PAPALITAN ng mga kagawad ng Philippine Marines ang mga miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) bilang mga guwardiya sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa ulat na masiglang muli ang drug trade sa piitan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinausap ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pag-alis ng puwersa ng SAF sa Bilibid at Marines ang maging kahalili nila ngunit naudlot dahil sa pagsiklab ng krisis sa Marawi City.
“Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa has already talked to the President on the deployment of Marines to replace the SAF personnel in the Bilibid, which was put on hold and it was overtaken by events because of the Marawi rebellion,” ani Abella sa press briefing sa Palasyo.
Giit ni Abella, ang pagkaka-tuklas at neutralisasyon sa drug syndicates sa Bilibid ang isa sa naging matingkad na accomplishment ng drug war ng administrasyong Duterte.
Ang report na nabuhay muli ang kalakaran ng illegal drugs sa Bilibid at pagka-kasangkot ng ilang tauhan ng SAF ay sumasalamin aniya kung gaano kalala ang drug problem at ang pangangaila-ngan na wasakin ang buong drug apparatus upang ganap na magtagumpay ang kampanya.
Umuusad na aniya ang imbestigasyon sa drug-related activities at umano’y paki-kipagsabwatan ng mga awtoridad. (ROSE NOVENARIO)