ni ROSE NOVENARIO BUMINGGO agad ang isang ‘sampid’ sa government-controlled media nang ipatanggal kagabi ng opisyal ng Office of the Press Secretary ang balitang ipinapaskil niya kaugnay sa ‘sinabing pagpabor’ ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa panukalang gawing requirement ang CoVid-19 booster shot sa mga mamamayan upang mapigilan ang pagkalat ng Omicron subvariants sa Filipinas. Ayon sa source, iginiit umano …
Read More »Sa pagpabor umano ni PBBM sa CoVid-19 booster shot
Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO
WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Ang pahayag ni Angeles ay kasunod ng mga pagbatikos sa magarbong 93rd birthday party ni dating Unang Ginang Imelda Marcos noong Sabado, 2 Hulyo 2022, sa Malacañang. Nangangamba ang mga kritiko na maging madalas ulit ang mga private party …
Read More »
Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR
HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University nagtapos ng kursong Bachelor of Arts, Major in Political Science ang unang commander ng Presidential Security Group (PSG) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Si Col. Ramon Zagala ay pormal na itinalaga ni Pangulong Marcos, Jr., bilang PSG commander, kapalit ni B/Gen. …
Read More »‘Bata’ ni VP Sara pinalitan ng campaign media bureau chief ni Yorme
KAHIT natalo sa 2022 presidential elections ang kanyang manok, nakasungkit ng posisyon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang campaign media bureau chief ni dating Manila mayor at presidential bet Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Nabatid sa inilabas na memorandum ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon, inirekomenda niya si Raymond Burgos bilang bagong pinuno ng News and Information Bureau (NIB), …
Read More »
Pag-upo ni Marcos, Jr., sa Palasyo
250 KATAO NAWALAN NG TRABAHO SA PCOO
ni ROSE NOVENARIO ISA sa pangunahing problema ng bansa ang unemployment o kawalan ng trabaho kaya maraming Pinoy ang naghihirap. Ngunit ang bagong administrasyon na iniluklok ng 31 milyong boto sa katatapos na 2022 presidential elections, unang tinanggalan ng trabaho ang mga pangkaraniwang manggagawa sa gobyerno. Batay sa Department Order No. 22-04 na inilabas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, iginiit …
Read More »
Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens
DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na idinaos sa Malacañang, dalawang araw matapos maluklok bilang ika-17 Pangulo ng Filipinas ang kanyang tanging anak na lalaki, Ferdinand Marcos Jr. Ipinagdiwang ni Gng. Marcos ang ika-93 kaarawan noong Sabado, 02 Hulyo 2022. Kahit kumalat sa social media …
Read More »
Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 
ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on …
Read More »95 batang Pinoy patay sa malnutrisyon kada araw
MAY siyamnapu’t limang batang Filipino ang namamatay kada araw dulot ng malnutrition. “The fragmented and weak health system in the Philippines is chronically in crisis,” ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS) sa panayam ng HATAW. Aniya, mayorya sa mga Pinoy ay pinagkaitan ng karapatan sa kalusugan sanhi ng kakulangan sa access sa …
Read More »PH health frontliners ‘itinaboy’ ng bulok na sistema
ni Rose Novenario MISTULANG gobyerno ang nagtataboy sa health care workers para mag-abroad kaya nakararanas ng pagbulusok ng bilang ng health workforce sa bansa. Ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS), ang pangingibang bansa ng health workers ay sanhi ng napakaliit na sahod at benepisyo, hindi maayos na kondisyon sa paggawa, pagkakait ng …
Read More »
Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT
ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno. Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel …
Read More »
Isang linggo bago bumaba sa puwesto,
DUTERTE NAGTALAGA NG ‘MIDNIGHT APPOINTEES’
ISANG linggo bago bumaba sa puwesto, nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong officers-in-charge sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kinompirma ni acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar ang paghirang kay David Erro bilang officer-in-charge ng DAR at Joselin Marcus Fragada bilang officer-in-charge ng DENR. Pinalitan ni Erro si acting …
Read More »
Utos ng NSC, NTC na mag-block ng websites ng alternative press
FULL-BLOWN DIGITAL MARTIAL LAW
ni ROSE NOVENARIO SIMULA ng implementasyon ng full-blown digital martial law ang utos ng National Security Council (NSC) at National Telecommunications Office (NTC) na i-block ang websites ng ilang news organizations, activist groups at social movements para hindi mabasa ng internet users sa Filipinas. Inihayag ito ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay kahapon kasabay ng pagkondena sa naging hakbang ng …
Read More »
Agri-sector tumagilid,
IMPORTASYON, NIYAKAP NANG HUSTO NI DAR
ni ROSE NOVENARIO NIYAKAP nang husto ni Agriculture Secretary William Dar ang ‘special importation’ kaya tumagilid ang sektor ng agrikultura. Sinabi ito ni Atty. Bong Inciong, pangulo ng United Broilers Raisers Association kasunod ng pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., bilang agriculture secretary para matugunan ang krisis sa agrikultura. Ayon kay Inciong, sa lahat ng naging kalihim ng DA, tanging …
Read More »
Gusali tinadtad ng BBM tarps
PIA CHIEF, KAPIT-TUKO SA PUWESTO
MATINDI pa sa pagkit kung mangunyapit sa puwesto si Philippine Information Agency (PIA) Director-General Ramon Cualoping. Sa hangarin umanong manatili sa puwesto at ipakita ang kanyang ‘loyalty’ kay president-elect Ferdinand Marcos, Jr., tinadtad ni Cualoping ng mga tarpaulin na “Mabuhay PBBM!” ang loob at labas ng gusali ng PIA sa Visayas Ave., Quezon City para makita ng transition committee na …
Read More »
‘Additional, unnecessary stressor’
BADOY HINILING TANGGALAN NG LISENSIYA BILANG DOKTOR 
ni ROSE NOVENARIO HINILING ng isang grupo ng mga doktor sa Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalin ang lisensiya ni anti-communist task force spokesperson Lorraine Badoy bilang manggagamot dahil sa red-tagging. Sa kanilang reklamo, sinabi nilang nilabag ni Badoy ang code of conduct and ethical standards of the medical profession sa kanyang walang habas na red-tagging, hindi lamang sa kapwa …
Read More »
Sa pagtalaga kay Enrile sa Marcos cabinet,
PEOPLE POWER MOVEMENT WINAKASAN 
TAPOS na ang kilusang People Power. Ito ang mensaheng nais iparating ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtalaga kay dating Sen. Juan Ponce-Enrile bilang kanyang Chief Presidential Legal Counsel, ayon kay UP Political Science Professor Jean Encinas-Franco sa panayam sa programang The Chiefs sa One PH kamakalawa. “It could also be saying that you know, wala na ‘yung EDSA. Kita …
Read More »
Supresyon iwinasiwas,
PANGIL VS PRESS FREEDOM ‘ISINUNGAW’ NI MARCOS, JR.
