Philippine Competition Commission (PCC) chairperson Arsenio Balisacan, simula sa 8 Agosto ay maaari nang panagutin ng …

Read More »

Mighty corp, P45-B binili ng Japanese Tobacco Int’l

NIREREPASO ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbili ng Japan Tobacco Int’l sa Mighty Corp sa halagang P45 bilyon. Sinabi ni PCC chairperson Arsenio Balisacan, 90 araw ang itinakdang araw para repasohin ng PCC ang kasunduan ng JTI at Mighty. Kapag hindi aniya nakapaglabas ng desisyon ang PCC sa loob ng 90-araw, ang transaksiyon ay itinuturing na aprubado. Naunang napaulat …

Read More »

Passport 10 taon, driver’s license 5, aprub kay Digong

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magpapalawig sa bisa ng Philippines passport sa 10 taon mula sa dating limang taon. Sa pinirmahan ni Pangulong Duterte na Republic Act 1928, inamiyendahan nito ang Section 10 ng RA 8239 o Philippine Passport Act of 1996, na nagtatakda na balido ang Philippine passport sa loob ng 10 taon. Ngunit para …

Read More »

Parojinog leader ng drug ring — Duterte

ANIMO’Y estadong piyudal ng pamilya Parojinog ang Ozamis City at nagpapatakbo rin sila ng drug organization kaya naging madugo ang katapusan ng kanilang paghahari sa siyudad. “Hindi naman ito basta you pick one enemy at a time. You are up against an organization. Parojinog has been there and you can ask the ordinary citizen of Ozamis. Tanungin mo sila kung …

Read More »

Ex-pNoy G – – -, buang (Buwelta sa batikos sa drug war) — Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang sinundang pangulo na subukang pumasok sa ilegal na droga para mapatunayan niya kung gaano kaseryoso ang kanyang administrasyon sa kampanya laban sa illegal drugs. Sagot ito ni Duterte kaugnay sa sinabi ni dating Presidente Benigno Aquino III, na wala pang nagiging resulta ang drug war ng kasalukuyang administrasyon. “Iyan ang warning ko, …

Read More »

Noynoy nega sa Duterte drug war (Bunga ng political opportunism) — Abella

BUNGA ng mapagsamantalang pananaw ng isang makasariling politiko ang pagbatikos ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa drug war ng administrasyong Duterte. Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa sinabi ni Aquino kamakalawa, na sa kabila ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman nagbago ang bilang ng drug personalities na 1.8 milyon drug users mula …

Read More »

Wikang Filipino gamitin sa pagkakaisa tungo sa reporma — Duterte

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na patuloy na gamitin ang wikang Filipino bilang instrumento ng pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga reporma at layuning itaas ang kalidad ng ating buhay at kasalukuyang estado ng bayan. Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, binigyan-diin ni Pangulong Duterte ang mahalagang papel ng wikang Filipino para pagbuklurin …

Read More »

POW ng NPA kay Duterte pinalaya (Kahit ‘minura’ si Joma)

SA kabila nang pagkaunsiyami ng peace talks, ipinagkatiwala pa rin ng New People’s Army (NPA) na iharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinalayang prisoner of war (POW) na pulis sa Davao City, kamakalawa ng gabi. Batay sa kalatas ng Palasyo, hiniling ng Front Committee 25 ng NPA na palayain ang POW na si PO1 Alfredo Basabica, Jr. kay Pangulong Duterte. …

Read More »

Balangiga bells target ni Digong (Para ibalik sa Samar)

PURSIGIDO ang admi-nistrasyong Duterte na isulong ang daan tungo sa pagbabalik ng dignidad ng bansa kaya makikipagtulungan kay Uncle Sam para maibalik sa Filipinas ang Balangiga Bells. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahagi ng “national heritage” ng bansa ang Balangiga Bells kaya ikinagalak ng Malacañang ang pahayag ni US Ambassador to the Phi-lippines Sung Kim na magsusumikap ang Amerika …

Read More »

Parojinogs, 10 pa patay sa drug raid sa ‘kuta’ ni mayor

IPINANGAKO ng administrasyong Duterte na paiigtingin ang kampanya kontra illegal drugs. Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagkamatay ng 12 katao, kasama si Ozamis City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog at misis na si Susan, nang salakayin ng pulisya ang kanilang bahay kahapon ng madaling-araw. Inaresto sa nasabing raid si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez, umano’y nobya ni Bilibid druglord …

Read More »

Kabataang bakwit isinailalim sa stress debriefing (CSOs for peace, AFP)

Marawi

UPANG maituwid ang maling paniniwalang mga bayani ang teroristang grupong Maute/ISIS, magkatuwang ang civil society organizations for peace at Armed Forces of the Philippines (AFP) na naglulunsad ng stress debriefing sa mga kabataang bakwit mula sa Marawi City. Sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, unang natuklasan ang pag-iidolo ng mga kabataang …

Read More »

Mae Paner inimbitahan maging AFP reservist

MAGALING sa psychological warfare ang liderato ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año. Ito ang puna ng ilang political observer nang imbes magalit ay inimbitahan ng AFP ang komedyanteng si Mae Paner alyas Juana Change, na nag-trending sa social media nang magsuot ng battledress uniform ng sundalo sa paglahok sa anti-Duterte rally noong Lunes. Sa kalatas na binasa ni …

Read More »