ni ROSE NOVENARIO HINDI pa man opisyal na nakaluklok sa Palasyo ay ‘isinusungaw’ na ng incoming administration ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., ang ‘pangil’ laban sa mga mamamahayag na kritikal sa kanilang pamilya. Sinibak kamakalawa bilang kolumnista ng Phil. Daily Inquirer ang ekonomista at UP professor emeritus Solita “Winnie” Monsod dahil sa umano’y conflict of interest. Ang mga pitak ni …
Read More »P7.9-B One COVID-19 Allowance ‘di pa natatanggap ng health workers
ni ROSE NOVENARIO HINDI pa natatanggap ng mayorya ng health workers sa private hospitals ang kanilang One COVID-19 Allowance kahit na-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7.9 bilyon budget nito sa Department of Health (DOH). “Actually, iyon ang ikinalulungkot din ng ating mga health care workers ano po. Lagi pong sinasabi ng Department of Health (DOH), …
Read More »PNP, NTF-ELCAC, sinopla ni Guevarra
ni ROSE NOVENARIO DALAWANG linggo bago bumaba sa puwesto, sinopla ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pahayag ng Philippine National Police (PNP) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa mga progresibong grupo. Pinaalalahanan ni Guevarra si acting PNP chief Lt. Gen. Vicente Danao na hindi esklusibong karapatan ng mga tagasuporta ni president-elect Ferdinand …
Read More »
Utos ni Digong ‘di mababali
MANDATORY FACE MASK, BAWAL SUWAYIN
HINDI naging matibay na argumento ang katuwiran ni Cebu Gov. Gwen Garcia, na hindi naipatupad nang wasto ang health protocols noong campaign period sa katatapos na halalan at ang kanyang direktibang optional na lamang ang face mask ay kapaki-pakinabang sa mga Cebuano. Inilinaw ng Malacañang, magpapatuloy ang implementasyon ng mandatory face mask sa buong bansa. Ang paglilinaw ng Malacañang kahapon …
Read More »Talpakan pinagsisihan, i am sorry – Duterte
PINAGSISIHAN ni outgoing President Rodrigo Duterte na pinayagan niya ang operasyon ng online sabong o talpakan kahit may ulat na may mga nawawalang sabungero. “On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos mag-inspeksiyon sa main campus ng National Academy of Sports sa New Clark City, Capas, Tarlac. “It was at P600 million …
Read More »
Palasyo nagalak
45 BI PERSONNEL SIBAK SA PASTILLAS SCAM
ni ROSE NOVENARIO NAGALAK ang Palasyo sa utos ng Office of the Ombudsman na sibakin sa serbisyo ang 45 opisyal at ahente ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas scam.” Ayon kay acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar, ang desisyon ng Ombudsman ay patunay na walang sacred cow sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra korupsiyon. “We …
Read More »P5 dagdag pasahe hirit ng transport group
UMAASA ang isang transport group na magkaroon ng ‘sense of urgency’ ang pamahalaan at papayagan ang hirit na P5 (limang pisong) dagdag sa minimum fare na kanilang inihain noon pang Enero 2022. Sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi, nanawagan si Mar Valbuena, pangulo ng transport group na MANIBELA, sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board …
Read More »
ALMA, MARINA employees kay Marcos
MARINA CHIEF EMPEDRAD PANATILIHIN 
NANAWAGAN ang mga kawani ng Maritime Industry Authority (MARINA) kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr., na huwag palitan si ret. Vice Admiral Robert Empedrad bilang pinuno ng kanilang ahensiya para maipagpatuloy ang mga naumpisahang reporma sa maritime industry. Sinabi ni Capt. Jeffrey Solon, Deputy Executive Director sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Office ng MARINA, aprub din sa mga empleyado …
Read More »
Gusto ni Digong,
VP SARA INIHIRIT PARA DRUG CZAR
ni ROSE NOVENARIO NAIS ni outgoing President Rodrigo Duterte na ipamana sa kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs. “This time, kung wala na ako, sabihin ko na lang kay Inday, ‘Take over. Ikaw na ang…Kunin mo ‘yang trabaho…’,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Valenzuela City kahapon. Nanawagan si Duterte …
Read More »