Eskuwelahan para sa lumad ng kaliwa isasara ng AFP, PNP (Turo taliwas sa ‘tama’)

NAKAHANDA ang militar at pulisya na isara ang tatlong paaralang itinayo ng mga maka-kaliwang grupo na nagtuturo sa mga Lumad na huwag maniwala sa Diyos at maglunsad ng rebolusyon laban sa pamahalaan. Sinabi ni Armed For-ces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, may umiiral na batas kapag hindi nagtuturo nang tama ang isang institus-yon ay puwede itong ipa-sara …

Read More »

Bagets sa marawi may ISIS-mania

INIIDOLO ng mga kabataang bakwit mula sa Marawi City ang Maute/ISIS dahil sa teroristang grupo kumukuha ng kabuhayan ang kanilang pamilya. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Wiliam Ramirez, chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), naglunsad sila ng sportsfest sa evacuation center sa Iligan City at nagulat sila nang marinig sa mga bata ang mga papuri sa ISIS. …

Read More »

P1.25-M ayuda sa bawat pamilya ng Marawi fallen soldier

NAKATANGGAP ng P1.25 milyon ang bawat pamilya ng napatay na sundalo sa bakbakan sa Marawi City mula sa donasyon ng malalaking negosyante sa bansa. Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilya ng “fallen heroes” sa seremonyang tinaguriang “Salamat Magigiting na Mandirigma: Go Negosyo Kapatid for Marawi” ng Palasyo kamakalawa ng gabi. Pinasalamatan ng Pangulo ang …

Read More »

CPP-NPA-NDFP national mafia syndicate — Año

ISANG national mafia syndicate ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) at hindi “revolutionary government.” Ito ang buwelta ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa pahayag ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison, na dalawa na ang pamahalaan sa Filipinas, isang reactionary government na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte at isang …

Read More »

Shoot-to-Kill sa Kadamay (Occupy pabahay kapag inulit) — Duterte

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipababaril sa mga awtoridad ang mga maralitang militante kapag inulit ang pang-aagaw ng pabahay. “Huwag ninyong gamitin ‘yang pagka-pobre ninyo to create chaos,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sinabi ng Pangulo, hindi niya papayagan na ulitin ng mga miyembro ng militanteng grupong Kadamay ang pag-agaw sa ibang proyektong pabahay …

Read More »

P3.8-T activist budget sa 2018 nasa Kongreso na

ISINUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P3.8-T “activist budget” sa Kong-eso para sa susunod na taon. Sa kanyang budget message, sinabi ng Pangulo, maraming dapat gawin upang maipatupad nang mas maayos ang mga repormang kanyang ipinangako para sa bayan. “[This budget] is an indication that we need to put in more work in order to sustain the change in …

Read More »

Kababaihan respetado ni Duterte — Mocha Uson

MAY paggalang at pagpapahalaga sa kababaihan si Pangulong Rodrigo Duterte taliwas sa ipinipinta ni Sen. Risa Hontiveros na bastos siya at maliit ang pagtingin sa kababaihan. Sinabi ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa panayam sa Palasyo kahapon, ang pagkilala at paniniwala ni Duterte sa kanyang kakayahan na ipinagmalaki kamakalawa ng gabi, ay patunay na mali si Hontiveros sa paghusga …

Read More »

GRP-NDF peace talks ‘di tuluyang ibabasura ni digong — Bello (Reelection ng Norway PM apektado)

ANG pagpapatuloy ng peace talks ng gobyernong Duterte at National Democratic Front (NDF) ay maaaring magresulta sa reelection ni Erna Solberg, bilang prime minister ng Norway sa Setyembre. Sinabi ni Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III, umaasa si-yang hindi itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbasura sa peace talks sa kilusang komunista dahil posibleng maging …

Read More »

TRO sa RH Law hiniling sa SC (Gamot malapit nang mag-expire)

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Korte Suprema na ipawalang bisa ang temporary restraining order (TRO) sa Reproductive Health Law upang mailarga nang husto ang responsible parenthood. Sa kanyang ikalawang SONA, sinabi ng Pangulo sa harap ng Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na inatasan niya si Health Secretary Paulyn Ubial na maghanap ng bansa kung saan puwedeng i-donate …

Read More »

Ayaw ko na kayong kausap — Duterte (Sa ambush ng NPA sa PSG)

SINUMBATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maka-kaliwang grupo sa pag-ambush ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato kamakailan. Matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kagabi ay lumabas si Duterte sa gusali ng Batasan Pambansa at sinabi sa mga raliyista na wala na silang kakausapin …

Read More »

Balangiga Bells ibalik ninyo — Digong sa US (Sa ikalawang SONA)

“IBALIK ninyo ang Balangiga bells, amin iyon.” Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kahapon, sa ninakaw na Balangiga bells ng mga sundalong Amerikano noong 1901 sa panahon ng Fil-Am war. “The church bells of Balangiga were seized by the Americans as spoils of war. Give us back those …

Read More »

Kapalaran ng PH sa 5 taon tampok sa SONA ni Duterte

ILILITANYA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halos isang oras na 15-pahinang State of the Nation Address (SONA) ngayon ang magiging kapalaran ng Filipinas sa susunod na limang taon. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, punong-puno ng pag-asa ang ikalawang SONA ng Pangulo at dapat itong tutukan ng mga mamamayan, lalo ng mahihirap dahil ilalahad ng Punong Ehekutibo kung saan niya …

Read More »